CHAPTER 19

569 25 4
                                    

Ngumiti ito saka niya hinawi ang buhok ko. "Ken, huwag mo siyang kalimutan dahil mahirap kalimutan ang mga taong  nagbigay saya saatin ang nais ko lang ay  huwag mo sanang kalimutan na ako ang present mo at siya ang past mo."sabi nito kaya muli akong napayuko at saka tumango na parang batang pinangangaralan.

"Halika nga dito"sabi nito saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Harley sorry"bulong ko at hinalikan lang ako sa pisngi.

"Ang bango mo namiss ko 'yang amoy mo, kung wala lang tayo dito sa ospital kanina pa kita niyari sa kama hindi pa ako nakaka score sayo a!"sabi nito dahilan para kumalas ako sa pagkakayakap niya at mabilis ko itong sinapak sa kamay.

"Araaay! ang sakit ikaw nangongota ka na saakin a! kapag ako talaga nainis yayariin kita dito!"nakangising aso nitong wika dahilan para irapan ko lang ito.

Kumindat pa ito saka nag pa cute dahilan para muli ko itong irapan. Nakakainis nakikilig na ako sa mga ginagawa niya!

"Diyan ka na nga!"sigaw ko sabay labas ng silid habang siya ay tumatawa lang. Paglabas ko ay nagtatalon talon ako sa kilig at parang guto kong magsisigaw sigaw dito sa loob ng ospital

"Ken bakit tumatalon ka anyare sayo?"naka kunot noong tanong saakin ni Joward noong makita ako kaya nag iba ang ekspresyon ng muka ko na wari'y nasasaktan. "ayy! aray! ang sakit na untog kasi yung hinliliit ng paa ko diyan sa pintuan ang sakit."palusot ko kaya napa tingin ito saaking paa.

"Okey"tumatango tango nitong wika na parang hindi naniniwala, agad na itong pumunta sa kabilang silid at noong wala na siya ay pinag patuloy ko ang aking ginagawa. Na kekeleg ake!!!

CHAPTER 19: Rewriting our destiny (It's time to say goodbye 2)

December 24 2019, bisperas ngayon ng pasko kaya naman nag pasama ako kay Harley dito sa pamilihang bayan. Sa aming inaasahan ay dumagsa ang mga mamimili ngunit hindi naman puno dito sa palengke iyon nga lang masiyadong maingay at mainit dito kaya naman hindi maiwasan ni Harley na sumimangot habang naka buntot ito saakin at hawak hawak ang mga pinamili ko. "Kaya mo pa ba? sabi ko naman sa'yo doon ka nalang sa loob ng sasakiyan at antayin mo nalang ako doon kaya ko naman."tanong ko pero tumango lang ito sabay ngiti.

"Ayos lang ako ano bang silbi ko kung hindi kita sasamahan dito baka mapano ka pa alam ko namang pagod na pagod ka nitong nag daang araw kaya okey lang na samahan kita."nakangiti nitong sabi saakin.

Pinag patuloy namin ang aming pamimili hanggang sa tapos nanga ito. Habang naglalakad kami pabalik sa parking lot doon sa plaza ay may nakita akong sorbetero sa tabi ng gasolinahan kaya napatingin ako kay Harley na hawak lahat ng pina mili ko at napansin ko ding pinag papawisan na ito kaya naman inantay ko siyang maka lapit saakin dahil nauuna akong nag lalakad sakaniya. "Bakit ka tumigil?"takang tanong nito.

"Ibaba mo muna iyang pina mili natin alam kong pagod na pagod ka na, hindi pa kita nakitang binaba mo iyang mga basket at paper bag na hawak mo."utos ko at binaba naman nito kaya kinuha ko ang panyo saaking bulsa saka ito pinunasan na parang bata na kagagaling makipaglaro sa mga kaibigan.

"Ako na kaya ko naman"sabay kuha ng panyo saakin kaya wala akong nagawa kundi ibigay sakaniya.

"Christmas na pero hanggang ngayon hindi mo pa ako dini-date! pero ayos lang makita lang kitang masaya at malakas okey na ako."pagpaparinig ko nang mapansin ko itong hinugot niya ang pitaka niya sa bulsa nito.

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon