"Siyempre bata ka pa kaya hindi mo iyon maiintindihan, ang mabuti pa siguro matulog na tayo."sabi ko dito kaya tumango nalang siya at sumama saakin papasok sa loob.
Pagtapat namin sa pintuan ng kanilang silid ay muli itong ngumiti saakin at pumakawala ng buntong hinga.
"Good night kuya sweet dreams, lagi niyo pong tatandaan na ang pagibig ay isa sa pinaka magandang bagay sa mundo, at isa din itong pinakamalungkot na bagay. Ang pagkawala ng isang minamahal, pagtatalo o pag aaway at break up ay napupunta ito sa matinding kalungkutan. Dito nasasabi natin ang pagpapaalam, nasasaktan tayo at pagiging malungkutin dahil wala ang ating minamahal. Nais ko ding sabihin kuya na isa sa pinakamahirap na gawin sa buhay ay ang mag alis ng isang espesyal na tao saating buhay, iyon lang good night kuya."mahabang salaysay nito sabay halik saaking pisnge saka mabilis tumakbo sakanilang silid. Tila nabusalsalan ang aking bibig at natulala saaking narinig mula kay Gabriel hindi ko aakalahing sa taong 8 ay alam niya ang mga bagay na iyon.
CHAPTER 13: It's time to say goodbye book 2
Miyerkules alas kwatro ng hapon, abala ako ngayon sa mga inaasikaso ko dito sa information desk bagamat mabigat padin ang aking loob at hindi parin naaalis ang lungkot saaking puso. Minsan natutulala nalang ako kaya naman napapagalitan ako ng aming kasama lalo na sa mga doctor dito, hindi din ako makapag focus ng mabuti saaking trabaho dahil sa kakaisip kay Harley at ang lihim nitong hindi ko kinaya ng lubos.
Na kwento ko nadin sa mga ka-work mates ko ang nangyari at dinamayan naman ako ng mga ito, labis din naman ang pag aalala saakin ni Joward dahil sa mugto ang aking mga mata at malaki ang aking eyebags dahil sa magdamag akong nag iiyak kagabi. Masakit talaga saaking damdamin at ang hirap maka move on lalo na't napamahal na ako sakaniya.
Samantala may mga missed call si Harley na umabot sa 45 missed call ngunit hinayaan ko lang ito at pinatayan ng linya upang hindi na siya makatawag pa. Kay Roxy naman ay hindi nag r-reply saaking mga message at chat sa messanger maski 'Seen' hindi manlang niya magawa kaya wala na akong nagawa kundi isilid sa bulsa ng aking unipormeng damit at ipagpatuloy ang aking ginagawa dito sa information desk.
"Payo ko lang sayo Ken mag rest ka muna alam kong pagod ka hindi lang physically kundi mental at emotional din. Hindi naman masama kung mag leave ka ng tatlong araw."payo ni Jeth habang inaayos namin ang mga papers ng pasiyente dito sa information desk.
Bahagya akong napatingin sakaniya at tila wala akong gana sa lahat. "Huwag na sa christmas break nalang natin tutal malapit naman na ito. Ok lang naman ako siguro stress lang ako salamat sa concern."sabay gawad ng hilaw na ngiti bagamat pagod na pagod na ako at gusto ko nang bumigay.
"Sigurado ka? pero kung iyan ang desisyon mo bahala ka, basta ako sa tingin ko kailangan mo talaga ng rest kasi tignan mo babagsak na ang mga talukap ng mata mo."nag aalalang wika nito sabay turo saaking mga mata.
"Jeth kaya ko ito tiwala lang."muli kong tugon kaya napatango nalang ito at pinagpatuloy ang aming ginagawa. Ilang oras din kami saaming ginagawa hanggang sa natapos nanamin ang aming shift kaya naman agad nag aya si Joward para uminom at mag relax manlang sa bagong bukas na bar noong una ay nag isip pa ako kung sasama ako ngunit dahil nga mapilit ang mga kasama ko ay agad akong pumayag at sumama tutal pang night shift ako bukas.
Habang naglalakad kami papunta sa naturang Bar ay agad tumabi saakin si Joward saka gumawad ng matamis na ngiti. "Ayos kalang nabalitaan ko may problema ka daw?"tanong nito saakin kaya napatingin ako sakaniya at ngumisi.
"Heto stress pero ayos lang atleast ngayon medyo ok na ako pero siguro kailangan ko na talagang mag rest."tugon ko
"Tama iyan mag rest ka lang alam mo bang magkakasakit ka kapag pinilit mo ang sarili mong pumasok."muli nitong wika kaya nginitian ko nalang ito at ganun din siya.
BINABASA MO ANG
It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)
RomanceMaraming salamat sa pag-aantay ng aking akda alam kong hindi ko kayo nabigyan ng magandang ending sa unang libro nito, ngunit ngayon buong puso kong ibibigay ang inyong matagal na ninanais. Maraming salamat sa pag-aantay