Kabanata 41
Wala pang ilang minuto ng madating namin ang apartment ni Riza, hindi ako sigurado kung dito parin ba siya nakatira. Kanina pa ako nagdadalawang isip kung dito ba sa apartment niya o sa bahay ng parents niya. Kasi naman hindi ako sigurado kung apartment niya pa rin ba ito, kung sa bahay naman ng magulang niya, hindi ko alam kung alam ba nila tita na hiwalay na sila.
Kung sakaling hindi nila alam ayokong pangunahan si Riza sa desisyon niya. Hindi ko din naman pwedeng sa bahay ko siya dalhin, magtataka ang mga bata sa ayos niya, and besides nakasunod si Van sa amin. I don't want him to be near on my child, kahit wala akong dapat ikabahala.
Walang pasabing binuksan ni Van ang passenger seat at binuhat si Riza, I stare at him at sinusuri ang bawat galaw. I can't read him. Sino nga ba naman ang nakakabasa sa mga iniisip ni Van?
Hindi ko alam kung ano ba ang problema niya. Kanina, para siyang galit dahil bumalik pa ako and here he is now.
"Your friend is heavy, would you mind if you open the door?" he ask na hindi man lang ako tinapunan ng tingin, dalidali kong hinanap ang susi ng apartment ni Riza at lumabas na sa sasakyan.
My knees are trembling and my heart suddenly beat wildly. Nagmamadali kong sinusian ng pinto, habang nananalangin na sana ito parin ang apartment ng kaibigan. Nakahinga ako ng maluwag ng nabuksan ang pinto.
"Uhm? Sa kwarto mo nalang ibaba si Riz, kung okay lang?" Nag aalangan kong tanong, he just nod at waring nagtatanong kung saan ang kwarto ni Riza.
Nang maituro ko sa kaniya ay maingat niyang inilapag sa kama ang kaibigan ko. May luha sa mata niya kaya marahan ko itong pinunasan, nasasaktan din dahil sa kalagayan ng kaibigan.
"Everything will be fine, Riz. I'm here... I'm always here." marahan kong bulong. Inayos ko ang kumot niya ng matangal ko ang sapatos.
"T-thank you for the help." baling ko kay Van na kanina pa yata nakatingin sa amin.
Nauna na akong lumabas sa kwarto ni Riza at binuksan ang pinto para maka-labas na siya. Para akong nasasakal dahil nasa iisang lugar na naman kami.
"Making a promise again?" may bahid ng galit niyang tanong. Back on his being mad at me.
Bahala na siya kung magagalit siya sa akin, mabuti na 'yon. Para alam ko kung ano ang gagawin ko. Siguro, may kasalanan din ako. I left him before. Iniwan ko siya after I promise na mananatili ako sa tabi niya.
Why not? I want the best for him too. At hindi ako 'yon. I'll never be the best for him. At ganuon din siya sa akin, parehas lang namin mas sasaktan ang isa't isa. I don't know kung nasaktan ba siya.
"Gabi na, you should go home." marahan at pilit kong iniiwasan na pag-usapan ang nakaraan.
Dapat ibaon nalang namin iyon sa limot, mag-simula ng bagong buhay at kalimutan ang isa't isa.
"Ngayon iniiwas mo ang tanong? Why? Guilty for leaving me? When all I can do that time is too fucking loved you. I do everything for you, but what have you done? You left me... You fucking left me and I want to know why. Bakit mo ako iniwan matapos mong mangako, huh?"
I was stunned for his sudden outburst. Talking about our past is like putting a salt on the wound. Yung sugat na hindi pa pala nag-hihilom. Tinapalan lang ng band aid pero hindi man lang gumaling.
"Just go home Van... It's late, and I'm tired." halos maki-usap na ako. I can't talk to him right now. Ayokong sumabog dahil alam ko marami akong sama at hinanakit. Nakatago lang, nag-hihintay ng tiyempo para lumabas sa bibig ko.
"Is that hard, Ysabel? Is this how you say thank you after everything I've done to you?" nanguuyam niyang saad.
"Is that hard for you to tell the truth, Van?" balik kong tanong sa kaniya. Halatang naguluhan siya sa sinabi ko dahil sa naging reaksyon niya.
You can do it Ysabel, sinimulan niya na ikaw na ang tumapos. After all siya naman ang may kasalanan nito. Siya naman ang dahilan kung bakit mo siya iniwan.
Pansamantalang nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, is this really happening? Pag-uusapan ba talaga namin ang nakaraan? Ganun ganun nalang ba iyon? It's hard for me to recall the past, but here he is parang wala lang sa kaniya ang lahat.
Why do he need to know why I left him? Hindi ba dapat magpasalamat nalang siya sa akin? I did the right choice, I choose the right one.
Is this all about his ego! Grabe ko ba talagang natapakan ang pride niya ng umalis ako at iwan siya apat na taon ang nakalipas? Ako ba talaga ang kailangan mag explain? Hindi ba parang sobrang unfair naman yata, ako yung niloko... Ako yung pinaglihiman ako yung nasaktan ng dahil sa sekreto niya.
All he said was lie. Nakakatakot kasi naniwala ako, nag-pauto ako.
"You always say you loved me, pero para sa akin ba talaga 'yon, Van? Ako ba talaga ang tinutukoy mo? Dahil paano ako mananatili sa tabi mo kung sa bawat salitang lalabas diyan sa bibig mo, hindi para sa akin ang mga katagang 'yon? That all the act, the words is a lie. That you will keep lied on me and feed me with those lies." mahaba at halos hindi na ako humihinga.
Mabuti nalang at tulog si Riza, nakakahiya kung maririnig niya.
Hindi siya nakapag-salita. I took a deep breath to stop my self na umiyak. I don't want him to see me weak, hindi na ngayon. Hindi na ulit.
"What are you talking about?" puno ng pag-tataka ang boses niya. I shrug my head. I'm done with these.
"Just go home, Van. Baka hinahanap kana ng asawa mo." anas ko na lalong nag-pagulat sa kaniya.
"What the hell!?" bulyaw niya, I push him palabas at mabilis inilock ang pinto. "Open the door, Ysabel. Hindi pa tayo tapos mag-usap. What the hell are you talking about? Anong asawa? And what did my mother told you huh?" sigaw niya sa likod ng nakasarang pinto.
Nakakahiya sa kapit-bahay. Patuloy ang pag-sigaw niya sa labas. Hindi ko na pinansin dahil malapit na akong umiyak. Narinig ko ang sigaw ng kapit-bahay na tumahimik, so Van did. Ang tunog ng sasakyan ang huli kong narinig bago ako naupo sa semento at humagulgol ng iyak. I thought hindi na ako iiyak, but here I am. Crying again, with the same reason with the same person.
BINABASA MO ANG
VAN ZACKARY OBSESSION
RomanceWhen you think you knew everything about him, you're wrong. He's Van, and he's obsessed with me. ©All Right Reserved