KABANATA 11

14.2K 262 5
                                    

Kabanata 11:

Ilang palitan pa ng asar ang iginawad namin ni papa sa isa't isa, nakalimutan na ang oras dahil marami kaming kwento. God, how I miss this. Talking and laughing with my papa.

"You know what pa, naisip ko bakit hindi ka nag-asawa? Balita ko yung anak ni Aling Myrna na panganay ay may gusto sayo." pang-aasar ko dito, she love mama so much. Kaya alam ko kung bakit hindi na nagawang humanap ng iba si papa.

"Aba't, baka gusto mong multuhin ako ng mama mo." akmang papaluin niya ako ng mabilis akong umiwas.

"O baka naman si Aling Myrna ang gusto mo?" at sinabayan ko pa ito ng malakas na tawa.

"Walanghiya ka talagang bata ka, gusto mo yatang patayin ako ni Julius." kanda ngiwi niyang sagot na lalong nag-patawa sa akin.

"Ayokong makita ka sa Tulfo pa, duon ka nalang sa anak. Walang sabit pero baka isipin ng mga tao lolo kalang."

"Matanda na nga ako, kaya dapat hindi mo na ako iniiwan mag-isa. Jusko, ang sakit ng likod ko." nag-iinarte nitong anas.

"Ew pa, hindi bagay sayo. Hayaan mo, kukuhanan nalang kita ng magbabantay sayo." sinamahan ko pa ito ng tango.

"Kung bumalik nalang kaya ako sa dati kong trabaho? Malakas pa naman ako."

"Papa, kaya nga ako nagtatrabaho para hindi kana magtrabaho pa. I want you to live comfortable, alagaan mo nalang yung mga halaman niyo ni mama." I lean at my father, he took a heavy sigh at natahimik.

Parehas kaming nakatingin sa tv na nagsasabunutan ang dalawang babae, yung isa ay kabit at yung isa ay legal na asawa. In this world full of cheater I want to choose someone like my father, kahit wala na si mama ay loyal pa din siya dito. I hope someday, makatagpo ako ng kagaya ni papa. Who will love me till the last breath I take.

"Kailan mo ba ako bibigyan ng apo? Para naman may tumatakbo na sa bakuran natin, para naman may aalagaan na ako." he broke the silence between us.

"Remember the kid na lagi kong ikinekwento sayo pa?" I asked, ng biglang maalala na aampunin ko si Jhana.

"Jhana?"

"Yes pa, I decided na ampunin ko nalang siya." nakangite kong sagot at umayos na ng upo.

"Talaga? Mabuti kung ganuon, kailan mo maiuuwi ang bata? Dadalhin mo ba sa apartment mo? Sinong mag-aalaga kapag nasa trabaho ka?" sunod sunod na tanong niya, natawa naman ako dahil mukhang excited pa si papa.

"Kumalma ka papa, yung puso mo. Hindi ko pa alam kung kailan ko maiuuwi, pero sabi ni sister tutulungan niya akong maglakad ng papel. She can stay here pa, if you want. Since may pasok pa naman siya. Ikaw po muna mag-aalaga if gusto mo lang, para naman may kasama ka dito." There's a happiness in his eyes.

"Tama at dito nalang, ipapa-ayos ko ang isang kwarto para sa kaniya na iyon. Pupuntahan ko nadin si sister para tulungan lakadin ang mga kakailanganin." Napapangite ako dahil sa sayang nakikita sa mata ng ama. "Alam ba ito ni Van? Anong sabi?" bigla niyang naitanong.

Oo nga pala, nandito si Van. Pero kanina pa nasa labas yun ah? Bakit hindi pa pumapasok, may kausap parin ba? Nakalimutan ko na siya dahil kasama ko si papa.

"Ano naman pong pakialam ni Van sa desisyon ko pa?" nakanguso kong tanong sa ama, dahil hangang ngayon ay hindi siya naniniwalang investor lang ito.

"Gusto ko siya para sa iyo, iha." naisagot ni papa na nagpatigil sa akin at titig sa kaniya.

"H-hindi naman po nanliligaw at wala siyang gusto sa akin." depensa ko, na para bang sa tono ng boses ko ay malungkot dahil hindi ako nito gusto.

Papa laugh so hard, na para bang may sinabi akong nakakatawa. "Siya, matutulog na ako. Ikaw na bahala sa ma- investor niyo." may pang-aasar na anas ni papa.

"Goodnight pa," paalam ko, daretso naman siya papasok sa kwarto nila ni mama.

Tumingin ako sa orasan at nakitang past 10 na, kanina pa pala kami nag-uusap ni papa at kanina padin siya sa labas. He said awhile ago na pagod siya, wala pa siyang tulog at mahaba ang biyahe patungo sa bahay ampunan. Makikita na nga sa mata niya ang pagod ngunit nagawa pang makipag-kwentuhan kay papa patungkol sa issue ng lipunan.

Sa labas ay naabutan ko siyang may kausap habang nakatalikod, sa tono ng boses niya ay halatang naiinis na siya. Ilang minuto kong pinagmasdan ang likuran niya, iniisip kung bakit at ano ba talagang pakay nito sa akin.

Did he like me? Kasi iyon ang naiisip ko, bakit nag-aksaya pa siya ng ora sa pumunta dito kung wala namang dahilan. Ayokong isipin na may gusto siya sa akin, dahil imposible talaga. We just met, sa meeting, nung nag present ako ng design ko. Hindi naman maaring magustuhan niya ako kaagad.

Napatalon ako sa gulat dahil humarap siya sa akin, he ended the call at marahang lumapit sa akin. He look tired, stress and pissed.

"You okay?" marahan kong tanong.

"Yeah, just tired." sagot niya ng mismong nasa tapat ko na siya, napalunok ako dahil sa sobrang lapit niya.

He smell so nice, parang bagong ligo kahit may pagod sa mata. He look more handsome. Nakaka-asar dahil kahit ano yata gawin ng lalaking ito ay gwapo siya. Plus the points na he really tall, matangkad na ako ngunit hangang balikat niya lang ako.

"Pumasok na tayo, para makapag-pahinga kana din."

He followed, sa bakanteng kwarto ay nauna na akong pumasok para ma-check kung maayos naba.

"Pasensya na maliit lang ang kama, pero komportable naman higaan yan kaya makakapag-pahinga kapa din." anas ko, nang balingan ko siya ay taimtim lang siya sa akin nakatingin.

Napaatras pa ako ng lumapit siya, he pull me towards him and hug me so tight. "This is the comfort I want." he whispers.

Bigla nalang nag-hurumentado ang puso ko, it's just a hug pero para na akong tumakbo ng malayo.

"I like you, Ysabel Salvador. The moment I laid my eyes on you, I mark you as mine. I am selfish, honey. This feeling is new to me, I make anything, just you like me back. So please... Like me, as soon as possible."

I was stunned, marahan ko siyang itinulak para malayo sa akin. "Uh, g-goodnight." anas ko at mabilis na lumabas, tinakbo ko ang pagitan ng kwartong kinalalagyan niya sa kwarto ko.

Nang makapasok sa sariling kwarto ay mabilis akong naupo sa kama at pilit pinoproseso ang lahat, did he just confess?

VAN ZACKARY OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon