KABANATA 34

9.2K 172 6
                                    

Kabanata 34

"How about you?" she ask softly.

"Hindi na po, busog parin naman ako." I lied, gutom na ako pero nahihiya ako sa kaniya.

We waited for her order, mas lalong kinakabahan habang tumatagal ang oras. I look at the interior of this cafe pati ang mga taong lumalabas at pumapasok. Halos hindi na ako mapakali, maging ang mag-jowa na nag-aaway ay napansin ko na din.

"You know what... I really like you for my son." mabilis kong itinuon sa kaniya ang atensyon, bahagyang nagulat dahil sa isinaad.

"Po?"

"I never saw Van look at someone the way he looks at you."

I listen to her attentively. The waiter came and put her order, she sip on her tea and look at me again. Hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya, overwhelmed dahil sa sinabi niya.

"Can I ask you something?" tanong niya nang maibaba ang tasa.

"K-kahit ano po."

I bit the inside of my lip, calm your nerves, Ysabel. Nakakahiya, masyado kang nagpa-panic.

"Do you love my son?" Straight to the point niyang tanong, she look at me straight to my eyes. Parang binabasa ang laman ng isip ko.

"O-opo. Hindi naman po mahirap mahalin ang anak niyo." I honestly answer.

"I'm happy to know..." she paused for awhile. "Can you leave my son?" tanong niya ulit na lalong nag-patibok ng puso ko.

Hindi ko maintindihan, akala ko ba gusto niya ako para sa anak niya. Bakit ngayon parang gusto niya akong palayuin?

"I know, you live together. My son... pwede bang ikaw na ang mang-iwan sa kaniya? Kasi alam ko... Hindi ka niya kayang iwanan."

My heart beats double. Para na itong lalabas dahil sa labis na kaba, hindi ko alam bakit nauwi sa ganito.

"Hindi ko po kaya, p-pasensya na p-po."

She nod at me first, na para bang alam niya na 'yon ang isasagot ko.

"I want the best for my son. He's getting crazy. He gets mad easily... Lalo na kapag ikaw ang pinag-uusapan. I don't want to say you this... But I don't have any choice. Van will lose everything." mahaba niyang paliwanag na para bang nag-patigil sa tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact.

Kaya ba lagi siya gabi kung umuwi? At kagabi hindi siya nakauwi. "H-hindi ko po maintindihan."

"He's engaged. But, he wants to keep you. Wala na siyang ibang pinapakingan."  

Para akong hinagisan ng bomba, hindi maka-galaw, hindi alam kung ano ang irereact. Ayaw mag-process ng utak ko.

Wala ng ibang tumatakbo sa utak ko kung hindi ang katotohanang engaged na siya at hindi sa akin.

"Halos talikuran niya na ang kumpaniya dahil sa isang linggong pag-kawala, the company lost some investor. Pero halos wala siyang paki-alam."

Kaya ba lagi siyang pagod at malalim ang iniisip? At sa tuwing titigan ko ang mata niya... Laging may takot. I always ask him kung may problema ba, pero wala siyang sinasabi.

"Hindi ko po maintindihan, bakit sinasabi niyo po sa akin 'to?" Ang bobo mo naman, Ysabel.

Awa. Awa ang nakikita ko sa mata niya, awa para sa akin. "He saw you as his possession. He's obsessed with you."

He loves me, he said that he loves me. Nararamdaman ko 'yon, alam ko mahal ako ni Van.

"Van... Mahal n-niya po ako." untag ko, sinasabi ko sa kaniya o para sa sarili ko.

Pakiramdam ko mukha na akong desperada sa mata niya... Na kahit sinabi niya ng engaged na ang anak niya ay nandito parin ako.

"Because your eyes remind of someone dear to him... Shane." halos bulong nalang ang bangit niya sa pangalan na 'yon.

But it inflict so much pain. My eyes, my eyes remind him someone... Shane. Who's Shane?

It's like a dagger aiming at my heart! I bit my lower lip to stop my tears from falling but I guess hindi ko na kayang patigilin pa sila.

"S-sorry po." At pilit kong pinupunasan ang luha sa mata ko, tumayo na ako at hindi na nagawang mag-paalam.

May sasabihin pa sana siya pero hindi ko na kayang pakingan, masakit na. Masakit na ngang malaman na ikakasal ang boyfriend mo sa iba at may isasakit pa pala. That you... You remind someone dear to him. His ex? Hindi ko alam.

Kaya ba simula palang kinokontrol niya na ako? Lahat ng gusto niya masusunod? Siya nalang lahat, ano ang dapat kong suotin, dapat kong gawin. I thought that it was fine kahit na alam kong hindi dahil mahal ko siya, at sinabi niyang mahal niya ako. Dahil ayokong magka-problema pa kami, ayokong mag-away kami.

He keeps saying the word I love you, ngayon iniisip ko para sa akin ba talaga 'yon?

I closed my eyes wishing na sana panaginip nalang ito, isang masamang panaginip at gisingin na ako. This dream is slowly breaking me into pieces. I keep my eyes close, to refresh my mind, para pansamantalang alisin ang mga nalaman. But, I can't erase it, even for awhile. Because it's slowly killing me, slowly torture every inch of me.

"Ysabel?" Si Patrick, "Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" sa nag-aalalang boses.

Nasa labas parin ako ng mall, parang tanga na siguro ako dahil pinag-titinginan na ako. I look like a mess dahil kanina pa ako iyak ng iyak.

Umiling lang ako kasi to be honest, pagod na ako para maka-sagot sa tanong niya. Not physically but mentally. I feel drain dahil sa mga impormasyong nalaman ko.

"Hey, what's wrong?" tanong niya nang makalapit. He held my hands na lalong nagpa-iyak sa akin.

Hinigit niya ako para sa isang yakap at para akong bata na umiyak sa dibdib niya. Hindi ko alam kung ano ang iindahin kong sakit, yung sakit na nararamdaman o ang tiyan ko na biglang humilab.

Hindi ko na narinig ang sinasabi niya ng parang lumabo ang lahat, ang huli kong nakita ay ang nag-aalala niyang mata bago ako nawalan ng malay.

VAN ZACKARY OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon