KABANATA 45

10.1K 195 35
                                    

Kabanata 45

"Ms. Salvador, let's talk."

Napahinto ako, maging si Patrick ay ganuon din. Casual siyang nakatayo ng lingunin ko. Walang emosyon sa mata na hindi ko na naman ipinag-taka. Dati pa ay ganiyan na siya, everytime na kaharap niya ang ibang tao.

Kailan ko kaya makikita na naka-ngite siya, yung tawa niya kapag may nakita siyang nakakatawa. How I miss that, shit.

Aalma na sana si Patrick pero pinigilan ko nalang, bahagya kong hinawakan ang braso niya. I look at Van na naka-igting ang panga. Halatang hindi siya tatangap ng hindi, the typical Van.

"It's fine, Pat... Baka about sa renovation ng resort." magaan kong anas sa kaniya, I am calm. Kahit deep inside gusto ng mag-wala. "Tell Riza na mauna na sila. Kayo na muna ang bahala sa mga bata." bulong nalang ang untag ko sa huli.

Nandito si Van. I can't risk it, baka hindi niya tangapin ang anak ko at ayokong masaktan ito. Tama ng ako muna, ako na ang sasalo sa lahat ng sakit na pwede niyang maramdaman.

"Alright. Hihintayin ka namin sa bahay." sagot ni Patrick na may nakakalokong ngite. Inaasar yata si Van. "Take care of her, Mr. Zackary. She's important to me." untag niya at binigyan ng isang ngite na parang nagsasabi na may alam ako na hindi mo alam.

Dahilan kung bakit parang mas naging asar na asar lalo si Van, kumunot ang naka-kunot na noo at para bang kapag nag-salita si Patrick ay masusuntok niya na.

Kaya naman bago pa mangyari iyon ay itinulak ko na palayo si Patrick, at lumakad na patungo kay Van.

Tahimik kami palabas ng mall, nag-uusap si Van at Ivam na parang wala ako, like the first time we meet. Nuong nasa opisina kami, nag-uusap sila na parang sila lang ang tao. Sila lang din ang nagkaka-intindihan dahil may mga terms silang diko talaga alam.

"It's nice to see you again, Ysabel. The last time I saw you, yung nasa hotel ka. Is he your boyfriend?"

Is he pertaining to Patrick? Natawa ako, pero nawala din kalaunan. Akala niya... nila may relasyon kami ni Patrick? Sandali. Bigla kong naalala na karga ni Patrick si Yna ng araw na makita kami.

"Or husband?" dugtong niya pa.

Hindi ko nasagot, mas natakot dahil baka sinabi niya na kay Van? Alam naba ni Van? Hindi ko alam... Hindi pa siguro o alam niya na pero wala lang siyang pakielam.

"Ah-No." hindi alam kung ano ang isasagot.

"Ah, I thought he's your husband. I saw you with him and a child. Well... Hindi pa siguro kayo kasal wala ka namang singsing."

He laugh. Like those old man, mas lalong hindi alam kung ano ang isasagot. Mariin kong pinikit ang mata at ng buksan ay natuon kay Van na madilim ang expression. I don't know kung ano ang ikinagagalit niya.

Nag-paalam sa amin si sir Ivam, naunang sumakay si Van sa sasakyan niya kaya sumunod na ako. Tahimik niyang pinaandar at pinaalis ang sasakyan. Mas natakot dahil sa expression niya, sa katahimikan na namayani sa pagitan naming dalawa.

Ipinagpapasalamat ko nalang na hindi na nag-tanong si Ivam about sa batang karga ni Patrick. Iniisip niya ba na anak namin 'yon? Na sa akin ang batang iyon. My thoughts interrupted ng huminto ang sasakyan sa isang bar.

"I thought we're going to talk?" tanong ko, gulat dahil sa pinuntahan namin.

Hindi na naka-alma dahil sa galit na expression niya. Lumabas siya, kaya naman naiwan akong naka-upo duon. Napatalon pa ng bumukas ang pintuan sa gilid ko.

"Follow me."

May tigas at madiin ang pagkaka-sabi niya. Kaya wala akong choice kung hindi ang sundin siya, takot sa pwede niyang gawin. Ganito naman, noon pa.

I sit besides him. Pribadong kwarto ang kinuha niya, he ordered some liquor at nuong dumating 'yun ay sinimulan niya ng inumin.

Isinama niya ba ako para panoorin siyang uminom? Halos isang oras na akong naka-upo sa tabi niya. Bahagyang naiirata na dahil talagang hindi niya ako pinapansin at nasayang lang ang oras ko.

"I'm going to leave. Next time, kung mag-iinom ka. Huwag mo na akong isama, you're wasting my time!"

Kahit kabado ay nasabi ko 'yon. Nakatayo na ako at akmang tatalikuran na siya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pinabalik sa pagakaka-upo.

"Why? Babalik ka sa lalaki mo!?" Galit, at mukhang tinamaan nadin siya ng alak.

Gulat ako dahil sa galit na ipinamalas niya. Dahil sa sinabi niya. Is he affected? Pero diba ayaw niya akong nandito.

"At pag-katapos ano? Your going to fuck each other? No! You stay here. Hindi pa kita-"  natahimik siya dahil sa sampal na ko sa kaniya.

"Fuck you." puno ng galit at poot kong sigaw sa kaniya.

Is he drunk? Pero kahit na. Ganuon ba kababa ang tingin niya sa akin? Sabagay, ang bilis niya nga naman akong nakuha.

Para bang nagulat siya biglang bulyaw ko na iyon. Na makitang galit akonsa kaniya, akala niya ba siya lang ang may karapatang magalit? Dahil sa ginawa ko? Aminado akong kasalanan ko.

"Eh, ano naman sayo huh? Will you please stop this. Kausapin mo ako kung patungkol sa trabaho. Pero kung hindi, then... Don't approach me anymore. Nag-sorry na ako. Kung ayaw mong tangapin 'yon, edi don't." sigaw ko sa kaniya.

Iwinaksi ko ang kamay na hawak niya at madali akong lumabas. Nagpupuyos ako sa galit, at ng makalanghap ng sariwang hangin ay duon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Ihahatid na kita, I'm sorry."

Halos mapatalon ako dahil sa biglaan niyang pag-hawak sa braso ko. Sobrang lapit niya kaya ganuon nalang ang tibok ng puso ko. Nawala ang galit na naramdaman ko, hindi ko na din maalala kung para saan ang galit na naramdaman kani-kanina lang.

"Ako na, I'll drop you at your place." mabilis kong saad, iniiwasan na mapunta siya sa bahay dahil nanduon ang anak at isa pa lasing na siya.

Namumungay na ang kaniyang mata. Halatang tinamaan na talaga ng alak ang sistema. Wala nang nagawa ng itulak ko siya ng bahagya papasok sa loob ng sasakyan niya.

"Don't sleep. Saan ba kita ihahatid?"

Alam ko kung saan, pero hindi ko alam kung duon ko padin ba siya ihahatid. Pilit niyang sinasabi na kaya niya at siya na pero yung mata niya ay pumipikit na.

I call Ivam instead, kinuha ko ang cellphone niyang nasa unahan.

"What? Iniwan kaba ni Ysabel? I still have a meeting... Idiot!"

Napanguso ako dahil sa bungad niyang iyon.

"Uh? It's me, Mr. Schultz. Saan ko ba pwedeng ihatid si Van? Nag-passed out na kasi siya sa kalasingan."

"Oh... Ehem."

Halatang nagulat siya dahil hindi niya yata inaasahang ako ang tumawag sa kaniya. Sinabi niya naman kung saan ang condo ni Van, kaya pinatay ko na ang tawag at nagpa-umanhin.

Mabuti nalang at hindi ko pinangunahan, baka naibenta niya na. O pinabayaan niya dahil minsan na akong tumira duon. Ayaw niyang maalala na minsan tumapak ako sa bahay niya.

I look at the back, he's asleep peacefully. I feel a pang of pain.

"I'm sorry, Van. If not seeing me will make you at peace... I'll leave again. Hindi na ulit ako mag-papakita sayo, pangako." Pinunasan ko ang luha na pumatak sa pisnge ko.

The pain I felt right now is my fault. Ako ang may-gawa kaya wala akong karapatang mag-reklamo.

VAN ZACKARY OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon