KABANATA 4

17.4K 308 9
                                    

Kabanata 4

The laughter fulfills our table, Hindi naman na out of place si Dwayne. Like what I said, libre ko. Kaya ang walang hiya, para bang hindi kumain ng ilang araw dahil sa dami ng order. 

"Mabulunan ka sana, matakaw." sinamaan niya lang ako ng tingin at uminon sa drinks niya. 

Hindi din naman kami nagtagal dahil may kaniya kaniya pa kaming trabaho. Nauna na silang umakyat sa floor namin, ihahatid ko pa si Dwayne palabas ng building. Ang matakaw, ang arte pa. Nilibre ko na nga, magpapahatid pa. 

"Do you have a plan to have a day off?" Bigla niyang naitanong.

"Uh-huh? Uuwi ako sa bahay, pupunta din ako sa bahay ampunan."

"Send my hello to tito, ikaw sana kukunin kong date sa party na invited ako. Riz is not here, ayoko namang maging lonely. Ang gwapo ko tapos wala man lang akong kasama." may halo pang pag-mamayabang nitong saad.

"Don't worry, hindi ka naman nila mapapansin. Mukha ka kayang paa." 

He pulls my hair dahilan para dumaing ako, "hindi masakit eh." sarkastiko kong saad. 

He just laughs at me, tawang hindi naman ganito noon. I hug him tight para naman maramdaman niya na nandito lang ako. He seems different, parang may iba. I don't know what is it. 

Nang lumayo ako sa pagkakayakap ay ginulo niya ang buhok ko, his gesture na lagi niyang ginagawa. I bid my goodbye to him at bumalik na sa loob ng building. 

Sa loob ay hindi mawala sa isip kung ano ba ang problema ng kaibigan, he's not that secretive before but right now? I can feel that he's hiding something from me. Inayos ko na ang gamit ko nang wala namang nagawa kahit isa dahil sa labis na pag-iisip kay Dwayne. 

Hindi ko naman kailangang magtagal ngayon dahil unang una ay dapat wala ako dito. 

"Ate Sabel?" napalingon ako kung saan nagmula ang boses. 

Madilim na ng nakarating ako sa bahay ampunan, wala ng bata na naglalaro sa labas. Childhood memory started to flash on my head. Isang batang Ysabel na walang ibang hiniling kung hindi ang makasama at makilala ang totoong magulang. I smiled bitterly at the thought, but most of my memory here is a treasure that I will keep until my last breath.

"Hey? Bakit nasa labas kapa?" kuno't noo kong tanong sa kaniya.

"Hinihintay ko po kasing lumabas yung buwan." tiyaka niya ako binigyan ng isang ngiti.

"Let's go inside."

She nods her head and holds my right hand. Habang tinatahak namin ang pasilyo ay tinititigan ko ang reaction ng batang kasama ko. Jhana was quiet beside me, sa lahat ng bata na inaalagaan ng kombento ay namumukod tangi si Jhana, she was a shy type of girl. "Inaaway ka ba ng mga bata dito?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi po." tipid niyang sagot. 

Hindi na ako umimik dahil sa kaniyang sagot, hindi mo kasi ito mababakasan ng pagdadalawang isip.

"Ano po kayang pakiramdam ng may pamilya?" basag niya sa katahimikang namayani sa pagitan naming dalawa mababakasan din ng lungkot ang kaniyang boses.

Hindi ako nakaimik dahil sa tanong niya. I have a family but I don't know kung ganito din ba ang pakiramdam kung totoo mong pamilya ang kasama mo.

"Why are you asking?" tanong ko.

"Family day po kasi namin bukas, lahat po ng kaklase ko may kasamang magulang ako lang po ang wala. Masyado na po kaming marami kaya sila sister ay busy na po sa pag aalaga sa iba." malungkot niyang saad.

VAN ZACKARY OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon