KABANATA 42

9.9K 173 20
                                    

Kabanata 42

Sikat ng araw ang tumama sa aking balat, at first hindi ko inalintana ito ngunit kalaunan ay hindi ko narin nakayanan, masakit na ng tumagal. Nararamdaman ko nadin ang bigat ng talukap ng aking mata dala narin siguro ng hindi ko pagtulog.

How can I sleep kung sa bawat pagpikit ko dalawang pares ng mata ang sumasalubong sa akin? It's like before, parang bumabalik na naman ako sa una.

Kung hindi ako itinext ni Patrick ay pipiliin kong manatili nalang muna dito sa bahay ni Riza. Nang sinubok kong tumayo sa pagkakahiga sa sofa ay duon ko lang naramdaman ang ngalay, buhat siguro ng walang galawan kong posisyon.

Sandali ko lang itong ininda at dumaretso na sa kusina upang makapag hilamos at makapag luto na ng kakainin namin para sa agahan. Saktong paglabas ni Riza ang tapos ko sa pagluluto, she look mess. Mula sa magulong buhok at namamagang mata.

"Good Morning?" I greet her with a smile, halatang nagulat siya ng makita ako. I try my best to be energetic kahit na wala pa akong tulog at marami pang iniisip. Ayokong mag-alala pa siya sakin gayong mas may mabigat pa siyang dinadala.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Naupo siya sa upuan at ginulo ang buhok, halatang sumasakit ang ulo dahil sa daming alak na nainom kagabi.

"Hangover... I'll be fine, but anyway nakaya mo akong buhatin?" she asked.

Halatang iniiwas ang usapan patungkol sa nangyari kagabi, hindi ko din naman balak pa mag-tanong. Dahil ayokong umiyak na naman siya.

"It was Van who carry you, not me." straight to the point kong sagot sa kaniya, halatang nagulat siya sa nalaman dahil sa panlalaki ng mata niya at pagkabitaw sa kubyertos na hawak.

"Huh? How are you? Bakit siya nanduon?"

Para siyang sasabog sa dami ng kaniyang tanong, I keep myself calm. Kahit gusto ko nalang din kalimutan ang nangyari kagabi... Wala na akong balak pang ungkatin. Nagawa ko pang uminom sa kape ko habang siya ay nag-hihintay ng sagot.

"I'm fine, Riz. Having a good time I guess... I don't care much, kasal na ang tao." tipid kong sagot, na para bang hindi nagwawala ang nasa loob ko.

"Huh? Si Van... Kasal na?" tanong niya na halatang naguguluhan, maging ako ay naguluhan sa naging reaksiyon niya.

"Hindi ba? They announced their engagement before?" pag-papaalala ko sa kaniya.

"Oo nga, pero alam ko hindi naman natuloy ang kasal. I don't know why, huh."

Nagulat pa sa sinagot niya. Hindi kinasal si Van? Bakit? Bakit hindi ko alam? Bigla kong naalala na ni isang balita ay ayoko ng makarinig na lalo na kung patungkol sa kaniya. So, I'm wrong.

Hindi ko alam kung makakahinga ba ako dahil duon... Pero aaminin ko na bahagyang gumaan ang loob ko. But, he's with a kid nung nakita ko siya sa mall. Kaninong anak 'yon?

"Uyyy... Nagkaroon ng pag-asa."

Halata ba? Mukha bang nagkaroon ako ng pag-asa. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya, pero mukhang inaasar niya lang ako. Mas okay na 'to kaysa sa umiyak siya.

"I'm not. Kung hindi siya kasal... Baka may girlfriend. Si Van pa..." hindi ko na itinuloy, I sounded so bitter. "I'm leaving, Patrick text me to meet him. Isa pa ay uuwi muna ako sa bahay." paalam ko, para naman tigilan niya na ang pang-aasar sa akin.

"Alright. Ingat ka, thank you last night."

Tipid ang ngite niya, nagawa niya pa akong ihatid sa labas.

VAN ZACKARY OBSESSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon