4. MEETING WITH THE STRANGER

4.2K 170 14
                                    

"Ano ka ba? Kanina pa ako tanong ng tanong, hindi mo ako pinapansin." Namamanghang tanong ni Domeng kay Ara. Sumabay na siyang pumasok rito. First day niya sa Saint Matthew at doon pa lang niya malalaman kung saan siya maa-assign.

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng mangyari ang insidente sa Batangas. Magmula ng makabalik siya ay lagi siyang lutang. Dapat ay selyado na sa kanya ang lahat pero hindi niya magawa. Paulit-ulit na tumatakbo sa utak niya ang lahat. Niyanig ng todo ng lalaking iyon ang mundo niya. Marahil ay dahil isa pa rin siyang babae na mayroong pagpapahalaga sa sarili. Hindi niya kailanman naisip na masusuong sa ganoong sitwasyon. Handa man siyang ibigay ang sarili, iyon ay dahil si Domeng ang dahilan. Pero nagbago ang lahat dahil sa letseng kapalpakan niya.

Matindi ang alalahanin niya. Hindi niya siguradong kung gumamit ng proteksyon ang lalaking iyon dahil sa kalasingan. Paano kung bigla siyang mabuntis? Napa-shit siya ng maramig beses sa isip. Lihim siyang nagsisi. Sana pala ay hindi na siya naginarte para kung sakaling may mabuo ay alam niya kung saan ito hahagilapin. Siguradong ibibitin siya ng patiwarik ng mga magulang kapag naging dalagang ina siya.

Ipinilig niya ang ulo. Letse talaga. Napaparanoid siya ng bongga. Napahinga na lamang siya ng malalim at pilit na itinuon ang pansin kay Domeng.

"Kinakabahan lang ako dahil first day ko sa Saint Matthew," dahilan niya rito.

Napatango ito. "Hindi bale, maganda doon ay mababait naman ang mga nurse doon." Pampalubag nito ng loob sa kanya.

Napahinga siya ng malalim. Iyon ang dapat niyang pagtuunan ng pansin. Ang bagong trabaho niya at muling gumawa ng moves kay Domeng. Hindi niya hahayaang baguhin ng isang pagkakamali ang disposisyon niya. There's no point on dwelling on that matter now. Kailangan niyang tanggapin iyon dahil pagkakamali rin niya iyon. Hindi siya naging maingat. Masyado siyang nag-focus sa plano niya at nalasing kaya iyon ang napala niya.

Ilang sandali pa ay nasa ospital na sila. Hinatid muna siya ni Domeng sa HR at saka ito nagtungo sa area nito. Nakipagkwentuhan muna siya sa mga kasama niyang bago saka sila dinala sa kani-kaniyang station. Napangiti siya ng ma-assign siya sa station din ni Domeng! Ngiting-ngiti ito sa kanya. Magkakaroon pa siya ng pagkakataong mapalapit ditong maigi.

"Ayusin mo ang trabaho mo, ha." Nakangising untag nito sa kanya. "Mahigpit si Mrs. Paloma, ang head nurse natin,"

Napatango siya rito at nakinig siyang mabuti sa bilin ng head Nurse nila. Gayunman, bago sila mag-rounds para sa endorsement ng naunang shift ay pinatawag ang head nurse nila. Sila na muna ang nagikot na buong team.

Nang makabalik sila ay natagpuan nilang nakabalik na rin si Mrs. Paloma at mayroong kausap. Isang babae at isang lalaki. Nakatalikod ang lalaking halatadong bagong gupit. Parehong nakasuot ng pang-nurse na uniporme ang dalawa. Nakaharap naman sa panig nila ang may katabaang babae habang kausap si Mrs. Paloma.

"Sino 'yung matabang babae?" usisa niya kay Domeng.

"Ah, si ma'am Salvadore 'yan. Chief Nurse natin. Kadadating lang niya galing sa seminar. Asawa siya noong may-ari ng ospital na ito. Iyong kasama niya, bunsong anak nila ma'am. Si Sir Doms. Babalik na raw siya rito, eh. Dati ko siyang Clinical Instructor sa university at nang maka-graduate ako, lumipat na rin siya rito. Siya ang tumulong sa akin makapasok dito." Anito saka dumukwang para may ibulong sa kanya. "Priority niyang tulungan ang mga naging estudyante niya kaya ako nakapasok. Mabait 'yan,"

Agad siyang napatingin sa mga naguusap. Saktong lumingon naman ang matangkad na lalaki at nagtama ang mga paningin nila. Bumakas ang pagkabigla sa mukha nito samantalang tila tinakasan na siya ng kung anumang katinuan ng sandaling iyon. Kahit pa bagong gupit ito at nakaunipormeng pang-nurse ay nasisiguro niyang ito ang lalaking nakaniig!

Diyos ko...

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon