30. I REMEMBER

3.3K 116 13
                                    

“Wala ka ba talagang ibang gagawin kundi ang bantayan ang buntis na ‘yan? Nag-file ka ng indefinite leave! How can you do this! She was only your friend! Hindi ikaw ang ama ng pinagbubuntis niya so stop making these nonsensical sacrifices!”

            Napabangon si Ara sa narinig. Alam niyang boses iyon ni Romina ngunit ngayon lang niya ito nakaringgan ng ganoon. Nagpaalam saglit si Domeng sa kanya dahil nasa tinitirhan nito ang nobya. Sinabihan na lamang niya itong samahan muna ang nobya nito dahil mabuti-buti na rin ang pakiramdam niya.

            Sa loob ng ilang linggo ay nakakalakad na siya bagaman sa loob lamang ng bahay. Hindi pa rin niya binibigla ang sarili. Si Domeng naman ay madalas siyang dalawin. Bago ito pumasok ay nilulutuan muna siya nito ng pagkain na kakasya sa buong maghapon. Iniiwan nito iyon sa silid niya para hindi na siya lalabas. Kapag nasa trabaho naman ito ay tumatawag ito kapag may pagkakataon para kumustahin siya. Kapag nakauwi naman ito ay sinisiguro muna nito ang kalagayan niya bago ito umuwi sa sariling unit nito.

            Sa kabilang banda, si Doms ay hindi nagsasawang magparamdam sa kanya. Madalas sa paggising niya ay mayroon siyang namumulatang bulaklak na habang tumatagal ay iba-iba na rin. Hindi iyon nakaligtas kay Domeng at sinabi naman niya ang totoo rito. Nagsuhestyon itong magpalit siya ng lock pero tumanggi siya. Hindi rin niya maunawaan ang sarili. Ah, marahil ay kahit papaano’y hindi rin niya magawang ipagkait kay Doms ang munting bagay na iyon. Hindi ito umimik sa nalaman pero dama niyang nabagabag ito pero hindi na lamang kumibo.

            “P’wede ba? Huwag kang sumigaw dahil nagpapahinga ‘yung tao. Alam mong hindi siya dapat ma-stress, nagwawala ka pa d’yan!” asik ni Domeng.

            Napahinga siya ng malalim. Mukhang sinundan ito ni Romina at nagpangabot na ang magnobyo sa unit niya. Akmang isasara na niyang maigi ang pinto para bigyan ng privacy ang mga ito ng matigilan siya.

            “Sinasabi ko na nga ba…” naghihinanakit na saad ni Romina. Napasilip tuloy siya dahil naantig ang kuryusidad niya. “Akala ko, nakipaghiwalay ka sa akin dahil ako ang problema. Ngayon ko nasiguro na hindi ako kundi ikaw! You love your friend at hindi mo magawang aminin ‘yan maski sa sarili mo! Magulo ka! Sinasabi mong wala kang nararamdaman sa kanya pero sa tuwing magkasama tayo, siya na lang lagi ang bukambibig mo! Nakikita ko kung paano mo siya tingnan noong kasal niya!”
            “Romina!” awat ni Domeng.

            Biglang-bigla siya sa narinig at wala sa sariling nilakihan ang awang ng pinto. Nagsalit-salitan ang tingin niya sa mga ito. Kapwa nagulat ang mga ito ngunit si Romina ang unang nakabawi.

            Pumiski ito kay Domeng at luhaang hinarap siya. “Totoo ang narinig mo, Ara. Ako na ang magsasabi dahil itong kaibigan mo, sobrang duwag. Ni hindi niya masabi sa akin ang totoo lalong-lalo na sa’yo! Both of you could rot in hell!”

            Napasinghap siya sa huling sinabi nito. Dahil doon ay nagdilim ang mukha ni Domeng at marahas na hinawakan ito sa braso para ilabas saka hiyang-hiya na napatingin sa kanya. “Pasensya ka na. Hindi totoo ang mga sinabi niya—” natutureteng saad nito.

            “What’s happening here!”

            Napahawak siya sa pinto dahil sa pagdagundong ng boses ni Doms. Nanikip ang dibdib niya dahil sa presensya nito. Bumilis ang tibok ng puso niya ng sandaling magtama ang mga mata nila. Napalunok siya dahil dama niyang nakalipas man ang ilang linggo, napatunayan niyang hindi pa rin humupa ang damdamin niya rito…

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon