29. DEAR ARA

3.2K 133 12
                                    

“Everything okay?” ani Doniver kay Ara. Palabas na sila ng ospital at bigla itong dumating. Nabigla siya dahil hindi niya iyon inaasahan. Matapos nitong ihatid ang mga magulang niya ay ngayon lang ito muling nagpakita sa kanya.

            “Okay naman na ako, doc,” simpleng sagot niya rito.

            Tumango ito at til a nagatubili. Ilang sandali pa ay napahinga ito ng malalim at mula sa maliit na bag na hawak nito’y may inilabas itong mga gamot. “It’s vitamins. Tinanong ko si tita tungkol sa mga intakes mo at bumili ako para sa’yo. Siya rin ang nagsabi sa akin na ngayon ka madi-discharge pagkatapos kitang kumustahin.”

            Nabigla siya sa sinabi nito. Tinitigan niya ito at nang makita ang sinseridad sa mga mata nito’y naginit ang mga mata niya.

            “I’m sorry for what happened, Ara.” Apologetic na saad nito. “Don’t worry. Hannah and I had a serious talked. Aalis kami para hindi na siya makapanggulo. Inamin niya ang lahat sa akin at alam mo naman kung anong klaseng relasyon mayroon kami, hindi ba?” anito saka napahinga ng malalim. “Kaysa madagdagan pa ang mga taong sasaktan niya… pumayag na akong umalis na kasama siya. I’m sick and tired of winning this battle…” malungkot nitong saad.

            Napahinga siya ng malalim at malungkot na ngumiti. Gusto niyang sabihing kahit sa buwan pa magpunta ang mga ito, mamahalin pa rin ni Doms si Hannah. Napangiti na lamang siya ng mapait sa masaklap na katotohanan.

            Napabuntong hininga ito. “Mas maiging maging simula nating lahat ito. Aalis kami para hindi na matukso si Doms kay Hannah. And Ara… please, accepts my deepest apology. Muntik ng madamay pa ang pamangkin ko sa lahat ng ito,”

            Nang makita ang sinseridad at katapatan sa mga mata nito’y napatango siya. Sabay silang napabuntong hinga sa huli. Ilang sandali pa ay dumating na si Domeng na nagbayad ng bill niya. Sabay-sabay na nilang nilisan ang ospital.

            Nakauwi na ang mga magulang niya ng nagdaang gabi dahil kailangan ng mag-report ng ama niya sa trabaho. Si Domeng lamang ang kasama niya ng sandaling iyon at nagtitiyaga itong asikasuhin siya.

            “Baka magalit na si Romina sa’yo. Ako na lang ang inaasikaso mo,” nanantyang tanong niya rito. Ayaw pa rin naman niyang maging pabigat dito at maging daan iyon para magaway ang magkasintahan.

            Napahinga ito ng malalim at natawa ng bahagya. “Naiintindihan niyang kailangan mo ako kaya dapat akong nandito,”

            Tumango na lamang siya rito. Si Elizabeth ay hindi naman makasama sa kanya dahil malayo ang inuuwian nito. Nang makaramdam siya ng gutom ay sinabi niya iyon dito. Agad naman itong lumabas at pagbalik ay napakamot ito ng ulo. “Hindi ka pa pala nakapag-grocery. Aalis muna ako, ha. Hindi bale, titimplahan muna kita ng gatas at bibigyan na muna kita ng prutas. May mga crackers din dito para habang wala ko, matighaw ang gutom mo,”

            “Okay.” Nakangiting saad niya at umalis na ito. Nanatili lamang siya sa silid at ilang sandali matapos siyang kumain ay nakaramdam siya ng antok.

            Paggising niya ay nabungaran niya ang isang bungkos ng bulaklak sa kanyang tabi. May liham na kasama iyon. Naluha siya dahil alam niya kung kanino galing iyon. Si Doms lang ang nagbibigay sa kanya ng tulips…

            Nanikip ang dibdib niya habang hinahawakan ang liham. Nang basahin niya ang note ay tuluyan ng pumatak ang luha niya.

            Hon,

I know I hurt you a lot. I’m really, really sorry for that. Gusto kong bumawi sa lahat. Gusto kong ipakita at iparamdam sa’yo na ikaw ang mahal ko. Gusto ko ring malaman mo na kung nasaktan kita, nasaktan din ako. Hurting you would also hurt me.

Gusto kong ipaliwanag ang lahat sa’yo at nauunawaan kong hindi pa ito ang tamang panahon. Seeing me stressed you. Masakit man sa akin, kinailangan kong mawala sa paningin mo at halos mabaliw na ako. Gusto na kitang makita kaya pasensya ka na at ginamit ko ang sarili kong susi para samantalahin ang pagkakataong umalis si Domeng.

I want to talk to you but you were asleep. Sumaya ako kanina habang pinagmamasdan ka. I had the chance to kiss you but I tried not to do it deeper. I might wake you up and stressed you. I kissed your forehead too and touched our baby. God… I missed you both.

At habang pinagmamasdan kita kanina, hindi ko maiwasang isipin na kasama ba ito sa destiny. That hurting you this much would also part of his mischievous plan.

Yes, I believe in destiny, Ara. Destiny leads us together. Inalagaan ko ‘yon hanggang sa makarating tayo dito. Pero nasaktan din ako, Ara. Ang lupit niya para saktan tayo pareho ng ganito.

Pero naniniwala pa rin ako na hindi naman aayon ang lahat kung walang effort. That’s why I want you to know I would patiently wait. Hindi lang ito para sa bata kundi para rin sa atin. I want you back…

Makakatulog na siguro ako ng maayos nito dahil nakita na kita kahit saglit lang. Pero paano paggising ko bukas? I would wake up again and you’re not there. Panibagong kahungkagan na naman at walang humpay na lungkot.

Pero titiisin ko ang lahat hanggang maging handa ka ng harapin ako. Nandito lang ako, Ara. Hindi ako magsasawa. Titiisin kong tumayo sa labas ng pinto mo. Pakikiramdaman ko ang bawat kilos mo hanggang sa makuntento na ako. Magtitiyaga muna ako sa ganoon. Hindi ako magrereklamo. Para sa’yo lahat titiisin ko…

                                                            I love you forever, Dominic

            Patuloy sa pagagos ang mga luha niya habang tinitiklop ang liham ni Doms. Marahan niyang kinuha ang bulaklak at ipinatong iyon sa dibdib. Labis siyang natamaan sa mga sinabi nito at nayanig ang solidong damdamin niya para kalimutan si Doms.

            Pero natatakot siyang magtiwala sa mga sinabi nito. Ilang beses ba itong naglihim sa kanya? Ilang beses ba siyang naging bulag? Susugal ba siya? Hindi ba’t sumugal na siya at saan nauwi iyon?

            Napahinga siya ng malalim at itinago ang liham. Doon naman dumating si Domeng at nakangiti ito sa kanya. “Gusto mo ng tinola, hindi ba? Iyon na ang lulutuin ko, ha.”

            Tumango siya rito at muli itong lumabas. Paglapat ng pinto ay nakaramdam siya ng kakaibang kahungkagan. Wala sa sariling hinaplos niya ang tinutulugan ni Doms. Muli siyang napabuntonghininga dahil dama niyang hindi na nito mahihigaan ang parteng iyon ng kama niya dahil takot na siyang magtiwala rito…

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon