After three months...
"Where's our baby, hon?" pupunga-pungas na anas ni Ara. Kapapanganak lamang niya at dahil sa labis na pagod ay nakatulog siya ng mahimbing. Agad siya nitong nilapitan saka hinalikan sa noon.
Napangiti siya sa malambing niyang esposo. Agad silang nagpakasal nito sa huwes at gaya ng unang usapan ay ikakasal silang muli sa simbahan kapag nanganak na siya.
Bago iyon ay bumawi talaga ito sa lahat ng sakit na dinanas dahil pinasaya siya nito sa sarili nitong paraan. Ang mga bulaklak na ibinigay nito ay ito pa mismo ang namili saka nag-ayos. Sinikap nitong maging maganda iyon sa paningin niya. Para sa kanya'y maganda iyon. Ang nagpaganda doon ay ang ideyang nag-effort ito para doon.
Hindi lang siya ang sinuyo nito kundi maging ang mga magulang niya. Mas malupit ang dinanas nitong parusa dahil halos hindi ito pinagpapapansin. Gayunman, sa huli'y nakuha nitong muli ang loob ng mga magulang niya dahil hindi ito sumuko sa lahat ng iyon. Iyon marahil ang tumunaw ng galit nila: ang wagas ng effort ni Doms.
Ang kuya Doniver naman nito ay madalas na ring tumawag upang mangumusta. Sa totoo lang ay natutuwa siyang makitang tuluyang natapos na ang animosity ng mga ito at nabalik na sa normal ang relasyon. Kundi si kuya Doniver ang tumatawag ay si Doms naman para mangumusta sa kalagayan ng mga ito.
Si Domeng naman ay nanatili pa ring isang kaibigan. Naging mabuti pa rin ito sa kabila ng lahat. Kapwa na sila nagkaintindihang tatlo at sa ngayon ay nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan. Gayunman, naging laman pa rin ito ng panalangin niya at ipinagdadasal niya na makahanap ito ng babaeng nararapat dito. Hindi na nagkabalikan ang mga ito at si Romina. Nabalitaan na lamang nilang tinaggap nito ang offer na ma-assign sa parteng Mindanao at doon na namamalagi bilang med rep.
Si Elizabeth naman ay natuwa na rin kay Doms ng makilala nito ng lubos ang lalaki. Gayunman, natural na tinarayan ito ng una. Pero kagaya ng ginawa ni Doms sa mga magulang niya, idinaan nito sa effort ang lahat. Pinakita nito sa kaibigan niya kung gaano siya nito kamahal kaya sa huli'y natanggap na rin ito ng kaibigan niya.
Ang mga magulang nito'y natuwa na rin sa nangyari. Sa huli, lahat sila'y kapwa nagkaunawaan at nagkapatawaran. Pinili na rin nilang iwanan ang lahat ng pangit na nangyari sa nakaraan kung saan iyon nararapat.
Maging ang bahay na binili ni Doms kay Hannah ay binenta nitong muli. Parang may sa malas daw at maraming hindi magagandang alaala. Sa pagsisimula nila, bumili ito ng ibang bahay sa isang ligtas, maayos at magandang subdivision. Ibinenta din nito ang bahay sa Forbes para maipandagdag sa pambayad. Walo din ang silid doon at fully furnished. Nabili nila iyon mula sa isang pamilya na magma-migrate na sa Canada. Sa ngayon, doon na sila nito kapwa tumutuloy matapos ang kasal nila dalawang buwan ng nakararaan.
"Ibababa na nila si Dawson mula sa nursery, hon. Magpahinga ka muna,"
Tumango siya kay Doms. Napaka-supportive talaga nito sa lahat ng iyon. Padating palang ang mga magulang niya buhat Aurora at si Doms lamang ang nakasama niya sa lahat ng iyon. Naging matyaga ito sa kanya at sumama pa hanggang sa loob ng OR. Pinayagan naman ito ng tita nito para makasama niya.
Nandoon ito hanggang sa mailuwal ang anak niya at makatulog. Paggising niya'y namulatan pa rin niya ito. Bakas ang matinding pagod at puyat sa guwapo nitong mukha ngunit kagaya ng dati, nandoon pa rin ang ngiti nito sa tuwing makikita siya.
BINABASA MO ANG
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)
RomanceSTATUS: COMPLETED 💞💞💞 Binalak na akitin ni Araceli ang kaibigang si Domeng dahil napagtanto ng dalaga na kung hindi siya kikilos ay hindi siya mapapansin ng binata. Isinagawa ni Araceli ang plano sa "Party of Destiny" na dadaluhan ni Domeng. And...