“Kinakabahan naman ako, Doms,” anas ni Ara at kabadong hinagod ang buhok. Ngayon ang araw na ipakikilala siya ni Doms sa buong pamilya nito. Tamang-tama daw dahil dumating na rin ang sister-in-law nito. For good na daw iyon dahil tuluyan ng pumanaw ang ama nitong may sakit. Iyon na lamang daw ang kamag-anak ng babae kaya wala na itong rason para manatili pa sa states.
“Bakit naman? Kasama mo naman ako,” natatawang saad ni Doms. Niyakap siya nito para pakalmahin siya.
“Ugh… Nandyan si Hannah, h-hindi ba?”
Napangiti ito. “Hindi mo pa siya nakikita, nagseselos ka na?”
Napayuko siya. Bahagya itong natawa. Hindi niya mapigilang magselos. Hannah was still his ex after all. Isang ex na binalak pang pakasalan kaya hindi siya masisisi kung makaramdam ng bahagyang insekyuridad.
“Hon… wala kang dapat na ikaselos. Ikaw ang mahal ko, ikaw ang pakakasalan ko at iyo lang ako,” masuyong saad nito.
Nilambing pa siya nito. Ganoon marahil ang buntis. Mabilis makadama ng insekyuridad. Lumalaki na rin siya dahil kakakain ng marami. Mukha na nga daw siyang five months pregnant pero kung tutuusin ay four months pa lang ang dinadala niya sa sinapupunan.
“Sige na. Ngiti naman d’yan…” lambing pa nito sa kanya. “Pangako, hindi kita iiwanan sa loob. Okay?”
Ngumiti na siya rito dahil nakuntento na siya sa lahat ng sinabi nito at lambing. Ilang sandali pa ay tuluyan na silang pumasok sa mansion ng mga Salvadore at agad na sinalubong ng ina nito. Agad siya nitong niyakap at kinumusta.
“I’m fine tita,” nahihiyang sagot niya rito.
Ngumiti ito. “Mommy,” pagtatama nito sa kanya. “Sanayin mo na akong tawagin ng ganoon. Welcome to our family, iha.”
Niyakap na rin niya ito. Ilang sandali pa ay nakaharap na niya ang buong pamilya ni Doms at maging ang Hannah na ex nito. In fairness, mabait ang bukas ng mukha nito pero nakapanliliit ang ganda nito. May hawig ito kay Jessey Mendiola. Tisay na tisay. Gayunman, halatado sa mukha nitong pilit nitong pinagagaan ang mood dahil din sa pagluluksa nito.
“Hello,” nakangiting bati nito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Kumusta ang pagbubuntis mo?”
“Okay naman,” nahihiyang sagot niya at napahawak sa halatadong tyan na.
Nginitian siya nito. “I’m so happy for you guys. I have a surprise too. Magiging assistant ako ni mommy sa office,”
“Wow, that’s great.” Sagot ni Doms. “Magandang diversion na rin ‘yon para hindi ka malungkot sa pagkamatay ng daddy mo. I’m sorry for your lost,”
Ngumiti lang si Hannah at tumango. Nakadama siya ng simpatya sa babae. Nakakaawa ito kung tutuusin dahil ulilang lubos na ito.
“Doms,”
Napalingon sila sa kuya nito. Ganoon pa rin ito. Suplado pa rin at halos hindi siya nito tingnan. Mukhang maging siya ay kinaiinisan nito.
“Good evening po, doc,” bating paggalang niya rito.
Tinanguan lang siya nito at pinisil ni Doms agad ang kamay niya. “I’m here, remember?” bulong nito.
Ngumiti siya rito. Tama. Nandoon si Doms at alam niyang hindi siya nito pababayaan. Ilang sandali pa ay nagsalo na sila sa isang masaganang hapunan. Panay ang kumusta ng mga magulang ni Doms sa kanya at doon niya natuklasan kung kanino namana ni Doms ang pagiging maasikaso. Kapwa iyon ang nakikita niya sa mga magulang nito.
“Come on. She’s just pregnant. Hindi naman siya baldado,” matabang na sabad ni Don.
“Kuya, leave her alone, okay?” Malamig na sagot ni Doms. Agad siyang nakadama ng hindi maipaliwanag na tensyon sa hapag.
Agad niyang hinawakan ang palad ng lalaki para pakalmahin ito hanggang sa napabuntong hininga si Doms. “Kain ka rin dapat ng kain,” aniya saka ito nginitian. Ayaw din naman niyang ipakitang naapektuhan siya sa pagiging suplado ng kuya nito. Nainis man siya ay kinalma na lamang niya ang sarili.
Hindi na lamang niya pinansin ang kuya nito hanggang matapos ang hapunan. Nang matapos sila ay nagpunta silang lahat sa terasa at nagkwentuhan. Nang makaramdam siya ng panunubig ay saglit siyang nagpaalam kay Doms. Gusto siya nitong samahan ngunit tumanggi siya dahil may pinaguusapan ang mga ito tungkol sa ospital.
Nanubig na siya. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili ay lumabas na siya ng CR. Nagulat na lamang siya dahil nasa labas ng pinto ang kuya nito at mukhang hinihintay talaga siya.
“Call off the wedding. Hindi ka niya mahal at hindi ka niya mamahalin. Iisang babae lang ang mahal ng kapatid ko,” dire-diretso nitong saad. Wala man lang busina. Kung sasakyan lamang ito ay siguradong DOA na siya dahil hindi siya nito tinigilang banggain.
Natawa siya ng bahaw at nakaramdam ng kakaibang igting ng inis. Gayunman, kinalma niya ang sarili. “No. I will pursue the wedding, doc. Sorry,” simpleng saad niya at nagpupuyos ang kaloobang tinalikuran ito.
“You trust him that much, huh. We’ll see about that,”
Napalingon siya rito at nakaramdam ng kaba ng tumaas ang isang sulok ng labi nito. Gone his high and mighty aura. Napalitan iyon ng kakaibang igting ng galit at pait. “Hannah came back.”
“At?” malamig na sagot niya saka ito tuluyang hinarap. “Wala akong nakikitang masama kung bumalik ang asawa mo. Hindi ka ba masaya? Sa halip na iniisip mo kung paano pasayahin ang asawa mo, heto ka sa harap ko at gustong sirain ang buhay ng kapatid mo,”
Hinaklit siya nito sa braso at gigil na tinitigan. Nakaramdam siya ng takot sa bangis ng mga mata nito ngunit nagpakatatag siya. “You don’t know what you are saying,”
“Believe me, I do. At nagtitiwala ako sa kapatid mo. You are just a jealous child, doc. You should be happy that your brother was still alive. You should be happy that Doms never hated you after stealing his bride. Sana makuntento ka na doon. You ruined his life once. Huwag ka naman ng umulit dahil sa wala mong kwentang inggit sa kapatid mo,”
Marahas niyang inagaw ang braso dito at taas noong naglakad palayo. Damn! She just said that! She felt so proud all of a sudden! Binabayo ang dibdib niya sa kaba dahil sa kapangahasan. Pero naisip niyang hindi naman siya sumobra. Kailangan lang talaga ni Don ng isang taong magpupukpok sa ulo nito para magising.
Naglakad na siya at tinumbok ang patungong veranda. Wala na ang mga magulang ni Doms. Sina Hannah at Doms na lang ang naiwan. Pinigilan niyang makaramdam ng selos dahil sa nakikitang masayang paguusap ng mga ito.
Nang lumingon si Doms ay ngumiti siya ng matamis dito. Agad siya nitong niyapos kahit nakaharap pa si Hannah. Ah, wala siyang dapat na ipagduda sa lahat ng iyon. Doms kneeled in front of many people while proposing. Hindi siya nito sinukuan mula simula. Wala talaga siyang dapat na ikabahala.
Because she knew that Doms loves her so much. Iyon lang naman ang importante.
BINABASA MO ANG
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)
RomanceSTATUS: COMPLETED 💞💞💞 Binalak na akitin ni Araceli ang kaibigang si Domeng dahil napagtanto ng dalaga na kung hindi siya kikilos ay hindi siya mapapansin ng binata. Isinagawa ni Araceli ang plano sa "Party of Destiny" na dadaluhan ni Domeng. And...