36. THANK YOU, FRIEND

3.5K 138 21
                                    

“Ngumiti ka naman. Kanina ka pa nakasimangot. Lingon ka pa ng lingon. Sino ba ang hinahanap mo?” untag ni Domeng kay Ara. Napaigtad pa siya dahil hindi niya ito napansing nagsalita dahil sa kakalingon niya.

            Para siyang napa-paranoid tuloy. Pakiramdam niya ay biglang susulpot si Doms ng oras na iyon. Nang nagdaang gabi ay tumawag ito sa kanya at muli siyang binilinan. Hindi daw komo pinayagan siya ng doktor na lumabas ay sasagarin na niya. Kailangan pa rin daw niya ng ibayong pagiingat dahil baka mapano daw siya. Kung sakali daw ay magtingin na lamang daw siya ng magugustuhan at ito daw mismo ang bibili para wala daw silang masyadong dala.

            Tunaw na tunaw ang puso niya dahil sa kaalamang hindi lang ito nagaalala para sa bata kundi na rin sa kanya. Napahinga siya ng malalim at ipinilig ang ulo. Nadadala na siya sa mga aksyon nito at maraming beses na niyang sinusuway ang sarili. Kaunti na lang ay mabubuwag na siya kaya hangga’t maaari ay iniiwasan niyang magkausap sila nito ng matagal.

            Pero hayun siya, kahit pigilan niya ang sarili. Lihim pa rin siyang umaasa na magkikita sila doon at hindi siya nito matiis. Muli niyang pinagsabihan ang sarili dahil doon. Hindi niya dapat binibigyan ng ibang meaning iyon dahil alam niya ang tunay na lugar sa puso nito…

            “Tama na siguro ito,” simpleng saad niya at ngumiti ng tipid kay Domeng. Panay feeding bottles at lampin lang ang binili nila. May mga nakita siyang blanket at set ng crib pero nagdalawang isip siya dahil gusto niyang tanungin ang ideya ni Doms doon.

            “Hindi mo lang kasama si Doms… ganyan ka na,” marahang saad ni Domeng saka napabuntong hininga. Parang nagtatampo na hindi niya mawari. “Nandito naman ako, Ara. Ugh… bakit hindi na lang ako?”

            Bigla siyang napatingin dito. Nagiwas ito ng tingin at inayos ang mga feeding bottles at blanket. Saglit siyang napaisip kung tama ba ang dinig niya o ano pero…

            Bigla siyang kinabahan. Ni minsan ay hindi ito nag-open ng tungkol sa mga narinig niya noong magaway ito at si Romina dahil nag-deny naman ito sa kanya. Inisip niyang dala lang marahil iyon ng selos ni Romina sa kanya. Hindi na niya nakuhang magtanong dahil nanahimik si Domeng tungkol doon. Nirespeto niya iyon dahil alam niyang labas na siya sa problema ng dalawa.

            “D-domeng…”

            Natawa ito ng bahaw saka napakamot ng ulo. “Umuwi na tayo. Baka pagod ka na,”

            Pinagmasdan niya ito hanggang sa napabuntong hininga. Umuwi na sila nito. Kapwa lamang sila nitong tahimik hanggang sa hindi na siya nakatiis. Pagpasok sa bahay ay hinarap niya ito.

            “Totoo ba ang sinabi ni Romina noong mag-away kayo rito?” biglang usisa niya rito.

            Nagiwas ito ng tingin. Kinabahan na siya dahil sa nakitang reaksyon nito. Ang kaba niya ay dulot ng matinding awa rito. Lihim siyang nanalangin na sana ay nagkamali lamang siya. Magkaibigan sila nito. Matagal na niya iyong tanggap kaya ayaw niyang magkasira sila nito dahil doon.

            “Domeng…” nanghihinang untag niya rito.

            “Nag-break na kami ni Romina.” Amin nito sa kanya at nanghihinang napaupo. Tutop nito ang noo. Ilang beses itong napahinga ng malalim hanggang sa nakuha siya nitong titigan. Puno ng lamgbong ang mga mata nito. “Ara… patawarin mo ako. Ginawa ko ang lahat para huwag kang mahalin. Magkaibigan tayo at ayokong magkasira tayo dahil sa nararamdaman ko.  A-akala ko… tanggap ko na kahit kailan, hindi mo ako makikita ng higit pa sa kaibigan pero nang makita kong nagkakaayos kayo ni Sir Doms… pigilan ko man ang sarili ko… hindi ako mapakali…”

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon