12. I'M HERE, STRANGER

3.7K 141 3
                                    

“Akala ko magtitino ka na sa complain ng pasyente ko? Ano na naman ba ito Doms? You gave the wrong dose of medicine!” asik ni Dr. Doniver kay Doms.

            Agad na napatingin si Ara sa magkapatid. Parehong pasyente na naman ang inirereklamo ng kuya nito. Halos dalawang linggo na iyong nakaratay sa hospital dahil vehicular accident ang case noon. Mabuti na lamang ay dadalawa lang sila sa station kaya siya lamang ang nakakakita noon. Toxic pa naman ang araw na iyon kaya nagaalala siyang baka nga naman dahil sa pagod ni Doms ay hindi na nito napansin iyon.

            “Ginawa ako ang tama. It was written on the chart,” kalmadong sagot ni Doms. Hindi niya mapigilang humanga sa pagiging kalmando nito tulad noon. Kung naiba siguro ay naihi na marahil sa takot.

            Agad na tiningnan iyon ng doktor at nagtiim ng bagang. “May order ako dito na kapag in-pain pa rin ang pasyente, dagdagan ng dose, hindi ba? Where is it? Show me!” anito saka padarag na ibinalik ang chart dito.

            Nagtiim ang bagang ni Doms at napabuntong hininga. Gayunman, hinanap nito iyon at ipinakita pa rin sa doktor. Pero mukhang hindi kuntento doon ang doktor dahil muli itong nagtanong. Naginit na rin ang ulo niya dahil obvious na naghanap lang ito ng butas dahil pinagiinitan nito si Doms.

            It was really obvious. Efficient si Doms pagdating sa trabaho. Hindi naman ito gagawing head nurse doon kung hindi. Pero nakikita niyang hindi lang ang sinasabi nitong kapalpakan ang ikinagagalit nito ng husto kay Doms.

            “Paano ka gagawing Chief Nurse dito kung ganyan ka? You’re such a lousy nurse. Dapat, hindi ka na bumalik dito,” naiinis na saad ng kuya nito.

            Natawa ng bahaw si Doms. “So, that’s what this all about. Me being here. You hate me that much? Hindi mo man lang ba naisip na ako dapat ang gigil sa ating dalawa? Bakit baligtad yata?”

            Bigla siyang kinabahan ng mamula ang mukha ng kuya ni Doms. Lakas-loob siyang lumapit dahil sa takot na masapak ito ng kuya nito. Pero hindi niya ito masisisi. Sumusobra na ang kuya nito at nauunawaan niya kung mapuno si Doms.

            “Magiingat ka sa pananalita mo,” banta ng kuya nito.

            “I know. You don’t have to remind me, kuya,” ani Doms. Binigyang diin pa ang salitang kuya nito.

            Galit na umalis ang kuya nito at doon siya nakahinga ng maluwag. Taas baba ang dibdib niya at alalang nilingon si Doms. Pero gayun na lamang ang pagtataka niya ng wala na ito sa likuran niya. Bigla siyang naalarma. She knew he was hurt too.

            Agad niya itong hinanap hanggang sa natagpuan niya ito sa loob ng pantry at umiinom ng tubig. Nakahinga siya ng maluwag. Habang pinagmamasdan ito, hindi niya maiwasang magalala rito. Dapat ay hindi siya nakikialam sa pagkapatid pero kusang kumilos ang mga paa niya para lapitan si Doms. Natagpuan na lamang niya ang sariling ipinapatong ang kamay sa balikat nito.

            “Okay ka lang?” marahang tanong niya rito.

            Napahinga ito ng malalim at saglit na kinalma ang sarili. Nang makabawi ito ay ngumiti ito sa kanya pero nandoon pa rin ang lungkot na tila dinaya lang siya ng paningin. “Of course, Ara. You don’t have to worry,”

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon