32. HOW DARE YOU

3.3K 128 22
                                    

Nagising na lamang siya dahil sa magkakasunod na yugyog. Dinig niya ang boses na dating masuyo ngunit ngayon ay galit na galit. Ni hindi niya magawang ibukas ang mga mata dahil nakakaramdam siya ng pananakit ng ulo. Agad niyang naisip ang lahat ng nangyari ng nagdaang gabi at nang maalala kung ano ang mayroon sa araw na iyon ay tila binuhusan siya ng malamig na tubig.

            Lalo na ng mamulatan niya ang galit na si Ara. Sinakmal siya ng matinding takot ng mapagtanto ang lahati. Lalo siyang nanlumo dahil mismo sa kanyang harapan ay nagbabadyang pagsabog ni Ara…

            Sinubukan niyang magpaliwanag dito pero nanatiling sarado ang isip nito dahil sag alit na natagpuang eksena hanggang sa tumigas ang tiyan nito. Halos ikamatay na niya ang ideyang maaaring mangyari sa magiging anak nila at kay Ara.

            He tried everything to calm her down. Gayunman, galit na galit pa rin ito kaya pagdating sa ospital ay hindi na siya pinalapit dito. Nang mai-room in ito, para siyang asong bubuntot-buntot sa mga ito.

            Pagdating ng mga magulang nito, hindi pa man din siya nakakapagsalita ay masama na agad ang tingin sa kanya. Ang kuya Doniver niya ay walang sabi-sabing sinapak siya.

            “Stay away from Hannah!” singhal nito sa kanya. Napayukyok siya at nanghihinang natutop ang bibig. Pumutok na iyon dahil sa pananapak nito. Maging ito ay hindi nakinig sa mga paliwanag niya at iniwanan siya ng isang masamang tingin.

            Right there and then, he felt the hatred risen up more in just one snapped. Nanggagalaiting pinuntahan niya si Hannah. Napamura siya. Seeing her that time angered him more. He couldn’t believe she could do this after the friendship he gave on her!

            “How could you do this! Alam mong ikakasal kami! Bakit mo ito ginawa!” singhal niya rito at marahas na hinawakan ang braso nito.

            “Sisihin mo ang kuya mo!” singhal nito sa kanya at napaiyak. “Sisihin mo siya dahil hanggang ngayon binabalewala niya ako! Sisihin mo siya dahil pagkatapos kong pagbantaan na sisirain ko kayo ni Ara, hindi siya nakinig! Ayaw pa rin niyang sumama sa akin sa states at ang malala, pinagbantaan niya akong hihiwalayan ng tuluyan!”

            Nabigla siya sa narinig. Tuluyan na nitong ipinagtapat sa kanya ang lahat. Kung ano ang dating relasyon nito sa kuya niya at ang lahat ng pinaghuhugutan nito para gumawa ng ganoon kalaking gulo.

Muli siyang nakaramdam ng matinding galit. “Because of that, I almost lost my child, Hannah. Ganito ka ba kawalang kaluluwa? Alam mong buntis si Ara pero sumige ka sa plano mo dahil lang sa galit mo sa kuya ko!” singhal niya. Halos mapiyok na siya sa sobrang sakit at panlulumo. Namasa ang mga mata niya sa sobrang galit saka ito galit na hinaklit sa braso.

Nabanaag niya ang takot sa mga mata nito ng sandaling iyon. Mukhang ikinatakot na nito ang nakikitang galit sa mukha niya at napalunok ito. “I’m sorry… Doms… I have no other choice. I love your brother so much… maniwala ka, hindi ko alam na mauuwi sa ganito…” anito at sising-sisi na napayuko.

Marahas niya itong binitawan at dismayadong napailing. “Nakuha mo na ang gusto mo. Nasira mo na kami ni Ara. You thought my brother would do something about it?” mapait niyang saad saka napailing.

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon