“Anak, salamat sa regalong padala mo. Pero mas masaya sana ako kung ikaw mismo ang nagdala dito.” Angal ng ina ni Ara at natawa siya. Matagal na siyang hindi nauwi sa Aurora dahil matapos siyang makatapos ay agad siyang kumuha ng board exam. Nang makapasa ay agad siyang napasok sa pampublikong ospital at naging abala. Siya na lamang ang dinadalaw ng mga magulang ngunit madalang ding mangyari iyon dahil sa layo nila sa Maynila. Nagiisang anak lamang siya kaya nauunawaan niyang nalulungkot ang mga ito dahil ang nagiisang anak ng mga ito ay nalayo pa.
“Sa pasko ho, uuwi ako. Promise,” nakangiting sagot niya.
“Salamat din pala sa shawl anak. Gustong-gusto ko ang kulay na dilaw. Bagay na bagay sa binili mong bestida. May pansimba na ako,” tuwang saad nito.
Napakunot ang noo niya. “Wala naman akong biniling ganyan ‘Nay…”
Hindi ito kumibo. Nakarinig siya ng ingay sa paligid. Mukhang kinuha nito ang kahon ng LBC na pinaglagyan niya ng regalo. Tumikhim ito. “Ang nakasulat na sender, Doms and Ara Del Prado. Baka naman galing kay Domeng at isinama ang pangalan mo? Dalawa itong dumating, anak. Akala ko alam mo naman,”
Bumilis ang tibok ng puso niya. Alam niyang hindi galing iyon kay Domeng dahil mukhang nalimutan na nito ang birthday ng nanay niya. Nang ma-realized niyang galing iyon kay Doms ay naginit ang puso niya.
“N-nagustuhan niyo ba?” anas niya. Halos hindi na niya magawang magsalita ng malakas dahil naiiyak siya sa saya. Hindi nakalimutan ni Doms ang kaarawan ng nanay niya at gumawa ito ng sariling paraan para maipadala iyon sa ina niya ng lingid sa kaalaman.
“Oo anak. Salamat at hindi mo ako nakalimutan. Ang tatay mo’y maayos naman dito. Pasensya ka na rin kundi kami makadalaw. Alam mo namang malapit ng mag-retiro ang tatay mo sa munisipyo. Para maganda ang record na iiwan niya, ayaw niyang lumiban sa trabaho.”
Napangiti na siya. Nang magpaalam ang ina niya ay ibinaba na rin niya ang telepono. Muli siyang bumalik sa station at napatitig kay Doms na abala sa pagsusulat ng chart.
Gusto niya itong lapitan at yakapin sa likuran saka pasalamatan sa kabaitan nito. Gusto niyang tapatan ang lahat ng ginagawa nito sa pamamagitan ng lambing. Napakabuti nitong lalaki at doon niya napagtanto kung gaano siya kaswerte dahil pinagtutuunan siya nito ng pansin at effort.
“Nakatitig ka na naman kay sir Doms. Talagang nai-inlove ka na sa kanya, ano?” untag ni Domeng sa kanya.
Napangiti lang siya. Wala namang imposible kung ganoon ang mangyari. Hindi mahirap na magustuhan si Doms. Nakadagdag pa ang pagiging gentleman nito na ni minsan ay hindi nito inungkat ang nangyari sa kanila noon sa Batangas. Ni hindi nito ibinibiro iyon sa kanya at labis siyang nagpapasalamat dahil iginalang pa rin siya nito.
“Lagi na lang kayong magkasama baka… makalimutan mo na ako kapag naging kayo na,”
Natatawang siniko niya si Domeng. Nang makitang seryoso ito ay lalong siyang natawa. “Ano ka ba? Magkaibigan tayo magmula pagkabata. Paano kita makakalimutan?” nakangiting tanong niya rito. Habang pinagmamasdan niya ito ay doon niya naisip ang isang bagay: na iyon ang pinanghawakan niya para makasama ito.Ang pagiging magkaibigan nila. Mula pagkabata ay dito lang umikot ang mundo niya. Nakalimutan niya na ang mundo ay hindi nalilimitahan sa iisang tao. Na bukod kay Domeng ay mayroon pang ibang lalaki na maaaring mas nakahihigit pa rito.
Pero nagbago ang lahat dahil sa pagdating ni Doms. Nagkakilala man sila nito sa hindi inaasahang pagkakataon ay ipinakita naman nito sa kanya na nagkamali siya ng iniisip. Itinuwid nito ang paniniwala niyang itinanim sa isipan.
That was entirely true. It was all inside her mind and not her heart. Kanino ba niya nadama ang unang kabog? Ang paru-paro sa kanyang sikmura? Ang boltahe na tumatama sa kanya?
There. She knew the answer now and she was indeed happy. Natagpuan na rin niya mismo sa puso niya ang kasagutan sa lahat ng iyon…“Mabuti at okay na kayo ni Romina.” Aniya saka ngumiti rito. “Natutuwa ako para sa’yo,”
Ngumiti na rin ito sa kanya. Nagtrabaho na siya at magaan ang loob sa buong magdamag. Nang sumapit ang uwian ay nakangiti niyang nilapitan si Doms. “Tara sa amin. Ipagluluto kita ng lugaw,”
Agad na nagliwanag ang mukha nito. Lalo niyang tinamisan ang ngiti. “Aba… mukhang may pinaplano kang masama sa akin,”
Napabungisngis siya hanggang sa napahinga ng malalim. “Gusto ko lang magpasalamat dahil nagpadala ka pa ng regalo sa nanay ko,”
Bahagyang namula ang pisngi nito. Lalo siyang napangiti. Mukhang nahiya pa ang lalaking ito! “Thank you, Doms.”
“May bayad ‘yon,” anito saka siya tinitigan at bumaba ang mga mata nito sa labi niya.
Napalunok siya. Nakaramdam siya ng kakaibang uhaw. Nagkakalampagan na naman ang lahat ng pulso niya sa katawan dahil sa titig nito.
“Tara na,”
Napaigtad na lamang sila dahil sa pagtawag ni Domeng. Gayunman, tumalima na sila ni Doms at nagpapakiramdaman. Damang-dama niya ang naguumapaw na presensya ni Doms at pambihira, katabi na nga lang niya ito ay iniisip pa rin niya ito.
BINABASA MO ANG
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)
RomanceSTATUS: COMPLETED 💞💞💞 Binalak na akitin ni Araceli ang kaibigang si Domeng dahil napagtanto ng dalaga na kung hindi siya kikilos ay hindi siya mapapansin ng binata. Isinagawa ni Araceli ang plano sa "Party of Destiny" na dadaluhan ni Domeng. And...