9. SAD STRANGER

3.9K 154 9
                                    

“SIR, SALAMAT talaga dahil nandoon ka para maihatid si Ara. Hiyang-hiya nga ako sa kaibigan ko, sir. Pero wala eh… ayoko namang pakawalan ang pagkakataong nagkita kami ulit ni Romina. Mabuti’t pumayag na siyang makipagbalikan sa akin,” ganadong kwento ni Domeng kay Doms habang naglalakad sila sa pasilyo. Nagkasabay sila nitong pumasok sa lobby at hindi nito kasabay si Ara dahil dinaanan muna nito ang nobya nitong si Romina. Sa lahat ng naging estudyante niya, kay Domeng siya napalapit. Mabait kasi ito at magalang. Kahit kaibigan ang turing niya rito’y hindi pa rin ito nakakalimot na igalang siya. Itinuring na niya itong nakababatang kapatid din.

            Napabuntong hininga siya at nagalala kay Ara. He knew Domeng’s news would make Ara devastated. Dalawang linggo buhat na nangyari ang pangiiwan nito kay Ara sa Baclaran. Ngayon lang ito nagpasalamat sa kanya. Marahil ay nasabi ni Ara dito na siya ang naghatid para makauwi ito.

            Hindi niya mapigilang mainis dito. Iniwan nito ng ganoon si Ara. Sana man lang ay nagpaalam ito. Muli siyang napahinga ng malalim at tinapik ito sa balikat. “Pero sa susunod naman, magpaalam ka ng maayos para hindi naman nahihilong naghahanap sa’yo si Ara,” pangaral niya rito.

            Ngumiti ito sa kanya. “Nag-sorry na rin ako sa kanya. Binigyan ko pa ng donut para naman hindi na magtampo. Paborito niya ‘yun,” proud nitong saad.

            Tumango siya rito kahit gusto niya itong batukan. Nakakagigil din naman kasi ito. Kahit na hindi maganda ang nangyari sa kanila ni Ara, he still cares for her. Actually, he cares for her a lot.

So, she likes donut, huh… Napatikhim siya sa naisip. Why? Does it matter? You made a promise, remember? Kontra ng isang bahagi ng isip niya at napahinga siya ng malalim.

            Hindi niya alam kung magpapasalamat kay Domeng o ano dahil sa mga nangyayari. Ara always ending up to be with him. Nagsimula iyon sa Party of Destiny. Kundi siya pumayag na sumama kay Domeng. Kundi sumama ang tyan nito ay hindi mangyayari ang isa sa mga bagay para maging masaya siyang muli.

            Because meeting Ara was one of the best things in his life. He finally felt that after a terrible heartache, he could still be able to like someone again. It wasn’t just for sex. Yes he followed her but he was not even thinking about that.  Her innocent smile and amateur kisses made him puzzled and captivated. He couldn’t understand too. Maybe an unexpected kissed shocked his world. The sweetness and softness of her lips made him loose his mind. Marami na siyang nahalikang babae sa edad niyang iyon. But Ara’s lips were way different because he felt something. She ignited something inside him.

The last time he felt like that were two years ago. Gayunman, nang makabangon siya sa pagkabigo mula sa huling nobya ay natutuwa siyang malaman na may kapasidad pa rin pala siyang makaramdam ng ganoon. Bagay na malayong iniisip niyang mangyayari pa.

            After that kissed, he couldn’t measure his urge to follow her. Kung maaari lang ay habulin niya agad ito. Sobrang napukaw ang pansin niya. His heart was beating so fast. It was hard for him to breathe. Lalo na’t muling umukilkil sa utak niya ang ideyang itinanim ng matandang lumapit sa kanya sa Boracay.

            Six months ago, he went to Boracay to unwind. Halos nasuyod na niya ang mga beach resort sa buong Pilipinas at balak niyang magtagal doon. He tried everything. Magmula ng isubsob niya ang sarili sa pag-aaral at pagtuturo hanggang sa maging Head Nurse sa Saint Matthew ay madalang na lamang siyang nagkaroon ng gimik kaya ginawa niya ang lahat. Magmula sa scuba diving, snorkeling, waterskiing, surfing at marami pang iba.

            He loves water so much. Kaya ng sabihin ni Domeng na gaganapin ang party sa isang resort sa Batangas ay agad namula ang hasang niya. Nagbiyahe pa siya ng napakalayo—dahil nasa Bora pa siya noon—para makahabol dito. But he ended up alone because of his stomache.

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon