Hindi na niya makuha pang mapa-shit sa isip. Bigla niyang natawag ang lahat ng santo para alisin siya sa sitwasyong iyon. Binundol siya ng matinding kaba sa dibdib. Napakasaklap namang magbiro ng tadhana. Wala pang isang buwan ang nakakalipas, nagkita silang muli ng lalaki! At lintik! Anak ito ng mayari ng ospital!
Napaurong siya ng lumapit ito. Kung tuwang-tuwa ang mga dati nitong kasamahan doon, siya ay tila namamatay na sa kaba ng sandaling iyon. Kinamayan nito si Domeng at pabirong tinapik sa balikat. Tila bumagal pa ang kilos nito sa harapan niya hanggang sa muli siya nitong tinapunan ng tingin.
“A new nurse on my team,” nangingiting saad nito habang hinahagod siya ng tingin.
Tumaas-baba ang kanyang dibdib. Hindi na niya malaman ang gagawin hanggang sa napabuga na siya ng hangin. Bakit ba siya kinakabahan? Subukan lang nitong ipagkalat ang mga nangyari. Naku! Malilintikan ito sa kanya. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan dito dahil nasisiguro niyang gagamitin nito iyon laban sa kanya.
Taas-noo niyang sinalubong ang tingin nito. Napalunok siya ng magkaroon ng kislap ang mga mata nito. Mukhang tuwang-tuwa ang mokong sa lahat ng iyon.
“Yes, sir. Araceli Del Prado,” pakilala ni Mrs. Paloma sa kanya at saka siya nginitian. “Since ikaw lang ang bago sa team niya, let me introduce Mr. Dominic Salvadore. Dati siyang head nurse ng station na ito. Ako ang pumalit sa kanya nang mag-file siya ng indefinite leave one year ago. Ngayon ang balik niya sa atin at babalik na rin ako sa sixth floor.”
Pumalakpak ang mga kasamahan niya sa tuwa at nakisali na rin siya. Pinalakpakan niya ang nakakalokong biro ng tadhana sa kanya. Gayunman, nangako siya sa sarili na hinding-hindi siya nito maapektuhan. Ipakikita niya ritong balewala na sa kanya ang lahat bagaman hindi iyon madali sa parte niya.
Hindi pa rin maaalis na ito ang unang lalaki sa buhay niya. Ang mga pinagsaluhan nila ng gabing iyon, ang mga anas nila, ang mga haplos nito at mga halik. Sa kabila ng kalanguan niya sa alak noon ay may kudlit pa rin iyon sa kanyang alaala. Pero kampante siyang mabubura din ang mga iyon sa sistema niya.
Ilang sandali ay inabala niya ang sarili. Gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil nanginginig siya sa stress! Muli niyang kinalma ang sarili at nagtrabaho. Nang magpunta sa kani-kaniyang designated patients ang mga kasama niya at naiwan silang dalawa sa station ni Doms ay bigla siyang natensyon!
“Small world, huh… or should I say… small hospital?”
Tumayo ang balahibo niya sa katawan. Natigil siya sa pagsusulat sa chart pero hindi niya ito nakuhang lingunin. Natatakot siya sa nadarama. Umiikot ang sikmura niya hanggang sa napabuga ng hangin. Bakit ba siya nagpapaapekto dito?
Kung iisipin, nakipag-one night stand lang siya dito. Ang kung anumang nadarama niya ay lilipas din. Hindi niya dapat ito bigyan ng pagkakataong inisin siya at panghinaan ng loob.
“Kumusta ka na, Ara?”
Tumayo siya at humarap dito. Lihim niyang iginala ang paningin. Nang masiguro niyang walang nakakarinig sa kanila o nakakakita ay minulagatan niya ito. “I’m fine, sir. Gusto ko lang na liwanagin na ayokong makakalabas ang nangyari sa ating dalawa sa resort,” mariin niyang saad dito. Maigi na ang diretsahan.
Napanatastikuhang napatitig ito sa kanya. Mukhang hindi inaasahan ang kaangasan niya. Napahagod ito sa panga ng makabawi at tila aliw na aliw na pinagmasdan siya. “Hindi rin naman ako ganoon. It’s our moment. Why the hell would I share that?”
Napalunok siya dahil lalo siyang na-stress. Kung umasta ito ay parang napaka-espesyal niyon para itago nitong maigi.
Baka naman ikaw ang first virgin niya?
Naginit ang ulo niya sa ideyang iyon. Letse! Hindi niya itatanim sa isip iyon. He was obviously likes to flirt with her. Bakit? Dahil nakuha na siya nito at magiging madali na lang para palambutin siya nito? Gusto ba nito ng another round? The idea angered her more.
“Mabuti naman dahil ayokong masira ang imahe ko kay Domeng. Siya ang lalaking dapat na pinagalayan ko ng lahat. Alam kong kilala mo ang taong tinutukoy ko at huwag kang magkakamali na sabihin iyon sa kanya.”
“Oh…” anito at base sa ekspresyon ng mukha nito ay doon nito nauunawaan ang lahat. Napatango-tango pa ang herodes.
Hanggang sa napangisi ito. Nang mulagatan niya ito ay natawa na ito sa kanya. “Why? Hindi mo man lang ba naisip ang nangyari sa atin ng gabing iyon ay… maybe it was destiny? That Domeng wasn’t really the man for you? That destiny leads you to kiss me and… me to have you?”
Nanikip ang dibdib niya sa tinutumbok nito. “Anong destiny? Kamalasan ‘yon!”
Kinalma niya ang sarili. Pilit na pumapasok sa kukote niya ang sinabi nito pero hinarangan niya agad iyon. Planado na ang lahat. Si Domeng ang dapat niyang maging nobyo at mapangasawa.
“Okay… okay. Umiilaw ang buzzer ng pasyente mo.” Anito saka natatawang napailing. “But I’m glad to see you’re okay. Go ahead, do your job then,”
Naiinis na tumalima siya. Nakakainis ang pagiging kalmante nito. Napabuga siya ng hangin ng muling maisip ang sinasabi nitong destiny. Bakit? Ito ba’y naniniwala sa destiny? Napailing siya. Malaking kalokohan iyon. Binibilog lang nito ang ulo niya para maniwala siya. Ang lalaking tulad nito ang malayo sa iniisip niyang naniniwala sa destiny.
She knew he was a Casanova, a seducer. Obvious naman. Galing din naman iyon dito—dahil inakala nitong isa siya sa mga flings nito—kaya hindi siya masisisi kung bakit ganito ang tingin niya rito. At alam niyang sa bawat kislap ng mga mata nito ay mayroong kahulugan at hindi siya magpapaapekto kahit kailan. Napabuntong hininga na lamang siya.
BINABASA MO ANG
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)
RomanceSTATUS: COMPLETED 💞💞💞 Binalak na akitin ni Araceli ang kaibigang si Domeng dahil napagtanto ng dalaga na kung hindi siya kikilos ay hindi siya mapapansin ng binata. Isinagawa ni Araceli ang plano sa "Party of Destiny" na dadaluhan ni Domeng. And...