“Kumakain si Ara. Nandito ka na naman, sir. Huwag mong sabihing nag-file ka na naman ng indefinite leave?” nakakalokong tanong ni Domeng kay Doms. Mukhang hindi na rin maitago ni Domeng ang inis kaya nakukuha na rin nitong barahin si Doms. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan ng kumatok si Doms.
“Dinalhan ko siya ng carrot cake. Don’t worry, it’s sugar free,” ani Doms. Tonong mabait sa kabila ng pinakitang angas ni Domeng. Mukhang lumulugar lang si Doms para huwag magkainitan ang dalawa.
Natunaw ang puso niya dahil doon. Ganoon klase ng cake talaga ang binibigay maski noong una. Mukhang nakahanap ito ng panghalili sa donut na hindi matamis. Sa totoo lang ay gusto niya ang cake na ibinibigay nito kaya agad niya iyong nauubos. Mukhang gusto talaga siya nitong suyuin kaya ginagawa nito ang lahat para matunaw siya. Sa loob ng nakalipas na linggo ay ganoon ito. Bagaman saglit na saglit lang ay pupuntahan siya para silipin o hatidan ng meryenda. Minsan ay hindi na sila nagluluto pa dahil dinadalhan siya maging agahan, hapunan o dinner. Hindi ito napapagod sa lahat ng iyon.
Minsan ay nasisilip niya itong nakaparada sa labas ng gate niya at kapag nakita siya nitong nakadungaw ay kakaway ito. Siya naman ay biglang magtatago. Kailangan niyang gawin iyon para huwag mapako ang mga tingin dito at para pakalmahin ang pusong dagling nagwala sa ginawi nito. Napabuntong hininga siya sa mga naalala.
“Okay. Sige na. Ako na ang magbibigay sa kanya,”
“Baka naman p’wede ko siyang kumustahin kahit saglit lang?”
Gusto niyang mapakamot ng ulo. Kung makahingi ng pahintulot si Doms ay parang tatay niya si Domeng. Itong si Domeng din naman kasi, kung makaasta ay isang malupit na bantay. Tumayo siya at hinarap ang dalawa.
“Ako ng bahala Domeng,” malamig na saad niya.
Mukhang hindi nagustuhan iyon ni Domeng kaya lantaran na nitong tiningnan ng masama si Doms. “Sigurado ka? Baka mamaya, ano na naman ang gawing kalokohan nito…”
Natawa ng bahaw si Doms. Trying to be very patient. Bilib din siya sa haba ng pisi nito. Pero nakikini-kinita niya na ang isang tulad nito’y matinding magalit kapag nasagad. At bago pa mangyari iyon ay tinaboy na niya si Domeng.
“May sasabihin ka?”
Huminga pa ito ng malalim para kumuha ng buwelo. Hindi tuloy niya maiwasang mamangha. Para talaga itong aakyat ng ligaw. Bihis na bihis ito. Simpleng polo at maong ang suot nito. Bagong gupit pa at ahit. Sa kabila ng napansin niyang bahagyang pagbagsak ng timbang nito’y nandoon pa rin ang kislap sa mga mata nito. Ang pagiging positibo nitong hinangaan at nagustuhan niya.
“How are you and my baby?” anito at tila alanganin siya nitong hinalikan sa noo. Nanantya iyon hanggang sa marahan nitong sinamyo ang buhok niya.
Nanigas na siya at dumagundong ang tibok ng puso niya. Damn… she really missed this man. Isinisigaw iyon ng kanyang puso’t kaluluwa. At nang marahan nitong haplusin ang tiyan niya ay namasa ang mga mata niya. Napasinghap siya ng gumalaw ang baby nila.
Mukhang nabigla din ito at napantastikuhan. He was really an excited father. Agad itong bumaba saka idinikit ang tainga nito sa tiyan niya. Muli iyong sumipa. Her heart suddenly melts. Nasa sinapupunan pa lang niya ang anak nila, mukhang miss din agad si Doms.
“Kailan ka mamimili ng mga gamit? I’m free this weekend…. Ugh… pero tanungin muna natin si tita, okay? Right… I’ll call her now,”
“Doms,” awat niya sa pagkakaturete nito. She was really touched and melting. But she couldn’t say yes to him. Napahinga siya ng malalim. “K-kasama ko si Domeng na bibili. Naka-oo na rin ako sa kanya.”
Tahimik itong tumango. Kahit anong pilit nitong itago ang sakit ay hindi nito nagawa. Lumarawan iyon sa mga mata nito. Parang sinipa siya sa sikmura. Napahinga siya ng malalim dahil doon niya napagtanto na hindi pa rin magaan sa kalooban niyang makitang nasasaktan ito sa kabila ng pananakit nito sa damdamin niya.
At doon siya nalungkot. Sa kabila ng mga nangyari ay nakakaramdam pa rin siya ng ganoon dito. Gayunman, alam niyang hindi niya iyon maaaring panghawakan.
“It’s okay. Pero siguro naman… p’wede akong nandoon din. Anak ko naman siya. I should be the one buying his stuff.” Anito saka napabuga ng hangin. “Pero hindi ko naman ipipilit ang sarili ko kung ayaw mo. Let’s just make sure na p’wede kang mamili. Baka ma-stress ka.” Concern na saad nito.
Lalo tuloy siyang nakonsensya. He was really kind. Na kahit nakasama ng loob nito ang lahat ay pinipilit pa rin nitong maging kalmado. Maging maunawain. Pero naisip niya, kung babawiin niya ang sinabi niya rito’t piliin itong makasama ay magiging daan iyon para umasa ito.
Sa huli’y pinanindigan niya ang plano. “Sige. Tatawagan ko na lang si doktora.”
“No. Let me handle that.”
Tumalikod na ito at ipinasok ang kamay sa bulsa. Gayunman, hindi nito inilabas agad iyon. Saglit itong nanatili sa ganoong posisyon, taas-baba ang dibdib nito hanggang sa napailing. Doon pa lang nito nagawang kuhanin ang cellphone saka tinawagan ang doktor.
Natunaw ang puso niya sa nakikitang kalungkutan nito. Damang-dama niya iyon kahit nakatalikod ito at hindi niya masikmura. Gayunman, mas pinili niyang lunukin iyon dahil na rin sa natatakot siyang umasa sa mga nakikita.
“Mag-iingat ka sa Sunday. You… you know my number, right? You can always. Call me,” marahang saad nito.
Tumango siya rito. Muli siya nitong hinalikan sa noo at sinunod ang tyan niya. Pagtalikod nito ay nakaramdam siya ng kakaibang panlulumo, sakit at pait sa puso.
Because seeing Doms walking away from her that time made her really, really sad. Napahinga siya ng malalim. Hindi maaaring ganoon siya kahina. Kaunti na lang ay muli na naman siyang madadala sa lahat ng ipinakikita nito.
Muli siyang napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)
RomanceSTATUS: COMPLETED 💞💞💞 Binalak na akitin ni Araceli ang kaibigang si Domeng dahil napagtanto ng dalaga na kung hindi siya kikilos ay hindi siya mapapansin ng binata. Isinagawa ni Araceli ang plano sa "Party of Destiny" na dadaluhan ni Domeng. And...