26. HURTING ME SO MUCH

3.1K 114 29
                                    

 “Anak, dapat nagpapahinga ka na. Ikakasal na kayo ni Dominic bukas,”

            Napalingon si Ara sa ina at pinilit itong ngitian. Ang usapan nila ni Doms ay sa Forbes ito uuwi dahil mas malapit doon ang stag party. Ayaw din niyang magmaneho ito ng nakainom kaya nangako si Doms sa kanya na lang tatawag kapag nakauwi na ito para mapanatag siya.

Nakaluwas na ang mga magulang niya tatlong araw ng nakararaan at hangga’t maaari ay hindi niya pinakikitang nasaktan siya sa mga natuklasan.

            She thought everything thoroughly. Tiningnan niya ang lahat ng anggulo sa matalinong paraan. They were going to have a child. Isa pa’y ayaw niyang biguin ang mga magulang sa magiging kabiguan niya kapag pinili niyang magpakasal kay Doms.

            Iyon ang gahiblang natataw niyang pag-asa sa kanila ni Doms. At hinanda na niya ang sariling lunukin ang lahat. She even made an oath to make him love her more. Tuturuan niya itong mahalin siya nito at mas maging matimbang dito. Susugal siya dahil ganoon niya ito kamahal.

            Sa nakalipas na mga araw ay naging ganoon ang sistema nila ni Doms. Kinimkim niya ang mga natuklasan at nagpanggap na okay lang siya. Mahirap pero kinakaya niya. That was the price she had to pay making that decision. Kailangan niyang maging matatag.

            “Hindi pa po kasi tumatawag si Doms.” Simpleng paliwanag niya.

            “Naku, alam mo namang stag party ang pinuntahan niya. Hayaan mong mag-enjoy ang mapapangasawa mo. Alam mo namang huling gabi na ng pagbibinata niya. Mahal ka noon. Katakot lang noon na lokohin ka,” anang ina niya para pagaanin ang kalooban niya.

            Ngumiti siya bagaman nakadama ng pait sa puso. Gayunman, napagisip niyang lilipas din iyon. Kailangan niyang maging positibo sa lahat ng iyon.

            Natulog na siya. Kinabukasan ay maaga siyang nagising para makapaghanda. Alas nuwede ang kasal nila sa City Hall ni Doms. Napabuntong hininga na lamang siya ng makitang wala pa rin itong mensahe. Bagaman nakakaramdam siya ng kakaibang takot ng sandaling iyon ay kinalma niya ang sarili. Baka hindi na siya nito inistorbo dahil ginabi na ito ng husto at naghahanda na rin ito ng oras na iyon kaya hindi na nakuha pang mag-text o tumawag sa kanya.

            Inayusan siya ng ina. Isang simpleng puting bestida ang suot niya. Simple lamang ang naging ayos ng buhok niya at make-up. Pagdating sa city hall ay nandoon na sina Romina, Domeng, Elizabeth at ang pamilya ni Doms maliban lang sa kuya nito.

            “Ang ganda mong magbuntis! Naku, ang dami mong hindi sinasabi sa akin, ha.” Ani Elizabeth at bahagya siyang inilayo. Hindi niya nasabi ang tungkol kay Doms kaya nagulat ito ng sabihan niya itong ikakasal na siya at buntis.

            “Ikukuwento ko ang lahat pagkatapos ng kasal,” natatawang saad niya.

            “Dapat lang!” anito saka maluwang ang ngiting tinitigan siya. Ilang sandali ay iginala nito ang paningin. “Pero nasaan siya? Bakit wala pa siya? Gusto ko na talaga siyang makita. Guwapo ba?”

            “Super,” proud na saad niya at napangiti.

            “In love na in love ka sa kanya. Mabuti naman. Hindi ka ganyan kay Domeng noon. Puro ka pangarap lang, ni hindi ko nakitang mahal mo talaga siya. Mas napanindigang udyok iyon ng itinanim mo sa isip mo at hindi puso mo ang naguutos,”

            Napahinga siya ng malalim. Nauunawaan na niya ang bagay na iyon at natutuwa siyang malaman na hangga’t maaga ay natuklasan niya ang tunay na damdamin sa kaibigan. Kung sumige siya sa ganoong simpleng dahilan ay alam din niyang hindi sila magiging masaya ni Domeng.

            “Stag party nila kagabi. Kasama niya ang mga dating co-teachers niya sa university at Saint Matthew. Mabilisan kasi itong kasal namin kaya medyo late nai-set ang party. Isa pa, wala sanang ganoon kaso kinantyawan siya. Hindi na siya nakatanggi.”

            Napatango ito. “Baka naman na lasing ng bongga. Anong oras na? Tawagan mo na kaya. Baka nakatulog iyon,”

            Tumalima siya at tinawagan si Doms. Napakunot ang noo niya ng ring lang ng ring iyon. Ilang beses niyang sinubukan ngunit tuluyan na siyang nanghina ng hindi ito sumagot. Pasado alas nuwebe na at halatadong naiinip na ang magkakasal sa kanila ay hindi pa rin ito dumadating.

            “What happened?” tanong ng ama ni Doms.

            “H-hindi siya sumasagot sa cellphone,” aniyang pilit na pinapakalma ang pusong natutunaw sa sakit.

            Agad ng tinawagan ito ng ama nito. Maging sina Domeng at ina nito’y ganoon na rin ang ginawa. Halos lahat ng taong maaaring makaalam kung nasaan si Doms ay tinawagan ng mga ito ngunit bigo sila.

            Ayaw mang tanggapin ng utak niya, may hinalang nabubuo sa isip. Nakakaramdam na siya ng panlulumo ngunit kailangan pa rin niyang makasiguro. Nagpaalam siyang manunubig. Nagpilit ang mga itong samahan siya ngunit nagpanggap na lamang siyang maayos pa rin. Ayaw niyang may makasama ng oras na iyon. Gusto niyang harapin iyon ng nagiisa.

            Pumuslit siya at paglabas ng city hall ay agad siyang nagpara ng taxi. Nagpahatid siya sa bahay na tagpuan nila Hannah at Doms. Nang makita pa lamang niyang naka-park ang sasakyan ni Doms sa harapan noon ay tila mayroon ng punyal na itinarak sa kanyang dibdib. Ni hindi niya magawang makakilos sa sobrang sakit.

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon