“Toxic ba?” nakangiting bungad ni Ara kay Doms. Sixteen hours itong nag-duty dahil absent ang head Nurse ng next shift. Magmula seven o’clock ng umaga hanggang alas onse ng gabi iyon. Napilitan itong manatili dahil maraming pasyente ng oras na iyon at severe ang cases. Kailangang tutukang iyong maigi.
Ngumiti pa rin ito kahit pagod ito. Agad na niya itong inasikaso. Pinaghain niya ito ng mainit na sabaw at natuwa siyang makitang ganado itong kumain. Panay ang kwento rin nito sa aktibidad nito maghapon.
“Natatawa nga ako kay Hannah, eh. Sabi niya kanina, magpapalipat na lang daw siya sa station natin para madagdagan pa raw ng nurse doon. Sabi ko naman, kapag nakapasok ka na, kayang-kaya na ng shift natin ang ganoong karaming pasyente,” anito saka proud na ngumiti.
Nagkukot muli ang kanyang kalooban. Ipinilig niya ang ulo sa nadaramang selos at huminga ng malalim. “Kain ng kain,” aniya saka sinalinan pa ito ng kanin.
Magana na itong kumain. Ilang sandali pa ay pinagpahinga na niya ito at inihanda ang panghilamos nito. Nang nasa loob na ito ng banyo ay tumunog ang cellphone nito. Napakunot ang noo niya ng makitang si Hannah ang caller. Huminga siya ng malalim at siya na ang sumagot noon sa pagaakalang importante ang tawag. Hindi naman siguro ito tatawag ng eleven thirty ng gabi kundi iyon importante.
“Nasa shower si Doms. May ipapasabi ka ba?”
“Oh. I’m sorry. May gusto lang akong itanong. Hindi bale, hindi naman iyon importante,”
Nang magpaalam na ito ay naginit ang ulo niya. Hindi naman pala mahalaga ang sasabihin nito, kung makatawag ng ganoong oras… ah! Naasar na talaga siya rito! Ano bang gusto nitong palabasin? Alam na nito ang hidwaan ng magkapatid, lapit pa ito ng lapit!
Nang bumukas ang pinto at naiinis na isinaksak niya ang cellphone sa dibdib ni Doms. Takang-taka ito sa inasta niya. Inirapan niya ito sa inis.
“Tumawag si Hannah. Hindi naman daw importante ang sasabihin niya kaya hindi na niya ibinilin,”
Napahinga ng malalim si Doms at napabuntong hininga. “Hon… huwag kang magalit ng ganyan. Baka may nalimutan lang iyon na sabihin kanina at biglang nahiya n’ung ikaw ang sumagot. Come here,” lambing nito saka siya niyakap mula sa likuran. “I love you. Don’t forget that, okay?”
Napahinga siya ng malalim at tumango. Alam naman niya ang bagay na iyon pero hindi niya maiwasang mabahala sa sitwasyon. Muli siyang napabuntong hininga. Ilang araw na lang ang bibilangin ay ikakasal na sila nito. Ngayon pa siya nakakaramdam ng ganoon.
Nagpahinga na sila nito. Gayunman, naalimpungatan na lamang siya ng marinig ang pag-ring ng cellphone ni Doms. Akmang gigisingin niya ito ngunit naunahan na siya nito. Pakapa nitong hinagilap ang cellphone saka tiningnan ang caller.
“Hon?” anas nito saka dahan-dahang naupo. Ingat na ingat para huwag siyang magising.
Nang kumilos ito ay muli siyang pumikit. Gayunman ay biglang kinalampag ang dibdib niya sa labis na kabog. Who the hell was he calling ‘hon’? Ayaw man niyang magisip ng iba ngunit tuluyan na siyang sinakmal ng matinding kuryusidad at bahagyang pait sa dibdib.
“It’s late… hon? Okay, wait. Lalabas ako. Baka marinig ni Ara, aawayin ako noon,”
Napadilat siya ng marinig na lumapat ang pinto. Bigla siyang hindi mapakali sa narinig. Tuluyan siyang nilamon ng matinding kuryusidad at sa maingat na paggalaw ay lumabas din siya ng silid para hanapin ito.
Natagpuan niya ito sa labas ng pinto ng apartment. Alam niyang hindi tama ang kanyang ginagawa pero hindi niya mapigilan ang sarili. She wanted to know everything. Kung wala itong tinatago, dapat ay hindi nito ginagawa ang ganoon.
Dahan-dahan siyang lumapit at nagkubli sa likuran ng pinto.
“Hon… kukuha ako ng tamang pagkakataon. Nararamdaman ko, nakakaramdam na si Ara. Hannah, please. Ayokong sirain ang lahat. Let’s wait for the right time, okay?”
Saglit itong tumigil at tila pinakinggan ang kausap. Gayunman, ang pagtigil nito ay siya ring pagtigil ng tibok ng puso niya at labis na nasaktan. Ano ba ang tamang pagkakataon sa lahat ng iyon?
“Okay… okay. Let’s meet there tomorrow. Hindi naman alam ni Ara na change shift na bukas. Maaga na lang akong aalis ng bahay.” Bahagya itong natawa.
Nanlumo siya habang pinagmamasdana ng mukha nito. He was smiling. The kind of smile she saw when he looks at her. Right there and then, she felt her heart scattered into million pieces. She felt shattered. Wasak na wasak maging ang kaluluwa niya ng sandaling iyon.
Dahil ang makita si Doms ng ganoon kasaya dahil kay Hannah ay masakit. Sobrang sakit at mapait sa dibdib. Natutop na lamang niya ang bibig para huwag kumawala ang impit na hikbi.
Muli siyang napatingin dito kahit hilam na ang luha. Mahapdi na rin ang lalamunan niya kakapigil na huwag umatungal ng malakas. Lalong nadoble ang sakit na nadarama niya ng makita ang ekspresyon sa mukha ni Doms. She saw how this man’s heart melts. Kung anuman ang sinabi ng babaeng iyon sa kabilang linya ay ayaw na niyang malaman pa. Masyado ng masakit para sa kanya ang mga nakita at narinig.
BINABASA MO ANG
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)
RomanceSTATUS: COMPLETED 💞💞💞 Binalak na akitin ni Araceli ang kaibigang si Domeng dahil napagtanto ng dalaga na kung hindi siya kikilos ay hindi siya mapapansin ng binata. Isinagawa ni Araceli ang plano sa "Party of Destiny" na dadaluhan ni Domeng. And...