“O, akala ko mago-overtime ka?” nabibiglang tanong ni Ara kay Doms. Day-off niya at naglinis lamang siya ng buong unit niya. Bago pa iyon, day-off din nito ng nakaraang araw ngunit parang hindi rin ito nag-day off. Paano’y ang aga nito sa ospital. Dinalaw daw nito ang ina sa opisina. Natawa siya dahil alam niyang nagpalipas ito ng oras doon para hintayin siya.
Ang kwento nito’y matagal na itong nakabukod ng tirahan. Magmula ng magtapos ito sa kolehiyo at nakapagtrabaho, bahay ang unang pinundar nito. Hindi pa siya nakakapunta sa bahay nito sa Forbes at nangako itong ipapasyal siya doon.
Napangiti siya ng buhat sa likuran nito ay inilabas nito ang isang bungkos ng tulips. Napakagalante naman nitong magbigay ng bulaklak. Nakakakilig ang pagiging sweet nito. Magmula ng magniig sila ay lalo pa ito naging maasikaso at malambing. Bagaman wala silang seryosong usapan ay masaya pa rin siya. Damang-dama niya na walang nagbago sa kanila. Kung mayroon man ay hinigitan lang nito ang lahat.
“Hindi na kailangan dahil may mga na-discharge na pasyente bago uwian. Walang masyadong pasyente sa area natin. Ayaw mo yata akong makita. Pagkatapos ng lahat, Ara?”
Natawa siya sa huling sinabi nito. “Para kitang iniwanang luhaan kung makaasta ka. Kumain ka na ba?”
Malambing siya nitong inakbayan at hinalikan sa sentido. “Hindi pa.”
“Nagluto ako ng pansit.” Nakangiting untag niya rito.
Kumislap ang mata nito. “I love that,”
Kumislap din ang mga mata niya. “Alam ko…”
Natawa ito ng malakas. “I can see that you asked what my favorite is. Kanino mo tinanong?”
“K-kay ma’am…” nahihiyang amin niya rito at nagiwas ng tingin. Nagiinit ang mukha sa hiya!
Napahalakhak ito. “Kaya pala iba ang tingin ni mommy sa akin. Kailan mo tinanong?”
Nahihiyang napayuko siya. “Kahapon noong nag-rounds siya ng umaga, nilakasan ko ang loob ko na lapitan siya at magtanong.”
Ngiting-ngiti siya nitong pinagmasdan. “You like me that much, huh.”
Jusko! Hindi siya makaimik! Nahihiya siya na hindi niya mawari hanggang sa pulang-pula na ang mukha niya. Lalo itong napahalakhak at gigil na hinalikan ang kanyang labi.
“I am so glad Ara. Akala ko, hindi na ako magiging masaya pa.” punung-puno ng pagsuyo ang mga mata nito.
Napalunok siya. Bumilis ang tibok ng puso niya. Bigla siyang natunaw sa nakikitang lambot sa mga mata nito. Na bukod sa naghuhumiyaw na damdamin sa mga mata nito, dama niya ang labis nitong kaligayahan matapos ang naging unos sa buhay nito...
“A-anong ibig mong sabihin?” nanantyang tanong niya. “A-ano bang nangyari noon?”
Unti-unti itong lumayo sa kanya at pinakatitigan siya. Gusto niyang mapaungol dahil sa pananahimik nito, na tila iniisip nito kung paano magsisimula hanggang sa napabuntong hininga ito at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
“Buti na lang, nakilala kita. I thought it wasn’t possible because… the only person I loved was stole by my brother the night before our wedding…”
BINABASA MO ANG
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)
RomanceSTATUS: COMPLETED 💞💞💞 Binalak na akitin ni Araceli ang kaibigang si Domeng dahil napagtanto ng dalaga na kung hindi siya kikilos ay hindi siya mapapansin ng binata. Isinagawa ni Araceli ang plano sa "Party of Destiny" na dadaluhan ni Domeng. And...