20. YES

3.3K 125 1
                                    

“Okay ka lang ba? Namumutla ka pa rin. Hindi bale, tiisin mo lang, ha. Mabibigyan ka rin ni doktora ng vitamins para bumuti na ang pakiramdam mo,” alalang saad ni Doms kay Ara.

            Ngumiti lang siya rito. Hinihintay nila ang oras niya para sa checkup. Napilitan silang magtungo sa clinic ng doktora na tiyahin nito—na si Dra. Chu—sa loob mismo ng mall dahil nandoon ito. Nakapangasawa ang tita nito ng isang half-filipino, half-chinese na doktor. Bunsong kapatid ito ng ama ni Doms at mayroon ding shares sa Saint Matthew Hospital. Hindi na mapakali si Doms dahil namumutla pa rin siya kahit na nahuhusto naman siya sa pagkain at pahinga.

            Pumasok pa rin siya sa ospital dangat lamang ay napipilitan talaga siyang mag-absent kapag matindi ang morning sickness niya. At laging nandoon si Doms para alalaayan siya.

            “May gusto ka bang kainin?” untag nito at hinawakan ang palad niya.

            Namula ang pisngi niya dahil matapos itong nagtanong ay hinalikan naman nito ang palad niya. Napapatingin tuloy sa kanila ang ilang pasyenteng naghihitay din. Mayroong nangingiti at kinikilig. Lalo tuloy siyang nahiya dahil wala itong pakundangan magpakita ng damdamin.

            “Mamaya na lang. Pero gusto kong kumain ng sinigang na hipon.” Nakangiting sagot niya. Laging may sabaw ang hinahanap niya. Gusto niya ang asim ng sinigang at oras na makatikim siya noon ay nawawala na ang suya na tila nasa dila niya.

            Ilang sandali pa ay tinawag na sila ng doktor at pumasok na sila sa loob. Agad siyang sinuri nito at kinuhanan ng mga test. Natutuwa siyang makitang attentive si Doms sa lahat ng sinasabi ng tita nito.

            “Alam na ba ito ng parents mo, iho?” nakangiting tanong ng doktora.

            Ngumiti si Doms. “Yes tita. They were excited about it too. Dadalhin ko si Ara pagkatapos naming puntahan ang parents niya sa Aurora,”

            “Naunahan mo pa ang kuya mo,” anito saka nakangiting pinagmasdan sila. “I am very happy to see you are happy with this lovely lady, iho…”

            Natatawang niyakap na lamang ni Doms ang doktora. Napahinga siya ng malalim at bigla siyang nakaramdam ng yabang para sa sarili. She fell in love with a very kind man. Nakikita niyang maging ang tiyahin ni Doms ay mahal na mahal din ito at ninais na maging masaya ito matapos ang lahat ng kabiguan nito.

            Niresetahan na siya nito ng mga vitamins at mahigpit ang bilin nitong uminom ng gatas.    “Yes tita. In fact, binilhan ko na siya ng malaki para hindi madaling maubos,”

            “That’s good, iho,”

            Pinisil nito ang kamay niya. Wala siyang masasabi sa pagaalaga nito. She can see that Doms would be a very good father. Ah, she was really proud of him.

            Ilang sandali pa ay natapos na silang magpa-checkup. Lumabas na sila. Gayunman, habang naglalakad sila ay hindi nakataas sa pandama niya na aligaga ito. Napakunot na lamang ang noo niya ng humigpit ang hawak nito sa kamay niya at bigla itong tumigil para harapin siya. Kabadong-kabado ang itsura.

            “May problema?” takang tanong niya rito.

            Huminga ito ng malalim. “We’ve been through a lot, right?”
            Tumango siya rito. Napahagod ito sa buhok at kabadong iginala ang paningin. Kinabahan na rin siya sa nakikitang reaksyon nito. “Bakit mo tinatanong? Kinakabahan naman—”

            “Let’s get married,”

            Natutop niya ang bibig ng lumuhod ito sa harapan niya at inilabas ang pulang kahita sa bulsa nito. Tumambad sa kanya ang isang eleganteng white gold engagement ring. Malaki ang bato noon. He was proposing in front of many people! Napahinto pa ang iba at nakarinig pa siya ng tilian.

            “I… I don’t know how to say this. Kumukuha ako ng tyempo dahil ayokong biglain ka. Ayaw kong isipin mo na kaya ako biglang nag-propose sa’yo ay dahil buntis ka. Believe me, I am dying to ask this… hindi ko na talaga matiis. Will you be legally mine, Araceli Del Prado?” kabadong tanong nito. Halos hindi na ito humihinga. Namumutla na ito!

            Tunaw na tunaw ang puso niya. Naluha siya. Halos sumabog na ang puso niya sa kaligayahan. Bagaman nakadama siya ng lungkot dahil hindi siya nito inalok ng kasal ay inintindi niya ito. Naghintay pa rin siya dahil alam niyang may plano ito. Ngayon ay nakaluhod ito sa kanyang harapan at hinihintay ang sagot niya. Hindi pa rin siya makahuma.

            “Ara… please?” he pleaded. Alam niyang hindi iyon dahil sa nakakatawag na sila ng pansin kundi dahil kinakabahan itong tumanggi siya.

            “Doms, I am very much willing to be rightfully and legally yours,” nakangiting sagot niya bagaman bumubukal ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Sobrang saya niya ng sandaling iyon.

            Doon ito nakahinga ng maluwag. Hindi pa ito tumayo bagkus ay isinuot muna nito ang singsing sa kanyang daliri at matagal na hinalikan ang palad niya. Lalong natunaw ang puso niya. How could she turn down this lovely man? Ah, hindi niya talaga magagawa iyon. Hindi sira ang ulo niya para tanggihan ito.

            “Finally… god… Finally, thank you,” anas nito at doon na ito tumayo saka siya hinalikan. Ubod ng tamis ang halik nito at halos malimot nila kung nasaan sila. Kundi pa nila narinig ang mga palakpakan sa paligid nila ay hindi pa sila nito matitigil.

            “Yes! We are getting married!”

            Natawang pinalo niya ito sa dibdib dahil isinigaw pa nito. He was so proud and happy. Napakurapkurap pa ito dahil sa pamamasa ng mga mata. Lalong natunaw ang puso niya. Ang sarap magmahal ng lalaking ito.

            “Ano ka ba?” natatawang awat niya rito.

            “I am just so happy, Ara. Thank you.” Anito saka siya masuyong hinalikan sa noo. “Thank you for everything. Wala na akong mahihiling pa, Ara.”

            Aw… ang sarap namang pakinggang kuntento na ito sa simpleng relasyon nila. At sa dadating na mga araw ay mabubuo na silang tuluyan. She was really glad about that.

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon