34. ENDURE

3.4K 144 5
                                    

            And he needed to endure Ara’s anger. Kumukuha siya ng buwelo para makapagpaliwanag. Pasasaan ba’t huhupa din ang galit nito’t kalamigan. Hindi siya magsasawang hintayin ang oras na matunaw ang lahat ng negatibong damdamin nito. Alam niyang napuno ito ng pagaalinlangan at nagalit ng husto.

            Sumakay na lamang siya sa sariling sasakyan. Gayunman, hindi pa rin niya magawang paganahin ang makina. Nakatanaw pa rin siya kina Domeng. Magkatapat ang sasakyan nila na naka-park at kitang-kita niya ang pagaasikaso ni Domeng kay Ara.

            His heart twinge in jealousy. Siya dapat ang nagaalaga kay Ara at hindi isang katukayo. Isa pang nakakapagpabagabag iyon sa kanya. Na baka dahil sa nangyari at sa pagkakalapit ni Ara sa kaibigan nito ay muling manumbalik ang damdamin nitong pinilit niyang palitan sa loob ng maigsing panahon.

            Napahinga siya ng malalim at sumunod na sa mga ito. Pagdating sa clinic ay hindi siya makaporma. Nakapagitan sa kanila ni Ara si Domeng. Kapag naguusap ang dalawa, ni hindi man lang lumilingon si Ara dito kaya hindi man lang niya makita ang mukha nito ng harapan. Mukhang maging iyon ay pinagkakait pa sa kanya.

            “Miss Del Prado? Pasok na po kayo,”

            Sabay-sabay silang tumayong tatlo. Hindi na niya napigilang maginit ang ulo. Para namang nakakaloko pa itong si Domeng. Alam nitong siya ang dapat na kasama ni Ara sa loob, mukhang gusto pang sumama.

            “Pare, baka p’wedeng ako naman ang sumama sa kanya sa loob? Alam mo naman kung bakit, hindi ba?” nagtitimping saad niya. Naasar na rin siya lalo na’t naalala niyang naabutan itong kaaway ang nobya nito sa apartment ni Ara. Alam nitong bawal ma-stress si Ara ay doon pa nagtalo ang mga ito. At nang pasabihan niya, ito pa ang mukhang galit. Mukhang sa oras na iyon ay nakahanap na rin ito ng lakas ng loob para ipakita ang inis nito sa kanya.

            Namula ang mukha ni Domeng hindi sa pagkapahiya kundi sa inis. “Ikaw ba ang gusto niyang makasama?” balik nito. Nagtiim ang bagang niya. Mukhang maging ang apog nito’y tumigas na rin.

            “Tama na. Please,” mahinang angil sa kanila ni Ara at napahinga siya ng malalim. Tinitigan niya ito sa mga mata.

            “Ara, sino ba ang gusto mong makasama?”

            Napatitig ito sa kanya. Tila sinakal siya ng hindi ito magsalita. Natawag na niya ang lahat ng santo para sa taimtim na panalangin ngunit nanlulumo siya ng hindi pa rin ito nagsalita at nilingon si Domeng. “Maiwan ka na dito, Domeng. Nangako ako kay Doms na isasama siya sa checkup,”
            Isang nakakaunawang ngiti ang ibinigay ni Domeng samantalang natulala na siya sa pagkabigla. Nang mulagatan siya ni Ara dahil nakatanga pa rin siya ay napakurapkurap siya.

            He won! God! He was so happy! He could almost cry! Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Gayunman, pinilit niyang pakalmahin ang sariling damdamin. Sumunod na siya kay Ara. Nagulat ang tiyahin niya ng makitang magkasama silang dalawa.

            “You are not stressing her, right?” diskumpiyadong tanong ng tita niya.

            Napapahiyang napakamot siya ng ulo. “No tita. I did everything you said. The only thing I couldn’t stop was not being there. She may not see me all the time but I was just outside. Hindi naman siguri masamang sumilay, tita…”

            Biglang napalingon si Ara sa kanya. Isang masuyong ngiti ang iginawad niya rito at inabot ang kamay nito saka pinisil. God… he missed the warmth of her palms. She missed Ara so damn much. Sana ay naipabatid niya sa haplos na iyon ang damdamin niya. Na kahit masulyapan lang ito sa malayo ay kuntento na siya.

            Sana ay madama nito na minamahal niya ito at kahit kailan ay hindi na niya maaaring alisin o tunawin iyon. Right there and then, he realized something. He loves her not only because of the prophecy or destiny… naging kasangkapan lamang ang mga iyon para makarating sila kung nasaan man sila ngayon. Sinusubok sila hanggang ngayon kung saan ang itatagal ng damdamin nila sa isa’t isa.

            Pero alam na niya kung gaano kalalim ang damdamin niya rito: na hindi siya mapapasuko ng kahit na anong unos. Magalit man ito ng maraming beses sa kanya at nandoon pa rin siya. That’s how he loves Ara. He would never give her up no matter what.

            Ineksamin na ito ng tiyahin niya. Ilang sandali pa ay nirefer ito sa isang doktor para gawan ng ultrasound. Bigla siyang sinalakay ng labis na antisipasyon. Mukhang maging si Ara ay ganoon din kaya ng nakahiga na ito ay wala sa sariling nahawakan nito ang kamay niya para kuhanan ng suporta. Naginit ang puso niya at pinisil iyon.

            “It’s a baby boy,” nakangiting saad ng doktora at habang pinaliliwanag ng doktora ang lahat ng nasa screen ay namasa ang mga mata niya. It was really amazing. He was watching their kid. Bunga iyon ng pagmamahalan nila ni Ara. He made an oath while watching his son.

            That he would love them whatever happens…

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon