“Sige, magsimba nga tayo sa Baclaran pagkatapos ng shift natin. Tutal, Linggo naman,” nakangiting ayon ni Domeng kay Ara. Napahinga siya ng maluwag. Sa wakas ay masosolo na niya si Domeng.
Day off ni Doms. Mabuti naman dahil napakasikip na ng station para sa kanila. Tamang-tama dahil day off naman niya kinabukasan. Nagkaroon siya ng dalawang araw na katahimikan dahil sa totoo lang ay nayayanig nito ang solidong desisyon niya.
Pero bago pa nito magawang magiba iyon ay nakahanap na siya ng paraan. Lagi siyang nakadikit kay Domeng. Sa tuwing sisila lamang ni Doms ay ipinakikita talaga niyang seryoso siya sa trabaho at abala. Kapag nakita naman nitong ganoon siya ay hindi na siya nito kinakausap lalo na kung hindi tungkol sa trabaho. Katunayan na propesyunal pa rin ito.
Nagtrabaho na sila. Naging ganoon ang siste hanggang sa umabot ang uwian. Hanggang alas tres lamang sila nito ng hapon at agad na silang nagsimba. Sa misa niya itinuon ang atensyon.
“Peace be with you,” ani Domeng sa kanya at gumanti rin siya rito. Napalingon siya sa likuran ngunit gayun na lamang ang pagkabigla niya ng makita niya si Doms!
Isang hanay ang nakaharang sa kanila at kasama nito ang parents nito. Mukhang ang lalaking may katandaan ay ama nito. Hawig na hawig kasi nito si Doms. Maging ang tindig at taas. Bigla siyang kinabahan.
“Nandito pala sina sir,” bulong ni Domeng at lumingon ito sa likuran. Mukhang sinensyasan ni Domeng ang mga ito samantalang natuturete siya.
Bakit ganoon? Dapat ay hindi siya nakakaramdam ng ganoon sa tuwing nasa paligid si Doms. Dapat ay normal lang siya. Pero sa nakakabiglang sandaling iyon ay agad siyang hindi na naman mapakali. Damang-dama niya ang pagmamasid nito at naguumapaw nitong presensya.
“Tara na?” untag ni Domeng sa kanya. Tumango siya at napahinga ng malalim. Hindi na tuloy niya napansing tapos na ang misa dahil kakaisip niya kay Doms.
Halos siksikan ng palabas na sila. Ilang beses pa siyang natulak at natapakan hanggang sa may isang kamay ang humila sa braso niya. Agad siyang naalarma ng madama ang mainit na kamay ni Doms. Agad niyang hinanap si Domeng na katabi lamang kanina ngunit wala na ito.
Pero bago pa siya makapagprotesta kay Doms ay agad na siya nitong nailagay sa harapan nito at maingat na prinotektahan para huwag siyang matapakan. Inalalayan siya nito at naging maagap ito sa mga makakabangga sa kanya hanggang sa nakalabas na sila.
Naalarma siya. She ended up being with Doms again instead of Domeng! Agad na hinagilap ng tingin niya si Domeng dahil bigla na lamang itong nawala.
“Ara, these are my parents, Mrs. Dominica Salvadore and Mr. Denvir Salvadore,” ani Dominic at agad siyang napapihit sa mga ito.
Napapahiyang ngumiti siya at agad na kinamayan ang mga ito. “Good afternoon, sir, ma’am,”
Ngumiti ang dalawang matanda sa kanya. “I recognize your face. Nurse ka rin sa Saint Matthew?” anang ina nito.
“Yes, ma’am. Actually, I’m with someone. Nurse rin ho siya doon,”
Napatango ang mga ito at nakakaunawang tumango. Marahil, dama din ng mga itong aligaga na siya. Aligaga sa pagkikita nilang muli ni Doms at pagkawala ni Domeng. Nang makakuha siya ng buwelo ay nagpaalam na siya sa mga ito.
“Samahan ko na siya,” paalam n Doms.
Nakakaunawang tumango ang tatay nito at gusto niyang mapaungol! Gayunman, inuna niyang hanapin si Domeng. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ilang sandali pa ay agad na nilang nilibot ang bakuran ng simbahan.
“Hindi mo ba siya napansin kanina?” Stressed na tanong niya.
“No. let’s try there,”
Agad na siyang tumalima para tumbukin ang parking lot. Naiinis na siya ng hindi pa rin makita si Domeng doon. Sinubukan niya itong tawagan ngunit un-attended ito. Nakaramdam siya ng panghihina at panlulumo. Alam niyang dahil iyon sa lalaking ito!
“Kundi mo ako hinila, hindi sana kami nagkawalaan ni Domeng,” naiinis na sisi niya kay Doms at napahagod sa ulo.
Agad itong napaharap at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. Nang makabawi ay nagtiim ang bagang nito. “Let’s not fight.”
Inirapan niya ito. Halatadong nagpipigil lang itong mainis base sa pamumula ng mukha nito. Iniwanan na lamang niya ito at hinanap pang muli si Domeng. Halos naikot na nila ang buong Baclaran. Pawis na pawis na siya. Ilang beses pa siyang sumubok ngunit talagang hindi na niya ma-contact si Domeng.
“Ihahatid na kita. Baka nauna nang—”
“Uuwi na ako pero magisa lang. Napipikon na ako sa’yo! P’wede ba? Tantanan mo na ako? Kahit saan ako magpunta, nandoon ka! Wala kang mahihita sa akin! Si Domeng ang gusto ko at hinding-hindi na mauulit pa ang nangyari sa Party of Destiny! Ilang beses kong sasabihing pagkakamali iyon?” biglang sabog niya rito. Taas baba ang dibdib niya sa inis at labis na frustration.
Hindi na umaayon ang kapalaran sa kanya dahil dito at naiiyak na siya sa inis. Bakit kapag kay Domeng, nauunsyami ang lahat at nauuwi siya sa lalaking ito?
Nagdilim ang mukha ni Doms. Saglit siyang kinabahan sa nakitang reaksyon nito. Halatadong nagalit ito ngunit nagpakatimpi na lamang. “Gusto kong linawin na hindi ko sinasadya na nandoon ka sa tuwing nandoon din ako,”
“D-doms,” pigil hiningang saad niya.
Lalong nagdilim ang mukha nito. “Iniisip mong dahil sa nangyari sa atin sa Batangas kaya ako lumalapit sa’yo?” nagtitimping tanong nito saka natawa ng bahaw. Napailing-iling pa ito. Halatadong nainsulto na niya ito ng husto. “Halika. Ihahatid na kita. Don’t you even dare say no this time. Mainit na rin ang ulo ko,”
Nang tumalikod ito ay napalunok siya. Nakaramdam siya ng bahagyang sundot ng konsensya. She realized her mistakes that moment. Pero hindi siya masisisi dahil na rin sa kung saan nauuwi ang lahat ng plano niya.
Para walang gulo ay sumunod na siya rito. Kahit halatadong galit na ito ay naging gentleman pa rin ito. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Pagkaupo nito sa driver’s seat ay natensyon na siya sa katahimikan. Marahil, hindi siya sanay na ganito katahimik si Doms. Sanay siyang nakangiti ito at hindi ganoon nagtitimpi para huwag sumabog. Dama niya iyon sa pagmamaneho nito.
Paghinto nila sa tapat ng apartment niya ay napaigtad pa siya ng bigla itong magsalita. Agad siyang napalingon dito.
“I said I’m sorry.” Malamig na saad nito saka siya nito tinitigan. Malamig din ang mga mata nito at napalunok siya. “Mali ka ng iniisip, Ara. Lumalapit ako dahil gusto ko. Aaminin ko, gusto kong mapalapit sa’yo kahit kaibigan lang pero nakakainsulto naman na pagisipan mo ako ng ganyan. Don’t worry. I would stay out of your way this time,” anito. Nandoon ang pait at hindi mailarawang kalamigan sa tono nito.
“D-domeng,” anas niya. Wala siyang maapuhap na sabihin dahil nakakabigla sa kanya ang sinabi nito. Damang-dama niya ang lungkot nito.
Hindi ito kumibo bagkus ay pinindot nito ang power lock ng sasakyan para makalabas siya. Biglang piniga ang puso niya ng hindi na siya nito lingunin. Bigla siyang napahiya sa inasal. Naging marahas siya at hindi niya ito masisisi kung nasaktan niya ito. Tao pa rin naman itong marunong magalit at masaktan. Gusto niyang ihingi ng paunmahin iyon pero naisip niya mas maiging maging ganoon na sila para lumayo na ito at makapag-focus siya kay Domeng.
Lumabas na siya sa sasakyan nito at agad na nitong pinasibad ang sasakyan. Bigla siyang nanghina at tila mayroong pumisil sa kanyang sikmura habang nakamasid sa daan. Ilang minuto ng wala ang sasakyan ni Doms pero nakatayo pa rin siya habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi nito.
Kinagabihan, hindi pa rin siya matahimik. Si Doms ang iniisip niya at ang galit nito. Nagdasal na lamang siya para kapwa na sila nito matahimik. Pagkatapos ay muli siyang napaungol dahil muli niyang naalala ang guwapong mukha ni Doms punung-puno ng hinanakit sa kanya.
BINABASA MO ANG
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)
RomanceSTATUS: COMPLETED 💞💞💞 Binalak na akitin ni Araceli ang kaibigang si Domeng dahil napagtanto ng dalaga na kung hindi siya kikilos ay hindi siya mapapansin ng binata. Isinagawa ni Araceli ang plano sa "Party of Destiny" na dadaluhan ni Domeng. And...