Napaigtad na lamang si Ara ng makarinig ng malakas na kulog at kidlat. May bagyo ng gabing iyon at nakapaghanda naman siya oras na mawalan ng kuryente. Kumpleto siya maging sa pagkain.
Gayunman, ang hindi niya napaghandaan ay ang hindi pagpapakita ni Doms. Tumatawag lamang ito at dama niya sa tono nito ang labis na lungkot. Hindi rin niya natatanaw ang sasakyan nito sa labas ng tinitirhan, dahilan para makadama siya ng sama ng loob dahil nakukuha siya nitong tikisin.
Hayun na nga ba ang sinasabi niya. Pinilit niyang huwag umasa pero hayun siya, sumasama ang loob dahil sa paglayo nito sa kanya. Dapat ay masaya siya pero hindi. Wala siyang makapang kakuntentuhan doon. Napabuntong hininga na lamang siya at pinagalitan ang sarili. Hindi na naman kasi nakinig ang puso niyang makulit at nasaktan na naman sa huli.
Napaigtad siya ng marinig ang pag-ring ng cellphone. Bigla siyang kinabahan at agad na hinagilap iyon. Pero nadismaya siya dahil si Domeng ang tumatawag. Lihim pa rin siyang umasa na sana ay si Doms iyon ngunit bigo siya. Nakadama siya ng kakaibang lungkot.
“Ara, okay ka lang ba d’yan? Hindi ako makakauwi, eh. Stranded ako dito sa ospital. Lubog na ang dadaanan ko kaya dito na lang ako sa ospital matutulog,” alalaang bungad ng kaibigan sa kanya. Nakabalik na ito sa trabaho dahil na rin sa suhestyon niya. Ayaw na rin niya itong obligahin pa sa kalagayan niya. Gayunman, matapos ng paguusap nila nito ay nanatili pa rin itong isang mabuting kaibigan sa kanya.
“Sige. Maayos naman ako dito. Huwag ka na ngang umuwi at baka kung mapaano ka pa sa daan,” aniya.
“Okay. Tawagan mo ako kung may problema, ha.” Bilin nito.
“Opo,”
Natawa ito sa kabilang linya. Napangiti na rin siya at lihim na nagpasalamat na sa kabila ng lahat ay hindi ito ng nagpakita ng masama sa kanya. Bagaman dama niya ang bahagyang pagiwas din nito, nauunawaan niya iyon. Alam niyang ginagawa lang nito iyon para makaiwas sa mararamdaman nito sa kanya.
Nagpaalam na siya rito at siniguradong naka-lock ang lahat. Wala siyang problema sa lokasyon ng inuupahan dahil mataas ang lugar na iyon. Kaya kampante siyang kumain ng hapunan at naglinis ng katawan. Gayunman, pagkahiga niya ay sinalakay na naman siya ng lungkot.
Nasaan kaya si Doms? Tuluyan na ba siya nitong iniwan at pinuntahan si Hannah? Sumuko na ba talaga ito sa kanya? Napahinga siya ng malalim at napakurapkurap. Namasa ang kanyang mga mata sa ideyang iyon. Doon niya napagtanto na masakit pa ring isipin na hindi siya ganoon kamahal ni Doms para sukuan na lang ng ganoon.
Malungkot niyang kinapa ang tabi at nang hindi siya makatiis, kinuha niya ang unan nito at umunan doon. Pakiramdam niya ay dibdib nito ang sinasandigan niya hanggang sa tuluyan na siyang naiyak sa sobrang lungkot.
Right there and there, she realized how she missed Doms. Pero ang saklap naman na hanggang doon na lamang ang lahat ng iyon para umasa pa siya…
“Ara!”
Napaigtad siya dahil sa narinig. Napabangon pa siya at pinakiramdaman ang lahat. Bumilis ang tibok ng puso niya sa pagaakalang narinig ang tinig ni Doms hanggang sa dismayadong napahiga na lamang siya. Alam niyang guni-guni lamang iyon. Kung si Domeng nga ay hindi nakauwi dahil sa baha, paano na lamang si Doms? Alangan namang magbangka ito?
BINABASA MO ANG
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)
RomanceSTATUS: COMPLETED 💞💞💞 Binalak na akitin ni Araceli ang kaibigang si Domeng dahil napagtanto ng dalaga na kung hindi siya kikilos ay hindi siya mapapansin ng binata. Isinagawa ni Araceli ang plano sa "Party of Destiny" na dadaluhan ni Domeng. And...