27. GOOD-BYE

3.2K 131 20
                                    

Pero nandoon na siya at kailangan niyang makita ang lahat. Matapos magbayad ay lumabas na siya. Huminga siya ng malalim ng nasa tapat na siya ng gate. Akmang kakatok na siya ngunit nakita niyang bahagya iyong nakaawang.

            Alam niyang mali ang pumasok sa isang compound ng walang pahintulot ngunit iisipin pa ba niya iyon? Nasa loob si Doms! Kailangan niyang magkaharap sila nito. Sinagad nito ang pasensya niya. Tinunaw nito ang gahiblang pag-asa niya kaya dapat lang na magkaharap na sila nito at magkaaminan.

            Lakas loob niyang itinulak iyon at pumasok. Kinatok niya ang saradong pinto. Halos manakit na ang kanyang kamay dahil ilang minuto din siyang kumakatok pero hindi siya sumuko. Nagpatuloy lamang siya sa ginagawa.

            “Ano ba! Natutulog—”

            “Nasaan si Doms!” singhal niya kay Hannah. Taas-baba ang kanyang dibdib sa sobrang pagngingitngit. Parang piniga ang puso niya sa nakikitang itsura nito. Halatadong bagong gising lamang ito at naka-roba lamang. Hula niya’y wala itong suot sa loob noon!

            Nanikip ang dibdib niya sa galit na sumiklab sa puso niya. Putlang-putla ang babae. Halatadong nabigla itong nandoon siya.

            Sinamantala niya iyon at mabilis siyang pumasok. Halos walang lamang gamit ang bahay. Mukhang nire-renovate pa iyon. Nang magawi ang tingin niya sa bandang hapag ng bahay ay nagtiim ang bagang niya. Panay bote ng alak ang mga iyon!

            “Tatawagin mo si Doms o ako ang hahalughog sa bahay mo?” nagtitimping tanong niya.

            Doon tumigas ang mukha ng babae. Nawala ang mabait na awra nito. Napalitan iyon ng pagiging palaban. Lumabas ang angking kamalditahan nito at ngumisi.

            “Eh, ‘di hanapin mo.” Anito saka mayabang na humalukipkip. “Nakikita mo ang mga alak? Nagpakalasing siya dahil ikakasal na kayo. Ikakasal siya sa babaeng hindi naman talaga niya minahal. Pasalamat ka’t buntis ka kaya hindi ka niya magawang iwan. Pero iyon lang iyon! Buntis ka lang!” singhal nito sa kanya.
            Halos magdilim na ang paningin niya rito. Gusto niya itong saktan ng pisikal pero naisip niya, hindi siya tutulad dito. Hindi siya masamang taong tulad nito!

            Isang masamang tingin ang iginawad niya rito at siya mismo ang naghanap kay Doms. Natagpuan niya ito sa isang silid at kumot lamang ang nakatakip sa katawan nito. Nagkalat ang mga damit sa sahig at mayroon ding mga ilang bote ng alak.

            Wasak na wasak ang puso niya. Iyon ang itsura ni Doms sa araw ng kasal nila. Wasted! Galit na ginising niya ito. Gusto na niya itong sabunutan dahil matagal bago pa ito magising. Mukhang groggy pa ito at nang mamukhaan siya nito’y nanlaki ang mga mata nito at napabangon. Nang makitang naka-brief ito ay lalo siyang nanlumo at nadismaya.

            “Ara—”

            Isang malakas na sampal ang iginawad niya rito. Nabigla ito sa ginawa niya pero hindi siya tumigil. Lahat ng nakita niya at lahat ng kinimkim niyang sama ng loob ay sumabog ng oras na iyon. Lahat ng mahawakan ng kamay niya ay inihambalos niya rito hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sariling umiiyak ng pakalakas-lakas!

            “Stop it, please. Listen to me, Ara!”
            “Ano ang pakikinggan ko? Na matagal mo na akong niloloko? Na hindi mo masabing hindi mo kayang magpakasal sa akin? Matagal ko na itong alam! Alam kong niloloko mo lang ako pero pinili pa rin kitang pakasalan!” singhal niya rito at napahagulgol sa palad.

            “Ara, makinig ka! Hindi kita niloloko! I think she drugged me! Please, listen to me. This is our wedding day! And not attending to our wedding day is the last thing I would do! Please believe me!” desperadong paliwanag nito.

            Pulang-pula na ang mga mata nito at halatado ang labis ang panlulumo, sakit at pait. Gayunman, alam niyang hindi totoo ang lahat ng iyon. Alam na niya ang lahat noon pa man pero pinili niyang lunukin iyon. Pero sa pagkakataong ito, pinipili na niyang tanggapin ang lahat kaysa ang magmukha pang tanga!

            “Tapos na ang wedding day, Doms! Tapos na at wala ka! Tapos na rin tayo!” singhal niya rito.

            Pinilit siya nitong yakapin pero pumiglas siya. Nagwala na siya sa sobrang galit. “I hate you! Hinding-hindi na ako magtitiwala sa’yo! Ah—!”

            Napaiyak pa siya ng lalong tumigas ang tiyan niya. Bigla siyang naalarma! Nang mayroon siyang nadamang likido sa pagitan ng mga hita ay nanigas siya. Nilamon ng matinding takot ang puso niya. Nang mapagtantong dugo ang umaagos sa pagitan ng mga hita niya’y nanlamig siya.

            “Shit!” tureteng saad ni Doms. Agad itong nagbihis saka siya binuhat. Hindi na niya nakuha pang makapagprotesta dahil sa takot na nadarama. Kailangan niyang makarating sa ospital. Maga-anim na buwan pa lang ang baby nila at hindi siya maaaring manganak ng ganoon kaaga. Agad silang sinalubong ni Hannah at lalong tumigas ang tyan niya sa nakitang pagaalala nito kuno. Napakagaling magbalat kayo ng babaeng ito!

            Gayunman ay hindi ito pinansin ni Doms. Agad siya nitong isinakay sa sasakyan. Sa daan ay pinilit siya nitong pinapakalma ngunit lalo lamang iyong nakadagdag sa stress niya. Muli niya itong sinigawan. Ayaw niyang mahawakan siya nito dahil nanggagalaiti pa rin siya rito.

            Pagdating sa ospital ay ganoon pa rin ang siste kaya hindi na ito pinalapit pa sa kanya. Agad siyang nilapatan ng lunas. Kinuhanan siya ng mga tests at nakahinga siya ng maluwag dahil sa huli’y nai-save ang bata. Gayunman ay kailangan niyang ma-admit para makasiguro ang mga ito. Isa sa mga staff ng ospital ang tumawag sa mga magulang niya at matapos siyang i-room in ay dumating na ang mga ito.

            “H-hindi na ho matutuloy ang kasal, ‘Nay. I’m sorry po…” nahihiyang saad niya habang lumuluha. Naninikip pa rin ang dibdib niya ng sandaling iyon. Alam niyang nadismaya ang mga ito pero pinili na lamang manahimik.

            Agad siyang kinalma ng mga ito. “Anak, mas maiging magpahinga ka na muna. Huwag kang magisip muna, ha.”

            “Pinaalis ko na ang lalaking iyon. Nagpipilit pumasok! Mabuti na lamang at si Don ang naghatid sa amin dito. Nakatikim ng sapak sa kuya niya dahil sa ginawa niya.” inis at dismayadong saad ng ama niya.

            Lalong bumigat ang dibdib niya. She knew Doms deserved that. Nakipag-affair ba naman ito sa asawa ng kuya nito? Mabuti’t iyon lang ang inabot nito!

            Lalong umigting ang galit at sama ng loob niya kay Doms. Dahil doon, sumumpa siyang kahit kailan ay hindi na nito magagawa pang lumapit sa kanya. Poprotektahan na niya ang sarili mula rito.

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon