23. UPSET DOMENG

3.1K 111 3
                                    

“Huwag mong kalimutang tawagin si Romina sa kasal ko, ha.” Nakangiting paalala ni Ara kay Domeng. Tahimik lamang itong tumango at napahinga ng malalim. Napabuntong hininga rin siya. Nitong huling araw ay hindi na sila nito nagkakausap ng matagal. Abala kasi siya sa pagbubuntis at sa kasal nila ni Doms.

            “May problema ka ba?” untag niya rito. Dama niya sa pananahimik nitong mayroon at kahit papaano’y gusto niyang makatulong dito.

            Napatitig ito sa kanya. “Hindi ka ba naiilang sa kanila?”

            Napatingin siya sa tinutukoy nito at napalunok. Kapwa naglalakad sina Hannah at Doms papunta sa station nila. Masyang nagkukwentuhan ang mga ito. Hindi lang minsan niyang nakita ang tagpong iyon at hangga’t maaari ay pinipigilan niyang magisip ng hindi maganda. Alam niyang kaya lamang ginagawa ni Doms iyon ay dahil namatayan ang babae.

            Ngumiti na lamang siya kay Domeng upang ipakita ritong hindi siya apektado. “May tiwala ako kay Doms,”

            Tinitigan siya nito. “Alam mo ba kung sino si Hannah sa buhay ni Doms? Ara… matagal ko ng gustong sabihin ito sa’yo pero—”

            “Domeng,” awat niya rito at tinitigan din ito sa mga mata. “Alam ko at nagtiwala ako sa sinabi ni Doms na matagal na silang tapos. Huwag mong bigyan ng ibang meaning ang nakikita mo,”

            Nanahimik na ito. Pinilit na rin niyang ituon ang atensyon sa trabaho pero distracted na siya. Hindi niya mapigilang pagmasdan ang dalawa at tuluyang nagkukot ang kanyang kalooban ng makita si Doms na pasimpleng sinulyapan si Hannah habang may tinitingnan sa folder. Report nila iyon ng buong shift na kailangan nitong ipakita din sa Chief Nurse nila. Nandoon ang lungkot sa mga mata nito.

            Nagiwas siya ng tingin at pinilit na kumbinsihin ang sariling awa lang iyon. Na walang malalim iyong kahulugan. Nangako si Doms sa kanya. Iyon ang dapat niyang panghawakan. Kilala niya si Doms na hindi bumabali ng pangako.

            Pinilit niyang itinuon ang sarili sa trabaho. Si Domeng ay hinayaan na lamang siya at hindi na rin siya muling nilapitan pa. Nang sumapit ang uwian ay nilapitan niya si Doms ngunit agad siyang naunahan ni Hannah. Kasama na nito ang ina ni Doms.

            “Let’s have dinner together with mom,” nakangiting saad nito kay Doms.

            Doon na siya tuluyang nakadama ng inis sa babae. Ni hindi man lang siya nito isama sa planong dinner ng mga ito. Alam nitong nasa paligid lamang siya.

            “Of course. I’ll tell Ara. Tawagan mo na rin sina dad at kuya.” Nakangiting sagot ni Doms at agad siya nitong nilingon. Nang magtama ang mga mata nila ay lumuwang ang ngiti nito at agad siyang nilapitan. Kinuha nito ang bag niya at hinakawan ang kanyang kamay.

            Kahit papaano’y nakampante siya sa ginawi nito at nakuha ng makangiti kahit papaano. “We’ll eat dinner with the whole family, okay?”

            “Okay,” aniya saka ngumiting muli rito.

            Sabay-sabay na sila nitong lumabas. Tahimik lamang siya buong biyahe. Doon na sila nagkita-kitang lahat sa resto. Nagsalo sila sa isang masaganang hapunan.

            “It’s your favorite, right?” nakangiting tanong ni Hannah kay Doms habang ipinapasa ang apritada dito.

            Nagngitngit na siyang tuluyan ng ngumiti naman si Doms at tinanggap iyon. Pakiramdam niya ay hindi lang apritada ang tinanggap nito mula kay Hannah. Hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding paninibugho at sakit.

            Hindi na tuloy siya makakain. Maging ang kuya ni Doms ay ganoon din. Salamat at hindi na ito dumagdag pa sa alalahanin niya ng oras na iyon ngunit halatadong napipika na ito. Namumula na ang mukha rin nito sa inis.

            “Hindi mo gusto ang pagkain?” untag ni Doms ng mapansin nitong hindi na niya magawa pang galawin ang pagkain.

            Umiling siya. “Masama ang pakiramdam ko,”

            Agad siya nitong sinuri. Kung maaari lang ay hawiin niya ang kamay nito sa umbok niyang tiyan ay ginawa na niya. Namasa ang mga mata niya dahil sa sama ng loob ngunit nagpakapigil siya. “Gusto ko ng umuwi,”

            Agad itong napatango saka nagpaalam. Agad namang tumango ang mga magulang nito at binilinan siyang magpahinga agad.

            Sa daan ay tahimik lamang siya. Naglalaro sa isip niya ang mga nakita. Ang mga pagkakataong magkasama sina Doms at Hannah. Ni hindi niya napigilang isipin kung anong klaseng relasyon ang mga ito noon. Kung sweet din ba si Doms kay Hannah noon o ano?

            Gusto na niyang maiyak pero pinigilan niya ang sarili. Alam niyang nagiging unreasonable na siya dahil tapos na ang lahat pero hindi niya mapigilan ang sariling isipin iyon. Hannah was his ex at hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaibang takot na baka magbalik ang damdamin ni Doms dito.

            “Kanina ka pa tahimik.” Untag ni Doms sa kanya nang kapwa na sila nito nasa loob ng silid. Nagpapahinga na sila nito. Wala ang pamilyar na lambingan nila at tila nagpapakiramdaman lamang.

            “Napagod lang siguro ako,” simpleng saad lamang niya at napahinga ng malalim.  

            Niyakap siya nito at matagal na hinalikan sa ulo. “Mag-file ka muna ng leave. Baka makasama sa pagbubuntis mo ang masyadong pagta-trabaho. I’ll arrange that, okay? Malapit na rin ang kasal natin. Tutal, plano mo na ring mag-leave next week, gawin na nating mas maaga para makapagpahinga ka pa,”

            Tumango na lamang siya rito at yumakap sa baywang nito. Napahinga siya ng malalim dahil kahit yakap siya nito’y hindi pa rin siya makadama ng kapanatagan. Nagdasal siya. Sana ay mawala na ang ganoong klaseng damdamin sa puso niya. Hindi iyon magaan sa dibdib at pangit. Muli siyang napahinga ng malalim.

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon