0.1

811 35 3
                                    

"josephine tahan na." hinahagod hagod ni josh ang likod ng kapatid habang ito ay patuloy pa rin sa paghagulgol.

"josh naman kasi... bakit sa akin pa? ang dami ko pang pangarap sa buhay tapos ganito?!"

"wala pa naman sinabi ang doctor na mamatay ka na e!"

"kahit na! malay mo dun din papunta yun."

umirap si josh sa kakambal niya. "napakang nega mo. umisa ka pa sinasabi ko sayo ako tatapos ng buhay mo"

lalo naman humagulgol ang babae. "waaaah ang sama sama mo talaga! kaya mas love ako ni mama e."

babatukan na sana ni josh ang kakambal nang dumating ang kanilang mama.

"josephine anak wag ka na magpaka-lungkot dyan. hindi pa malala sakit mo, there's still a way for it to heal kaso..."

"kaso ano po ma?" kinakabahang tanong ng dalaga.

"we need to go abroad for your medication."

"ha?! bakit naman dun pa ma? ang dami ko maiiwan dito."

"kung gusto mo gumaling agad dyan we have no choice. mas magagaling doctor dun josephine and advance dun."

"ma kasi..."

ang totoo nyan ayaw lang ni josephine na sabihin ito sa kaibigan niya. for sure malulungkot yun e. also ilang remaining months na lang para matapos ang school year na to. pag nagpunta siya abroad edi mahihinto siya, maiiwanan siya ng mga kabatch niya.

pero kung ito ang makakabuti sa kanya ano magagawa niya? kung pwede lang may pumalit muna sa pwesto niya.

with that thought biglang nakaisip si josephine ng plano. hindi niya alam kung gagana to pero papaganahin niya syempre.

tumingin siya sa kakambal niya na kanina pa nakangisi sa narinig na balitang maga-abroad si josephine at ang mama niya.

syempre balak niya magpa-iwan at dahil mag-isa siya magagawa niya ano mang naisin niya.

"josh pwede huminging favor?"

pretendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon