josh
potek ano raw?!!!??
"ken ano ba yang sinasabi mo?"
"nagtatanong lang e. may napapansin din kasi ako."
"ano?"
tumingin siya sa harap niya. "you blushed whenever he's around. basta iba kilos mo pag nasa paligid siya. kahapon ko pa yun napapansin."
waleya! ako nagblush? potek self nigagawamue. nakakabakla amp.
"ano ka ba naman ken haha... ah e kasi ano aaaa uhm... wala lang haha masama ba na ganun ako e kasi nahihiya ako sa kanya e."
nabalot naman ng pagtataka mukha niya.
"nahihiya? bakit ka naman mahihiya kay justin? ilang taon na tayong magkakaibigan at kayo nga pinakang close e. ngayon ka pa nahiya?"
ano ba naman yan! mali mali mga sagot ko nakakainis. baka isipin nga netong ken na to may gusto ako, si josephine, kay justin.
e sa tingin ko naman walang gusto si josephine dun e. potek magkakagulo pa.
"ken ano basta. wala akong gusto sa kanya."
"sure ka?" tumingin siya sakin. "josephine wala namang masamang magkagusto sa kanya. ang akin lang masasaktan ka dahil alam mo naman na si justin at ayaw kong masaktan ka."
i appreciate na nag-aalala siya sa kapatid ko. pero parang may iba e.
bakit dun sa part na sinasabi niyang ayos lang magkagusto si josephine kay justin e parang labag sa loob niya? para siyang nasasaktan.
ay nako hindi ko na dapat pinoproblema pati yun! dami ko na nga isipin magdadagdag pa ako.
i smiled at him reassuringly. "don't worry about me ken. i don't like justin okay?"
"but explain mo yung mga nakikita ko."
makulit rin to e.
"it's complicated."
pagkasabi ko nun sabay ring ng bell, means oras na para bumalik sa classroom.
saved by the bell!
BINABASA MO ANG
pretending
Randomwhere josh pretends to be his twin sister. every thing was cool for him, well except for wearing girl clothes and acting like one, until he discovers something about his sister's bestfriend which is Justin. what could it be?