2.3

323 22 11
                                    

josh

"woy since Friday naman ngayon, tara sleep over." excited na sabi ni stell habang naglalakad sila palabas ng school.

"saan naman?" tanong ni justin.

kinabahan naman ako. mahihirapan ako neto. paano kung may mangyaring hindi maganda at mabuko ako?

"kayna josephine naman aba! oy gusto rin yun ni justin palibhasa nandun jowa."

natawa naman kami sa pang-aasar ni stell pero yung akin pilit.

paano ako lulusot ngayon? wala akong back up.

"ah sige sa amin na lang. pero woy justin wala dun si josh ngayon."

"oh bakit?" nakangising tanong ni ken na parang nangaasar.

nakakainis. maling desisyon ata pag amin ko sa kanya ng totoo e.

"sila naman ni mama ang bibisita kayna lolo at lola. hindi niya nasabi sayo justin?"

"hindi e."

nagsinungaling na naman ako sa kanya.

"osige na. tara uwi na tayo para kumuha ng gamit. josephine punta kami sa inyo ng ala singko." sabi ni sejun.

"ah sige! bye guys!" nagkanya-kanya na kami ng direksyon pauwi.








ala singko na at inaantay ko na lang sila. buti na lang may naiwan pang mga damit si josephine rito kundi malalagot ako.

karamihan ang iikli buti na lang nausuhan to ng oversize, syempre pag fitted mahalata na wala akong ano...

tapos sa shorts sinuot ko na lang yung basketball short ko. naiilaliman naman ng oversize tshirt e.

may nag doorbell na at pagkabukas ko ng pinto ay andito na nga sila.

una naming ginawa ay nagluto ng hapunan. actually kami lang ni stell dahil nanood lang ng movie yung tatlo.

"buti naman natuto ka na magluto josephine." sabi ni stell sa tabi ko.

"ah oo nga e."

nakalimutan ko kasing di nga pala kabati ng kusina yung kakambal ko e huli na nagprisinta ako tumulong magluto e.

naasar pa nga nila ako, nakiasar si ken. buti naman hindi niya ako masyado ginugulo ngayon.

dapat lang maisip niyang para sa kapatid ko to. may nararamdaman siya para kay josephine diba?

nagsimula lang naman yan mainis sa ginagawa ko nang maging kami ni justin. siguro prinoprotektahan lang din kaibigan niya.

nang mag alas siete na ay nagsimula na kami kumain.

"justin okay ka lang?" tanong ni sejun.

napansin ko nga ring tahimik ang baby ko.

"ah wala, okay lang. nagtataka lang ako bakit hanggang ngayon wala pang reply si josh sa messages ko. sabi niya rin tatawag siya ng 6:30 pero wala naman." halata sa boses niya ang lungkot.

shit naging busy kasi ako pagluluto e nawala sa isip ko.

"woy josephine baka naman mamaya hindi pala lolo at lola mo pinupuntahan nung kakambal mo, baka babae na niya." nakangising asar ni ken.

bwisit to. bakit hindi na lang siya nailagay ko sa adobong manok na kinakain namin ngayon?!?!

"mangbababae kasama si mama? abnormal you?" inis na sabi ko.

"ano ka ba naman ken. may tiwala ako kay josh."

kilig naman ako dun.

"ah teka lang may tingnan lang ako sa taas." paalam ko at madalian tumaas.

nagkulong ako sa kwarto ko atsaka tinawagan si justin. sinagot naman niya agad.

"josh!" masiglang bati niya.

"hey baby." malambing kong saad. "sorry na late ha. nalibang pakikipag kwentuhan kay lolo."

ito na naman ako, nagsisinungaling.

"ano ka ba naman okay lang. andito kami sa inyo ngayon, sleepover."

"sinabi nga samin ni josephine. sayang wala ako dyan gusto pa naman kita makasama. i miss you."

he giggled. "i miss you too josh. ang asukal mo ngayon a."

"aba kailan ba ako hindi sweet sayo?"

"ewan sayo! puros ka kaya pang aasar." nai-imagine ko na umiirap na siya ngayon.

i chuckled. "sorry about that. alam mo namang ganun ang lambing ko."

"it's okay josh, i love it. oh sige na tinatawag na ako ni stell, kumakain kasi kami umalis lang ako dun para sagutin tawag mo."

"sige love. eatwell, iloveyou."

"iloveyoutoo."

at in-end na niya ang call.

tumingin ako sa salamin at kita rito ang lapad ng ngiti ko.

bago bumaba ay nag-ayos pa ako ng mukha. nahuhulas ang ayos ko baka mabuko haha.

matapos mag-ayos ay madalian na ako bumaba. baka magtaka na mga yun napapatagal ako.

"woy guys tapos na kayo? sorry napata--"

natigilan ako nang makita ko si josephine at mama na kapapasok lang ng bahay.

hindi lang ako ang nakakita, pati sila.

pretendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon