josh
hindi ko magawang tumingin kay justin.
natatakot ako sa makikita ko.
pero kahit na kinakabahan ako ay tiningnan ko pa rin siya.
palipat lipat ang tingin niya sakin at sa tunay na josephine.
si stell at sejun halata rin ang gulat sa mukha nila pero mukhang napagtutugma tugma na nila.
si ken tahimik pero halatang kinakabahan din.
"josh anak bakit ka nakaganyan? ano ba yang ayos mo? crossdresser ka na anak?" si mama ang sumira ng katahimikan.
"ah hindi ma... ano lang..."
"oh andyan pala mga kaibigan mo josephine? nalaman niyo bang ngayon ang uwi ni josephine galing ibang bansa? sweet niyo talaga sinalubong niyo pa. miss niyo ano?"
"ah opo. miss na miss po namin e." stell awkwardly said.
"buti nga mas napabilis pagpapagamot neto e."
eto na talaga. labas na katotohanan. wala na akong lusot.
"ah tita uwi na po ako. hinahanap na ako ni mama." sabi ni justin na mas nagpakaba sakin.
pilit niyang pinagmumukhang okay lang siya kahit hindi.
"sige justin. let me excuse myself boys muna ha. akyat lang ako." at iniwan na kami ni mama.
"justin teka--" pero hindi siya nakinig sakin.
madalian siyang lumabas.
tangina.
galit siya?
no.
hindi siya galit.
nasaktan ko siya putangina.
madalian ko siyang hinabol. walang trycicle na dumadaan dito sa subdivision namin ng ganitong oras kaya panigurado naglakad pa siya palabas, hindi pa siya nakakalayo.
habang nananakbo ay may naramdaman akong pumatak sa katawan ko.
napamura na lang ako nang ma-realize kong umuulan.
nakadating na ako sa gate ng subdivision pero wala na siya.
tangina josh tingnan mo ginawa mo. hindi ka man lang nakapag paliwanag.
ayaw ko pang umuwi at makita nila akong ganito kaya pumunta muna ako sa children's park ng subdivision kahit umuulan.
pagdating ko dun ay may nakita akong nakaupo sa swing habang nakatungo.
teka.. si justin yun a.
"justin" tawag ko sa kanya.
tumunghay naman siya. basang basa na siya tulad ko at ang masakit pa umiiyak siya. umiiyak siya dahil sakin.
"love i'm sorry." akmang lalapit ako sa kanya pero tumayo siya at pinigilan ako.
"josh don't. wag kang lalapit sakin."
"let me explain myself justin."
"ano pang kailangan mo i-explain? hindi na kailangan. malinaw na agad sakin na niloko mo lang ako."
"hindu kita niloko."
"e anong tawag mo dun sa ginawa mo?" nagtaas na siya ng boses. "gaano katagal ka nang nagpapanggap na ikaw si josephine ha?"
"mga ilang buwan na rin." mahina kong sabi pero sapat para marinig niya.
"so nung mga panahong kinikilig ako sayo alam mo pala? kasi naikwento ko sa akala kong josephine? tangina nakakahiya." he said in disbelief. "malinaw na sakin. pinagtitripan mo ako ano? kasi nalaman mong gustong gusto kita naisipan mong paikutin ako! kaya mo ako jinowa! para paglaruan ako diba? ganun ba ha josh?!"
"hindi! kahit minsan hindi ko naisip yan. totoong mahal kita justin. magtiwala ka sakin"
he laugh sarcastically. "tiwala? matapos ko malaman kung anong ginagawa mong panloloko gusto mo pa rin ako magtiwala sayo? anong akala mo sakin tanga?"
"justin naman..."
"tigilan mo na ako josh. walang magandang patutunguhan ang relasyong na sa simula pa lang puros na kasinungalingan."
at tuluyan na siyang umalis.
BINABASA MO ANG
pretending
Randomwhere josh pretends to be his twin sister. every thing was cool for him, well except for wearing girl clothes and acting like one, until he discovers something about his sister's bestfriend which is Justin. what could it be?