ken
ngayon niya sabihin sakin na wala nga siyang gusto kay justin!
ganyan ba walang gusto kay justin? titig na titig tapos parang maghuhugis puso na mga mata.
"hoy felip jhon kalma lang." nagulat ako nang bumulong si stell.
aba lagi na lang a!
"hindi na ako magugulat pag mamaya tunaw na si josephine at justin. paano kasi si josephine kung makatitig kay justin o tapos ikaw..." nginisian ako ni sejun. "kay josephine."
inirapan ko lang yung dalawa. hindi na ako nag-alala na baka marinig ni josephine dahil mukhang di naman posible.
may sariling mundo na yung dalawa e.
"nahahalata ko na si josephine ha. hindi kaya may gusto na yan kay justin?" stell.
"hindi yan. alam nating lahat na hindi straight yang si justin." sejun.
"malay mo hindi na napigilan ni josephine? hindi naman diba mapipigilan pag mahuhulog ka na." stell.
"woy ang lakas ng boses mo baka marinig tayo nung manok. pag tinamaan pa naman ng selos yun naku." sejun.
at sabay pa sila tumingin sakin.
ts bulungan pa e rinig ko naman.
ano ba naman yan josephine! mas lumakas kutob ko na may gusto na nga yan kay justin.
e hindi na lang ako nakakapansin e!
tumayo ako at pumunta sa tabi ni josephine.
"josephine mag-usap nga tayo."
"ha? o edi maupo ka dyan sa tabi ko."
"in private." hinila ko na siya patayo at palabas ng canteen para hindi na makaangal.
BINABASA MO ANG
pretending
Randomwhere josh pretends to be his twin sister. every thing was cool for him, well except for wearing girl clothes and acting like one, until he discovers something about his sister's bestfriend which is Justin. what could it be?