1.8

328 32 1
                                    

josh

ano ba na namang kailangan ng ken na to?!

"oh? anong sasabihin mo sakin at kailangan private pa?" e dinala niya ako rito sa hallway na walang mga students e.

"akala ko ba wala kang gusto kay justin?"

nagulat ako sa sinabi niya. naku hindi nila pwedeng isiping may gusto si josephine kay justin dahil ako ang may gusto dun.

baka magkalintek-lintek lang lahat lalo.

"wala naman talaga e."

"e ano yung nakikita ko? yung nakikita namin! bakit ba tinatanggi mo pa?! e halata naman na e!" naninigaw na siya.

"woy wag mo nga ako masigaw-sigawan dyan! ano ba problema mo ha? e wala nga akong gusto kay justin!" nagtaas na rin ako ng boses.

"sige ipaliwanag mo sa akin lahat ng nakikita ko."

"e bakit ko naman gagawin yun?"

"i need confirmation or else mamamatay na ako sa selos!"

shit. nakakakilig to kung kay josephine siya aamin e kaso hindi pwede! ako ang nandito hindi si josephine.

hindi naman siguro masama kung may isang nakakaalam di ba?

"okay aamin ako! walang gusto si josephine kay justin!"

he looked at me confuse. "did you just refer yourself in third person?"

"hindi dahil hindi naman ako si josephine."

he rolled his eyes. "woy babae nababaliw ka na ba? tinatakasan mo lang tanong ko e."

it was time for me to rolled my eyes. "hindi ako nababaliw. hindi ako si josephine dahil si josh ako." at tinaggal ko ang wig na suot ko.

kita ko ang sobrang gulat niya. halatang naguguluhan.

"okay let me explain. ang tunay na josephine nasa ibang bansa ngayon nagpapagamot sa sakit niya and--"

"MAY SAKIT SI JOSEPHINE?" bwisit nakakagulat. bigla biglang sasabat.

"kasasabi ko nga lang diba? makinig ka muna okay?" nakaka-stress to ha. "siya ang may gusto na magpanggap ako bilang siya. she was a good convincer so pumayag naman ako. ayaw niya kasing malaman niyo."

"bakit naman? baliw talaga yun! sasabihin ko to dun sa tatlo!" akmang lalakad na siya pero hinarang ko siya.

lintek na yan ang tangkad neto.

"ken please wag. itago mo naman to bilang sikreto o. para kay josephine."

at ayaw kong malaman ni justin na umamin siya sa mismong josh na nagugustuhan niya. ayaw kong may masama siyang isipin. baka magalit yun o iwasan ako hindi pa nga kami nagsisimula.

"pero niloloko lang natin yung iba."

"pansamantala lang naman. sandali na lang babalik na si josephine. sige na ken gawin natin to para kay josephine."

napaisip siya saglit. please pumayag ka.

"sige na nga."

"yes!" buti naman. "wag ka mag-alala. pag nagawa natin to ng ayos ilalakad na kita sa kapatid ko."

mukhang nabigla na naman siya sa sinabi ko. ilang beses ba to mabibigla?

"a hala haha ano kaya tong si josh! wala naman akong... wala akong gusto kay ano haha."

nginisian ko siya. "wag ako ang lokohin mo halata ka. hindi ka magaling magtago pre."

ngumisi rin siya "ikaw din halata."

luh anong sinasabi neto?

"hindi naman nabanggit ni josephine samin na nagkakagusto ka rin sa lalaki." lahat ng dugo ko ata napunta sa mukha ko.

"kung makatitig kanina e. natrigerred pati ako sa selos e hindi naman pala ikaw si josephine. josh, masyadong halatang may gusto ka kay justin ha."

pretendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon