2.1

327 27 10
                                    

josh

lunch na at syempre sulit kaya pagsilay ko sa jowa ko ngayon kahit hindi niya alam na ako pala kasama niya.

pakiramdam ko talaga kailangan ko sabihin sa kanya. ayaw ko nga diba magsinungaling sa kanya?

pero ano pa silbi netong pagpapanggap ko kung sasabihin ko sa kanya?

kaya nga ako nag ganito para di malaman nilang mga kaibigan ng kapatid ko. okay ng si ken lang nakakaalam.

"guys may babalita ako sa inyo." nagsalita si justin kaya sa kanya napunta atensyon ko.

ibabalita na niyang kami na. oo alam ko dahil tinanong niya ako kung okay lang ipaalam sa iba. syempre oo, gusto ko proud kami parehas.

"ano yun?" tanong ni sejun.

"iiihh nahihiya ako"

aba kinakahiya ba ako neto? joke. alam ko naman ibig sabihin niya sa nahihiya siya.

"naka sa amin ka pa talaga nahiya." umirap pa si stell.

"spill it justin." ken.

"oh sige." ngumiti siya. "boyfriend ko na si josh!" tuwang-tuwa niyang sabi.

"ha?! sinong josh?" tanong ni stell.

"edi yung kakambal ko." sagot ko. shet napasabat pa ako.

"alam mo na?" nagulat na tanong ni justin.

"ah oo naman ano. nasabi sakin ni josh pag-uwi pa lang niya dun sa date niyo. hindi ko pa lang sinasabing alam ko na, inaantay kita."

pero hindi pa talaga alam ni josephine. hindi ko alam paano sasabihin.

"naks naman justin! hindi ko nga alam na may gusto ka dun." pang aasar ni sejun.

"hala halata kaya. hindi mo ba napapansina na sa tuwing pupuntahan natin si josephine sa kanila e ang laging hanap ay si josh? tapos pag nakita na nanahimik to." sabi naman ni stell.

hindi ko alam yun a.

"hindi ko naramdaman e." sejun.

"manhid ka kasi. napakang clueless mo nga noon na may gusto ako sayo." at hayun umirap na naman si stell.

nilambing lambing naman na siya ni sejun.

kung pwede ko lang gawin yun ngayon kay justin e

"josephine." tawag ni ken. "usap nga ulit tayo."

ano na naman kailangan neto? baka mamaya sakin pala to may gusto at hindi kay josephine ha. naku di pwede taken na ako ni justin ko.

tumango ako at nauna siyang umalis. sumunod naman ako sa kanya.

"oh baka mamaya malaman namin kayo na rin ha!" pahabol na asar ni stell.

at syempre rito ulit kami sa empty hallway ni manok. place na ata namin to.

"alam na ba ni justin and totoo?" yun ang una niyang tanong.

"hindi pa."

"ano ba naman yan josh! alam mo bang parang niloloko mo na rin siya ngayon?" naiinis na sabi niya.

"alam ko pero ako ang bahala. malapit naman na siguro umuwi si josephine e"

"ay paano kung hindi?! nagsisimula pa lang relasyon niyo puros kasinungalingan na agad."

"akala mo ba madali para sakin to? ayaw ko naman lokohin siya pero anong magagawa ko? kapatid ko humiling neto."

"baka naman kaya ka lang nagkagusto sa kanya dahil nalaman mong gustong gusto ka niya, na baka dahil siya ang nandyan."

nasaktan ako sa sinabi niya. "sino ka ba ken para pagdudahan mo nararamdaman ko para kay justin? hindi mo ako ganung kakilala."

"sus! josh alam ko mga uri mo. playboy ka diba? siguro mali yung naisip ko na may nararamdaman ka talaga para sa kaibigan ko. pinaglalaruan mo lang siya ano?"

hindi na ako nakapagpigil kaya nasapak ko na siya.

"mahal ko si justin wag ka mangealam dito ken."

pretendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon