2.6

311 25 7
                                    

josephine

kanina ko pa inaantay mag lunch. yun yung pagkakataon para makausap ko si justin.

kailangan ko ipaliwanag sa kanya lahat. gusto ko sila mapag ayos ni josh.

tiningnan ko siya mula sa upuan ko. nakatuon ang atensyon niya sa notebook niya.

pero kahit ganun kita ko ang sakit sa mata niya. he looks like a mess right now.

both of them are a mess right now.

kaya nga gusto ko sila magka-ayos. hindi ko pa naman nakikita sila bilang magkarelasyon pero alam kong makakabuti sa kanila kung magkabalikan sila. it's obvious they both long for each other.

and finally nag ring na ang school bell meaning lunch na.

hindi ko alam kung lalapit ako kayna stell. nahihiya ako after what i did.

pero hindi ko na muna inisip yun nang makita kong hindi naman sumama sa kanila si justin.

sinundan ko si justin at nakita kong papunta siya sa garden ng school. naupo siya sa bench dun at nagbasa ng libro.

ganito siya pag may problema. mas gusto niya mapag-isa, gusto niya tahimik.

lumapit ako sa kanya atsaka siya tinawag. "justin."

pagtunghay niya ay nagulat siya nang makita ako.

kumunot noo niya. "anong kailangan mo? kung magsisinungaling ka tulad ng kakambal mo then don't bother. hindi niyo na ako maloloko."

"hindi intensyon ni josh na lokohin ka."

"pero yun ang ginagawa niya."

"dahil yun ang pinagawa ko sa kanya. pinagpanggap ko siyang ako habang nagpapagamot ako sa ibang bansa. ayaw ko kasing malaman niyo."

"so ikaw pala ang master mind dito? josephine alam mo kung anong nararamdaman ko para kay josh. hindi mo ba naisip na dahil akala ko ikaw ang kasama at kausap ko ay babanggitin ko syempre ang tungkol dun!" by now nakatayo na rin siya at nagtataas ng boses.

"nawala sa isip ko na madalas mo nga pala siya ikwento sakin."

"so kasalanan ko pa ngayon?"

umiling ako. "justin hindi. look, kaya ako andito is to clean my brothers name. justin mahal ka niya talaga, nakita ko yun nung nakausap ko siya. sirang sira kapatid ko ngayon justin. please magka-ayos na kayo, please maging kayo na ulit. patawadin mo na siya. ako naman may kasalanan neto e. ginawa niya lang yun para sakin."

pero mukhang hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko.

"inutusan ka ba niyang sabihin yan sakin?"

"hindi. inaayos ko ang gulong ako ang nagsimula."

"i appreciate your effort pero josephine sirang sira rin ako ngayon. hindi lang si josh ang nakasakit sakin, ikaw din. kaibigan kita e pero bakit ganito? bakit ayaw mo rin sabihin about sa sakit mo? wala ka bang tiwala samin? wow ha." at iniwan na niya ako dun.

umiiyak akong naupo sa bench. naiinis ako sa sarili ko.

kasalanan to talaga to. dahil sakin nasaktan ko sila.

"punasan mo nga yang luha mo. ang panget mo umiyak." nagulat ako nang pagtunghay ko ay andito na si ken at inaabutan ako ng pamunas.

"kanina ka pa dyan?"

naupo siya sa tabi ko. "yeah. nakita ko kayo e syempre chismoso ako sinundan ko kayo."

"and all along akala ko wala kang pake sa mundo."

"may pake ako sa mundo ko."

"sana all may mundo." umiiyak ko pa ring sabi.

"napakang iyakin mo talaga. punasan mo na nga yang uhog mo."

inirapan ko siya pero tinanggap ko pa rin naman ang bimpo.

"ken ang sama ko. dahil sakin nasasaktan yung dalawa sa mahahalagang tao sakin."

"hindi mo naman ginusto yun e. i know na magkaka-ayos din sila."

"paano kung hindi?"

"ikaw nag-iisip ng negatibo josephine e!"

"iiiihh ang tanga tanga ko kasi. dami naloko gawa ng plano kong to."

"oo nga e daming naloko. hayan pati imbes na sayo ako umamin kay josh ako napaamin."

ha? umamin? teka.... wag mong sabihing...

"may gusto ka sakin?"

"wow congrats ikaw ang huling nakaalam." at pumalakpak pa siya

hinampas ko siya. "nakakainis ka, napakang mang aasar mo."

"sa ganung paraan ko nakukuha atensyon mo e." nakangising sagot niya.

bwisit na manok to namomroblema ako sa joshtin tapos papakiligin akong ganto.

pretendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon