2.7

311 24 6
                                    

josh

andito ako sa mall ngayon since inutusan ako ni mama, may pinabibili e.

kahit wala pa rin akong gana sa lahat ay pumayag pa rin ako. it can help me get justin off my mind for a short amount of time.

hindi sa ayaw ko na siya isipin pa, mahal na mahal ko pa rin siya, pero ang hirap ng oras-oras nasasaktan ako kaiiisip sa nangyari samin.

maayos pa ba? mukhang hindi na.

naka block na ako sa lahat ng social media accounts niya and naka block din number ko.

ayaw na talaga sakin.

matapos kong mabili ang kailangan ni mama e napagdesisyonan kong kumain muna sa food court.

i was in the middle of looking for a seat nang makita ko siya.

si justin may kasamang iba.

sino? hindi ko kilala. ang alam ko lang sobrang saya niya, ang laki ng ngiti niya at sigurado akong dahil yun sa lalaking kasama niya.

mukhang okay na siya, ang bilis naman.

tsk

ano in-expect ko? gugustuhin ni justin magpakamukmok sa ginawa ko? ayaw ko rin naman nyan.

he deserves better than me anyways.

justin

hindi ko mapigilang tumawa ng malakas matapos na naman niya magbiro.

"bwisit ka edward baka masaway na ako sa sobrang ingay ko rito." sita ko sa pinsan ko.

"atleast napatawa na kita. kaysa naman kanina para kang pinagbagsakan ng langit at lupa."

"masisisi mo ba ako e ang sakit ng ginawa sakin?"

niyaya niya ako rito sa mall ngayon. nalaman niya nangyari sakin matapos makwento ni sejun, close sila e.

misyon niya raw na pagaanin loob ko. kaya paborito kong pinsan to e.

medyo napagaan naman niya loob ko.

syempre masakit pa rin. langya naman kasi si josh, hulog na hulog na ako sabay malaman ko nagsisinungaling.

pero hindi ko sasabihin na hindi ko siya namimiss. kung kami pa ngayon edi sana siya kasama ko ngayon.

mahal na mahal ko pa rin siya.

"oh natulala ka na naman dyan. justin wag mo na isipin yun. kaya nga kita dinala rito para mabaling atensyon mo sa ibang bagay. hindi yung nagmumukmok ka sa bahay na parang namatayan..." at ang dami pa niyang sinasabi.

natatawa na lang ako habang patuloy siya sa pag-uusap. hindi talaga mapigil bibig neto.

at habang nagala ang mata ko sa paligid ay may namataan akong pamilyar na mukha.

nakatingin siya samin pero hindi niya yata napansing nakatingin na rin ako sa kanya dahil naglakad siya palayo.

biruin mo yun makikita ko pala si josh dito.

pretendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon