ken
nakakapagtaka talaga kinikilos ni josephine e. hindi naman siya ganyan kay justin noon?
ang naiisip ko lang talaga ay nahulog siya kay justin.
nakaka-oqoeowokswlwo
haist.
"wag mo titigan baka matunaw." biglang bulong sakin ni stell.
naglalakad na kami palabas ng school. uwian na e.
tiningnan ko si stell ng masama. "hindi ko tinititigan. nagkataon lang na nasa harap ko siya."
"sus. palusot neto."
"bakit hindi ka na lang kasi umamin?" sabi naman ni sejun.
bale nasa gitna ako ng mag-jowang to. si stell sa kanan, si sejun sa kaliwa.
"wala akong aaminin!"
umiling iling si stell. "hindi mo kami maloloko ken."
"halata ka kaya." sejun.
bwisit tong dalawang to pinagtutulungan ako.
"ano ang halata?" biglang sulpot ni justin sa tabi ni sejun.
humabol lang to samin. chinika pa kasi to nung matandang dalaga naming teacher tungkol sa kuya niya. naku tanda tanda na bata pa ang gusto.
"halatang si ken may gusto kay---" tinakpan ko bibig ni stell.
kahit kailan talaga ang daldal netong lalaking to. walang preno ang bibig.
"kanino ka may gusto?" excited na may halong pang-aasar na sabi ni justin.
"wala." at iniwan ko na sila.
tumabi ako kay josephine.
"hoy hatid na kita sa inyo."
"wag na."
"e gusto ko."
"e ayaw ko." at mabilisan siyang tumakbo paalis.
wow ha.
"oh bakit ka tinakbuhan nun? umamin ka na tapos nireject ka?" natatawa pang biro ni stell. sinamaan ko siya ng tingin at tumigil naman siya.
hindi ako natutuwa sa ganung biro. oo alam ko hindi nga ako gusto ni josephine pero wag naman na ipamukha sakin. masakit e.
"kay josephine ka may gusto ken?!" gulat na sabi ni justin.
tiningnan ko lang siya at iniwan na sila para umuwi.
e ano naman kung may nararamdaman ako para kay josephine? e ikaw naman justin ang gusto niya.
BINABASA MO ANG
pretending
Randomwhere josh pretends to be his twin sister. every thing was cool for him, well except for wearing girl clothes and acting like one, until he discovers something about his sister's bestfriend which is Justin. what could it be?