justin
mula sa entrance ng canteen ay nakikita ko si josephine na nakikipag usap sa mga kaibigan namin.
napagdesisyonan kong lapitan na sila, gusto ko na rin makausap ulit si josephine.
miss ko na rin yang babaeng yan. bestfriend ko yan e
"hey guys!" i cheerfully greeted them sitting beside my usual seat, sa tabi ni josephine at inakbayan siya na lagi ko ring ginagawa.
i felt her flinch. nagulat siguro dahil sa ginawa ko.
"well it's nice to see you smile again justin." sabi ni sejun.
nginitian ko lang siya atsaka tumingin kay josephine.
"madami ka ikukwento sakin. kamusta tumira sa ibang bansa ha? wala ka man lang pasalubong kahit isang fafa nalang e. " biro ko sa kanya.
nag alala naman ako dahil hindi siya tumatawa. mukha pa nga siyang iiyak e.
"hindi ka na galit sakin? bati na ba tayo?"
i let out a small laugh. "oo naman josephine. hindi ko kayang tiisin bestfriend ko ano."
nabigla ako nang bigla niya ako yakapin habang umiiyak.
"sorry talaga....sorry talaga justin. hindi.. ko naman int.. intensyon na saktan kayo e."
"it's okay now josephine. i forgive you. ako nga dapat mag sorry e."
kumawala siya sa yakap ko at may pagtatakang nakatingin sakin.
"bakit?"
"mukhang hindi yata kita ganun kakilala. ang dami na kayang clues na nalapag sa harap ko. katulad nang hindi naman na buhay ang grandparents mo, sumalangit nawa, pero naniwala ako sa palusot na bumisita ka nun kaya wala ka sa bahay. lalo na yung tumulong ka kamo kay stell magluto at nag-aral kang mabuti aba hindi man lang ako nag-alala kung totoong josephine na pala kasama namin e hindi mo gawain mga yan"
hinampas niya ako sa balikat dahil sa pangaasar ko.
"ikaw ha! nagawa mo pa magbiro ng ganyan seryoso ako e"
"nagsasabi lang ng totoo. pasalamat ka sa kakambal mo tumataas grades mo."
bigla naman nag iba ang timpla ng mukha niya nang mabanggit ko kakambal niya
"justin... nabanggit mo na rin naman si josh. i hope you don't mind me asking kung paano na kayo? will you forgive him too? kasi ako naman talaga nagsimula nito pinagbigyan nya--"
"don't worry josephine. alam ko ginagawa ko." i gave her a knowing smile.
mukhang nagkaintindihan na kami sa patingin tingin lang na yun kaya niyakap niya ulit ako.
"justin salamat."
"hindi mo kailangan magpasalamat josephine. naging tulay ka rin ano ehrm kahit hindi sa magandang paraan nga lang."
parehas kaming natawa.
"paano naman ako? wala bang yakap para sakin?" usap ni ken.
tumingin ng masama si josephine kay ken. "ewan ko sayo! dun ka magpayakap dun sa dianna! mukhang gusto mo naman diba? ngiting ngiti ka nung kausap mo diba?"
"josephine naman alam ng para sa--"
"wow pag sa kanya 'hey beautiful' pero pag sakin josephine!"
hala? anong meron sa dalawang to?
tumingin ako kay stell at sejun at alam na nila agad ano tumatakbo sa isip ko.
"oo sila na. oo hindi na torpe si manok." ani ni sejun.
"e ano pinag aawayan neto? may babae si ken?"
"naku wala! may shooting kasi para sa project grupo nina ken e sila partner nung dianna. kaya ngItIng nGItI si ken at may hEY b3AutIful e dahil parte yun ng script. maarte lang talaga yang si josephine, pabebe sa boyfriend niya" umirap na sabi ni stell.
natawa naman ako habang pinapanood ko suyuin ni ken si josephine habang ito naman isa e umaarte pang naiinis e halata namang kinikilig sa mga banat ng boyfriend niya.
kaya lang naman yan nag iinarte dahil gusto magpalambing.
sana all masaya sa love life nila.
BINABASA MO ANG
pretending
Randomwhere josh pretends to be his twin sister. every thing was cool for him, well except for wearing girl clothes and acting like one, until he discovers something about his sister's bestfriend which is Justin. what could it be?