Prologue

21.2K 312 1
                                    

Late na ako sa trabaho. Hinatid ko pa kasi ang aking anak sa pinapasukan niyang paaralan. Swerte pa rin ako kung tutuusin dahil hindi siya tulad ng ibang bata na mahirap iwan dahil naninibago. Madali ko siyang naihatid ngunit na-stuck naman ako sa traffic.

Kanina pa ako 'di mapakali dahil mahigit isang oras na ako sa kalsada. Maaga pa naman ang meeting ni boss. Tumindi ang aking pag-aalala dahil kanina ko pa siya tinatawagan sa kanyang cellphone ngunit hindi niya ito sinasagot. Tingin ko'y kasalukuyan na siyang nasa meeting dahil sinubukan ko nang tawagan pati ang telepono sa kanyang office ngunit walang sumasagot.

Nagmamadali akong bumaba sa aking sasakyan nang nakapagparada na sa parking area. Pagpasok sa building ay tumuloy agad ako sa elevator.Sumakay agad ako at pinindot ang numero ng palapag kung nasaan ang opisina ni boss Nico. Paglabas naman ng elevator ay marahan kong tinakbo ang aking desk. Inilapag ko ang aking mga gamit. Kinuha ko ang aking notebook at organizer sa drawer at saka kumuha ng isang ballpen mula sa pen holder.

"O, Princess. Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni boss." wika ni Wilma na kasamahan niya sa trabaho.

"Na-traffic ako." sagot ko.

Papunta na sana ako sa conference room ngunit pigilan niya ako.

"Saan ka pupunta? Tapos na ang meeting."

"Tapos na?" tanong ko. Tumango ito bilang sagot.

"Nasa loob na ba si boss?" sabay turo sa opisina ni Nico. She just shrugged her shoulders in response. I took a deep breath before turning my back. I walked towards the door and knocked.

"Come in." narinig kong sagot mula sa loob.

Hindi ko na lang pinansin ang tila pag-iba ng tinig nito. Binuksan ko ang pinto at agad na pumasok sa loob.

"I'm really sorry, Nic. Got stuck in traffic." tuloy-tuloy kong wika habang papalapit sa mesa ito.

"Good Morning, Ms. Ramirez."

Pag-ikot ng swivel chair paharap sa akin ay biglang lumakas ang tibok ng dibdib ko. Talagang nagulat ako sa aking nakikita.

"You and your boss are on a first-name basis? Oh well, that's also be fine with me. If you want, you can call me 'Babe' just like the old days." he grinned wickedly

Totoo ba talaga 'to? No! It can't be. This is just a nightmare! Sigaw ng utak ko.

"Excuse me. Mukhang nagkamali yata ako ng pintong pinasukan." mariing tugon ko bago tumalikod at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas.

Pagkarating sa harap ng aking desk ay pabagsak akong umupo. This can't be happening!, sigaw ng utak ko.

Biglang tumunog ang telepono kaya naman nagpasya akong sagutin ang tawag dahil umaasa akong si Nico ang nasa kabilang linya. Kailangan ko talaga siyang makausap.

"SFM, how may I help you?"

"Kapag nahimasmasan ka na'y pumasok ka ulit dito. I need to talk to you." walang pasakalyeng sagot ng nasa kabilang linya.

"You're not my boss!" sagot ko. Hindi ko na napigilan pa ang aking nararamdamang galit.

"I will be. Indefinitely." sarkastikong tugon nito.

"Go to hell!" sagot ko bago pabagsak na ibinaba ang telepono.

Tumayo na ako. Hinablot ko ang aking bag na nakapatong sa aking desk at saka mabilis na tinungo ang elevator. Pagbukas nito ay agad akong pumasok. Pagkatapos pindutin ang 'G' button ay kinuha ko ang aking cellphone mula sa bag. I dialled Nico's telephone number at home.

"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Ella? It's me Cess. May I talk to your husband?"

"Hindi pa siya umuuwi. Wala ba d'yan sa office?" nagtatakang tanong nito.

"Hindi ko nadatnan."

"Oh! Bakit, Cess? May problema ba?" tanong nito.

"Nagtataka lang ako kung bakit pagpasok ko sa office niya ay iba ang nakaupo doon."

"What?! Bakit wala siyang nababanggit na problema sa akin?"

"I don't know. Hindi ako nakapag-attend ng meeting nila kanina. Na-late ako dahil sa traffic. Pagdating ko'y tapos na raw ang meeting."

"Just come over here. Let's wait for him to come back and we'll talk to him." suhestiyon nito.

"Okay. I'll be there in half an hour." sagot ko. Then, I ended the call immediately.

Pagbukas ng elevator ay nagmamadali akong lumabas ng building. Tumuloy agad sa aking sasakyan. Sa ginawa ko kanina ay tiyak kong hindi palalampasin ng lalaking iyon ang ginawa kong pambabastos. Aamin ko, natatakot akong baka sundan niya ako. At ayaw kong mangyari 'yon dahil siguradong makakalikha lang ako ng eksena.

Pagpasok sa aking kotse ay agad ko itong pinaandar at iminaniobra palabas. Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan.

Author's Note: (11-14-14)

This is it! The Hidden Series 2 - Surrender Your Heart - 'Hidden Agenda.' Hopefully mapagsabay ko ito at ang Hidden Series 3 - Rescuing his Rebound. -'Hidden Desire'.

What do you think?

If there are errors please bear with me. Still learning and will never stop learning.

VOTE! VOTE! VOTE!, COMMENT and if It's worth it...RECOMMEND.

Thank you for reading. ^_^

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon