"Art is not what you see, but what you make others see." - Edgar Degas
---------------------
Xavi's POV
"Didn't you get an invite on Amber's shotgun wedding?"
Sumandal lang ako sa inuupuan kong lazy boy at ni-relax ang sarili ko doon. Iginala ko pa ang paningin sa loob ng silid ng Uncle Guido ko tapos tumingin sa kisame.
"I did but I decided not to go. Magkikita pa naman kami dito pagbalik niya ng Manila. May exhibit pa kami ng asawa niya," lalo kong inulubog ang sarili ko sa malambot na sofa.
"She got married with the famous Hunter Acosta? Mayaman ang pamilya noon." Komento ni Uncle.
"Mayaman nga, weird naman." Natawa ako. "Parang ako lang din iyon."
"Mayaman na weird? I know. Nag-usap na kayo ng daddy mo?" Tumingin ng makahulugan si Uncle sa akin at napailing lang ako.
"You better talk to him, Xavi. Huwag mo nang pahabain pa ang pagitan 'nyong dalawa." Napahinga siya ng malalim. "Your dad has a point. Ano ba ang mapapala mo sa pagpipinta? Don't get me wrong. I am proud of you because I know you are good, but you have a family business to take care of. Ikaw na lang ang inaasahan ng daddy mo."
Napabuga ako ng hangin. "Ako ang inaasahan dahil wala na siyang aasahan. 'Yung inaasahan niyang sasalo ng negosyo niya, sumama sa ibang lalaki. And you know, I am proud of my sister for doing that. At least, nagawa niya ang gusto niya. Alam ko naman napipilitan lang si daddy na ibigay sa akin ang pamamahala sa negosyo niya. Tingin ba niya gusto ko iyon? I don't want to waste my time inside that four walled room na tanging computer lang ang kaharap. I'd rather stay inside my studio and be with my paints. Mas naiintindihan ng canvass ko ang emotions ko. Hindi katulad ng parents ko na hindi alam kung anong nararamdaman ko."
Nakita kong nakatitig lang sa akin si Uncle at hindi yata makapaniwala sa sinasabi ko.
"I can't believe you could say that. Your parents just want the best for you."
Pakiramdam ko ay napikon yata ako kay Uncle Guido.
"And you're taking their sides now? Akala ko ba ikaw na lang kakampi ko sa pamilya? And now, sa iyo pa nanggaling 'yan? Since I was small, I never felt that my dad was proud of me. Kahit ilang medalya ang iharap ko sa kanya, ilang perfect exams ay wala lang sa kanya. Samantalang si Ate Xandra," natawa ako nang nakakaloko nang maalala ang mga kalokohan ng nakakatanda kong kapatid. "Laging bagsak. Laging trouble ang ibinibigay sa kanila. She didn't even pass the board exam for Civil Engineering and yet, sa kanya pa ibibigay ang pamamahala nito? Don't you think it's funny, Uncle?" Punong-puno ng sarcasm ang boses ko.
"I don't take any sides, Xavi. You know I am always on your side. Ako nga ang number one supporter mo." Tumayo si Uncle at lumapit sa akin. "What I am trying to say, your family will need someone to take care of the business here. I mean, sino pa ba ang aasahan? Me? Sampid lang ako dito. Sa iyo pa rin ibibigay ang pamamahala ng kumpanya na ito. You are a Mechanical Engineer and you could practice your profession here. You could still paint even if you are running the company."
Umayos ako ng upo at marahang iniikot-ikot ang leeg ko.
"Dad would love to take care things by himself here." Tapos ay umiling ako. "I don't want any part of that. Masaya ako sa kung anong nagagawa ko ngayon. It's okay if he hates me. It's okay if he hates what I do. Marami pa rin naman naniniwala sa galing ko. Maraming tumatangkilik ng mga gawa ko and it's a good thing."
BINABASA MO ANG
Withered Hues (COMPLETE)
Roman d'amourXavier Philip Costelo was looking for the perfect model for his next exhibit. Someone who could turn all his canvas full of hues. Someone who could bring back his drive to paint something special again. Until he found Kaydence Montecillo. The mar...