CHAPTER THIRTY FOUR - VIOLET

13.1K 530 86
                                    

"If I paint a wild horse, you will see horse... but surely you will see the wildness." - Pablo Picasso

-------------

Xavi's POV

            "I want you to meet Tom Hugswerth. He is the editor in chief of this famous International Women's magazine. He could help you to promote you and your works there." Habang nakasakay kami sa kotse ay walang tigil sa pagsasalita si Sophie. Nakatingin pa siya sa cellphone niya at panay ang pindot doon.

            Hindi naman ako umimik at nanatili lang nakatutok ang tingin ko sa kalsada. Sa isip ko ay sariwa pa ang magandang pangyayari sa bahay ni mommy. Well, hindi man kami masyadong nagkausap ni Uncle Guido dahil ramdam ko pa ang paninimbang niya sa akin pero masayang-masaya kaming lahat. Lalo na si ate Xandra. Mas close ako noon kay Uncle Guido pero ngayon parang mas close na close silang dalawa. Talagang inaalalayan ni Uncle si ate sa pamamalakad sa company.

            "You visited your family?" Tanong pa ni Sophie habang patuloy sa pagba-browse ng telepono niya.

            Tumango lang ako.

            "Hindi mo ako isinama? Sabi mo kapag umuwi tayo dito ipapakilala mo ako sa kanila. I want to meet your Uncle Guido. Based on your stories, I think he is a cool person."

            Ngumiti lang ako kay Sophie at iniliko ko sa isang kanto ang sasakyan. Sinusundan ko lang naman ang daan na itinuturo ni Waze.

            "Maybe next time, Soph."

            Ngumiti ng malandi sa akin si Sophie at dumikit sa akin.

            "Siguro next time naman kapag ipinakilala mo na ako sa kanila couple na tayo."

            Natawa ako sa sinabi niya.

            "Why do you keep on insisting about the couple thingy? Hindi pa ba tayo couple ngayon? Ikaw ang kasama ko sa lahat ng event na pinupuntahan natin. You've been my constant partner in bed and in anywhere. Ano pa ba ang gusto mo?" Medyo nakukulitan na ako sa kanya. Kaya ayoko talaga ng tumatagal nakadikit sa akin ang babae. Nagiging clingy talaga sila.

            "Gusto ko nga exclusive na."

            "Told you I don't want any commitment."

            Lumayo sa akin si Sophie at humalukipkip. Halatang nainis sa sinabi ko tapos ay napahinga ng malalim.

            "Tomorrow, you need to go to this school. I know the principal and she asked me if you can pay a visit and make a show and tell in front of some kids." Patuloy sa pagba-browse ng telepono niya si Sophie. Halatang inis pa rin pero wala akong pakialam kung mainis siya o hindi. Hindi niya ako mapipilit sa exclusivity na gusto niya. She is just my agent. Sometimes partner in bed and that's it. Other than that, wala na kaming dapat na maging relasyon pa.

            "School? Kids?" Paniniguro ko.

            "Yeah. As young as seven years old."

            "Soph, kids? You know I am not good with kids." Protesta ko.

            "You cannot say no to this. This is your alma mater. School mo noong elementary ka. And the principal used to be your teacher in Grade 2. She was so proud of what you've become. You will break her heart if you don't accept the invite. And besides, additional exposure sa iyo iyan. Magandang idagdag sa magazine article mo." Mahabang litanya ni Sophie.

            "You think?" Ayoko talaga ng mga ganoon. Hindi naman ako iritado sa mga bata kaya lang hindi ko lang talaga alam kung paano gagalaw kasama sila. Siguro kasi sa tuwing nakakakita ako ng bata, naaalala ko si Kaydence na buntis ng maghiwalay kami. Siguro malaki na ang anak nila ni Jeremy.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon