"The purpose of art is washing the dust of daily life off our souls." - Pablo Picasso
-------------------
Xavi's POV
I was trying to call ate Xandra. Gusto kong pag-usapan namin na magkapatid ang sitwasyon ng mga magulang namin. Higit sa lahat, ngayon kailangan ng magulang namin ang pang-unawa. I am not in favor of my parents' separation but kung wala na talagang pagmamahalan, bakit pa magtitiis? Ano iyon? Magtitiyaga na lang sa isang relasyon na parang impiyerno para lang walang masabi ang mga tao sa paligid?
Fucking mindset of those people. Kung ako ang nasa kalagayan ni mommy at alam kong wala na namang respeto o pagmamahal ang partner ko, I'll set her free. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao wala akong pakialam. Hindi ko siya itatali sa akin dahil lang sa mahal ko siya. Just like what I did to my feelings for Kaydence. Alam kong bawal at hindi kailanman magiging puwede kaya ako na ang bumitaw. Ako na ang iiwas. Iwas sakit na din.
Gusto ko sanang makausap ang daddy ko pero tinawagan ako ni Sid na kailangan ko daw dumaan sa opisina at may ipapakita siyang reports sa akin. Pasado alas-nuebe na naman kaya alam kong wala ng tao dito. Diretso ako sa dating office ko at doon ko na lang pinasunod si Sid.
Inisa-isa ko ang mga folders na nakapatong sa table. Ang tagal ko ding hindi nakabalik dito. Nakaka-miss din pala. Sumandal ako sa upuan ko doon at tumingin sa kisame. Getting out from this company was like getting out from Kaydence and Jeremy's ghost. Kung gusto kong kalimutan si Kaydence, kailangan ko ding kalimutan at iwasan si Jeremy.
Mahirap din sa akin iyon. Jeremy was a good man. Gusto ko ang personality niya, magaan siyang kasama kaya lang, in-love ako sa asawa niya. And I cannot break the friendship that we built just because I am in-love with his wife. Kaya ako na lang ang lalayo. Maybe someday, kapag sinuwerte, makatisod din ako ng babaeng katulad ni Kaydence. Maging kasing-suwerte din ako ni Jeremy.
"Sir?"
Napaangat ako ng ulo at tumingin sa pinto. Takang-taka na nakatingin sa lugar ko si Jeremy. Hindi makapaniwalang naroon ako.
"Jer? What are you doing here?" Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagtatakang lumapit sa kanya. Tumingin ako sa relo. Pasado alas-nuebe na nga bakit narito pa ang lalaking ito?
"Magre-report po ako kay Sir Sid." Alanganing sabi nito at hindi malaman kung papasok o hindi sa kuwarto.
"At this hour? Lagi ka bang pinag-o-overtime ni Sid?" Dahil kung ginagawa ni Sid ito, talagang papaliguan ko ng sermon ang lalaking iyon.
Umiling si Jeremy. "Madalas akong nag-o-overtime dahil sa ganoong oras lang ako nakakagawa ng mga trabahong pinapagawa mo." Tumingin siya ng makahulugan sa akin.
"Come in." Sinenyesan ko siyang pumasok.
Ngumiti ng mapakla si Jeremy at pumasok. Naupo sa harap ng mesa ko. Hawak niya ang ilang folders na alam kong reports na ginawa niya.
"How are you?" Napakamot ako ng ulo. "Pasensiya ka na kung bigla akong nawala after ng birthday mo. I needed to finish my paintings for my exhibit, and it went well. Pasensiya na kung hindi kita nasabihan personally na magkakaroon ng transition dito. I just needed to find myself first," napahinga ako ng malalim ng sabihin iyon.
Natawa si Jeremy at napailing. "Lasing na lasing ka noon, Sir."
Natawa ako at parang gusto kong mahiya sa naaalala kong nangyari. Although blurry, pero alam kong nakakahiya ang mga ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Withered Hues (COMPLETE)
Roman d'amourXavier Philip Costelo was looking for the perfect model for his next exhibit. Someone who could turn all his canvas full of hues. Someone who could bring back his drive to paint something special again. Until he found Kaydence Montecillo. The mar...