CHAPTER THIRTY THREE - GREEN

12.7K 523 105
                                    

"Pain is strange. A cat killing a bird, a car accident, a fire... Pain arrives. BANG, and there it is, it sits on you. It's real. And to anybody watching, you look foolish. Like you've suddenly become an idiot. There's no cure for it unless you know somebody who understands how you feel and knows how to help." - Charles Bukowski

----------------------------

Kay's POV

"Himala. Nag-ayos ka."

Hindi ko tiningnan si mommy na napadaan sa bukas kong kuwarto. Nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng make up. Ang totoo, hindi naman talaga ako marunog nito. Kelan pa ako huling nag-make up. Noon pang last celebration namin ng wedding anniversary ni Jeremy.

"Pati damit mo bago. Ngayon lang kita nakitang nagsuot ng ganyang klaseng damit."

Tiningnan ko ang damit na suot ko. Si Charisse ang may bigay nito. Pasalubong sa akin galing Hongkong. Isuot ko daw ngayong gabi. Hindi pa naman ako sanay ng nakalabas ang mga braso ko at naka-hakab sa katawan ko ang damit.

"Kailangan lang, mommy. Requirement ng boss ko." Tiningnan ko ang mga pallete ng eyeshadow at blush doon. Hindi ko alam kung ano ang dadamputin.

"And I think I like this boss of yours. Nari-require kang mag-ayos," pumasok sa loob ng kuwarto ko si mommy at lumapit sa akin. Kinuha ang blush on at nilagyan ako sa pisngi. "Mas gusto pa rin ng lalaki ang natural looking. Hindi mo naman kailangan na mag-over do ng make up kasi maganda ka na." Dumampot pa si mommy ng loose powder at brush tapos ay nilagyan ang mukha ko.

Natawa ako ng mapakla. Siyempre nanay ko 'to kaya sasabihin niya na maganda ako.

"Kay, it's been seven years. Siguro naman sobra-sobra na iyon para sa pagdadalamhati mo sa pagkamatay ni Jeremy. Hindi na siguro siya magagalit kung magkakaroon ka naman ng bagong lovelife," naramdaman kong hinawakan ni mommy ang buhok ko at sinimulang suklayin iyon.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa reflection ko sa salamin.

"Kaydence, you are living in the past. Lahat kinalimutan mo na pati ang anak mo. Kailan mo maiisip na wala ng Jeremy na babalik sa iyo? Masyado ka ng unfair para sa sarili mo at para kay Joshua. Your son needs you."

Napalunok ako at pinigil kong mapaiyak.

"Move on na, anak. Maawa ka sa sarili mo. Hindi gugustuhin ni Jeremy na maging ganyan ka. If you don't want to find a new love, it's okay. Pero have a life. Ang bata mo pa. Imagine, you wasted seven years sulking here at hindi mo alam unti-unti kang pinapatay noon. Do you want to leave your son too?"

Napayuko ako at umiling.

"Then change. Kahit para na lang kay Joshua. Hindi mo nakikita na malaki ang impact ng ginagawa mo sa anak mo. He is distant, nagiging secretive. Nahihiyang ipakita ang mga ginagawa niya dahil mismong ikaw ang hindi nag-a-appreciate noon. Ikaw ang mommy, ikaw ang unang dapat na sumuporta sa kanya. Bakit hindi mo magawa?" Umupo na si mommy sa harap ko.

Mabilis akong kumuha ng tissue at pinahid ang luha ko. Ayokong masira ang make-up ko.

"Because Joshua reminds me something of my past. A mistake that I did." Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng sabihin ko iyon kay mommy.

Kumunot ang noo ni mommy sa akin.

"You had an affair?"

Sunod-sunod ang iling ko.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon