CHAPTER TWENTY - PLUM

12.6K 435 46
                                    

"Painting is silent poetry. And poetry is painting that speaks." - Simonides of Ceos

----------------------------

Kay's POV

Mukha ni Jeremy ang namulatan ko nang magising ako kinabukasan. Nakatitig lang siya sa akin. Siguro kaya ako nagising dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin habang natutulog ako.

Ngumiti ako sa kanya at nahihiyang tinakpan ang mukha ko. Kahit ilang taon na kaming mag-asawa ni Jeremy, nahihiya pa rin akong makita niyang pangit ako pagkagising. Baka may panis na laway pa ako, may muta pa o kung anong dumi sa mukha.

"Bakit hindi mo ako ginising?"

Hindi siya sumagot at lalong sumiksik sa akin. Niyakap ako at isinubsob ng mukha sa balikat ko.

Nangingiting kinusot ko ang mukha ko. Ramdam ko ang kahubaran ni Jeremy mula sa ilalim ng kumot at sigurado ako, hindi panaginip ang nangyari kagabi. Magaling na ang asawa ko. Puwedeng-puwede na talaga kaming magka-anak.

Yumakap din ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Belated happy birthday, Jer. Nakakatawa ka talaga. Ikaw ang may birthday pero ako ang binigyan mo ng regalo. Ang gandang pa-birthday sa 'yo 'no? Gumaling ka na," parang gusto kong maiyak. Hindi ko akalaing mangyayari pa ito. Hindi ko akalaing magiging normal pa ang buhay naming mag-asawa pagdating sa kama.

Hindi sumagot si Jeremy. Lalo lang isinubsob ang mukha sa balikat ko. Tapos ay nakaramdam ako ng parang may mainit na likido na umagos sa balikat ko. Taka akong tumingin sa kanya. Umiiyak ba si Jeremy?

"Jer? Umiiyak ka ba?" Marahan ko siyang inilayo sa akin at mabilis siyang nagpahid ng mata at pilit na ngumiti sa akin tapos ay umiling.

"Hangover. Alam mo naman kapag nagkaka-hangover kung ano-ano ang naiisip. Okay lang ako. Ikaw? Okay lang?" Muntik pang pumiyok ang boses niya.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Mukhang hindi okay si Jeremy. Nakatitig lang siya sa mukha ko.

"Bakit ka ganyan? Dapat masaya tayo 'di ba?" Ngumiti ako sa kanya at yumakap. Hinihimas ko ang katawan niya at gusto kong maulit uli ang nangyari sa amin kagabi. Miss na miss ko na ang asawa ko. Gusto kong araw-araw namin na gawin iyon para mabilis kaming makabuo.

Pero mabilis na umiwas sa akin si Jeremy. Bumangon siya at naupo patalikod sa akin.

"Jer? May problema ba?" Nagtataka ako sa kanya. Akala ko ba magiging okay na kami? Sabi niya, magiging okay na siya. Magiging normal na. Lasing na lasing ako kagabi pero alam kong may ginawa kami.

Umiling siya at bumuga ng hangin.

"N-nahihiya lang ako kay Sir Xavi. Pare-pareho tayong nalasing kagabi. Hindi ko na nga alam kung paano siya nakauwi."

Bumangon ako at tumabi sa kanya. Humalik pa ako sa balikat niya pero mabilis na tumayo si Jeremy at nagbihis.

"Malaki na ang boss mo na iyon. Saka sanay iyon uminom. Araw-araw laman ng inuman iyon. Huwag mo ng intindihin," iyon na lang ang nasabi ko. Naninibago talaga ako sa asawa ko. Bakit parang hindi siya masaya?

Nanatili lang akong nakatingin kay Jeremy habang nagbibihis siya. Akala ko ba okay na siya pero bakit parang hindi siya masaya?

"Jer, naninibago ka ba? I mean, dahil sobrang tagal na ba nating hindi ginawa kaya parang ayaw mo na sa akin?" Hindi na ako nakatiis na hindi magtanong noon.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon