CHAPTER SEVEN - CEDAR

13.4K 413 37
                                    

"Every artist was first an amateur." - Ralph Waldo Emerson

-----------------------

Kay's POV

Hindi ko maipaliwanag ang saya sa mukha ni Jeremy pagkakita niya sa akin. Agad ko siyang sinalubong habang palabas na siya mula sa building na pinapasukan ngayon. This is the first time in three years na nakita ko siyang nakangiti ng ganito.

"Kumusta?" Bati ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Agad na gumanti ng halik sa akin si Jer at inalalayan ko siyang maglakad kami palayo sa building. May dumaang taxi sa harap namin at gusto ko sanang parahin pero pinigilan ako ni Jer. Mas gusto daw niyang maglakad kami hanggang sa sakayan. Nami-miss daw niya ito. Pumayag na rin ako. Tatlong taon nga naman siyang nakatali lang sa bahay. Ngayon na lang uli niya na-explore ang labas ng mundo.

"Hindi ko alam, Kay. Napakasaya ko ngayon. Pakiramdam ko nabuhay ako uli. Nagkaroon ako ng bagong pag-asa." Mangiyak-iyak ang itsura ni Jer.

"Sabi ko naman kasi sa iyo huwag kang mawawalan ng pag-asa 'di ba? Pinag-start ka na agad nilang magtrabaho ngayon? Okay ka lang ba? Hindi ka naman nahihirapan?" Nag-aalala din naman ako sa kanya. Sigurado akong maninibago siya sa transition na ito.

"Okay lang ako. Well, 'yung company books talaga nila mukhang sasakit ang ulo ko. Mukhang napabayaan ng sobra. Ang daming discrepancies. Siguro malaki talaga ang kita ng kumpanya kaya hindi na napapansin ng may-ari na may nakakapagnakaw na." Napahinga ng malalim si Jer.

"Makakaya mo ba 'yan? Kung hindi mo kaya huwag mong pilitin. Kaya ko pa naman suportahan ang mga kailangan mo."

Marahang hinawakan ni Jer ang mukha ko. "Kaya ko ito. Napakadali lang. Huwag kang mag-alala. Mabait ang boss ko. Hindi ako makapaniwala na kahit ganito ang kalagayan ko tatanggapin nila ako."

"Mabuti iyon. Alam mo ni-research ko ang company 'nyo at sister company pala iyan ng pinapasukan kong kumpanya. Si Sir Xanthus ba ang boss mo?" Paniniguro ko. Alam kong ang President ng XV Solar Panels ay ang kapatid ni Sir Guido.

Umiling si Jer. "Hindi. Xavi. Xavier Philip Costelo ang pangalan ng boss ko. Mabait siya."

Pakiramdam ko ay namutla ako sa narinig kong pangalan na binanggit ni Jer.

"Xavi? Xavier Philip Costelo? Mahaba ang buhok? Mukhang durugista?" Paniniguro ko.

"Oo. Kahit naman ganoon ang itsura ni Sir, mabait naman. Tingin ko kasi painter kaya ganoon. Alam mo naman sila may sariling mundo. Pero napakabait niya sa akin. Alam mo bang ang office ko ay malapit sa fire exit? Convenient sa lahat para hindi ako mahirapan. Nahihiya nga ako dahil baka isipin ng ibang mga empleyado doon masyado akong paimportante kaya kahit may naghahatid ng pagkain, pinilit kong bumaba sa canteen." Paliwanag pa niya.

Hindi ako nakasagot. Si Xavi ang boss niya? Kalat na kalat sa buong opisina na hindi ito magta-trabaho sa kahit na anong kumpanya ng mga Costelo. Matigas ang ulo noon. Walang pinapakinggan kahit na sino. Pagpipinta lang ang alam noon na trabaho.

"Sigurado kang si Xavi ang boss mo?" Gusto ko talagang makasiguro.

"Oo nga. Mukhang wild nga, eh. Sabagay nasa itsura naman si Sir ang mukhang babaero," napangiwi pa si Jer. "May dumating na babae habang ini-interview ako. Ayun, naghalikan sa harap ko. Matinik sa chicks."

"P-Paano ka nga uli nila kinontak?" Pakiramdam ko ay kinakabahan ako sa nangyayaring ito. Hindi kaya may kagagawan ang Xavi na iyon kaya nagkaroon ng trabaho si Jer? Pero imposible. Kung alam ni Xavi na asawa ko si Jer, imposible niyang tanggapin sa trabaho ang asawa ko dahil sa ginawa kong pagtanggi sa kanya. Mukhang mataas pa naman ang ego ng lalaking iyon.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon