CHAPTER NINETEEN - SCARLET

12.8K 510 155
                                    

"Art should comfort the disturbed and disturb the comfortable." - Cesar Cruz

A/N - Raw copy.

-----------------

Kay's POV

            Ano ang ginagawa ni Xavi Costelo dito? Gusto kong sitahin si Jeremy kung bakit pa niya kailangan imbitahin ang boss niya. Wala naman kaming handa. Sanay kami ng ganito ng asawa ko mag-celebrate ng kami lang. Walang handa, walang kahit na ano. Kaya pala nagtaka ako kung bakit bumili pa ng mamahaling alak na ito si Jeremy. May kakilala kasi siyang nagtitinda ng smuggled goods sa kanto at doon niya binili ang alak na nandito.

            Pero nakita kong sumaya ang mukha ni Jeremy ng makita niya ang boss niya. At natuwa din naman ako kasi walang halong ka-plastikan ang ipinapakita ni Xavi sa asawa ko. Wala siyang arte kahit parang bahay ng kalapati ang bahay namin. Wala siyang sinabi kahit na nga parang pulutan sa inuman sa kanto ang handa namin. Kung ano ang kinakain namin, kinakain din niya. Kung ano ang nakahain, pinagtitiyagaan niya.

            Hindi na ako nakisali sa kanila sa sala. Dumiretso na lang ako sa kusina at doon na lang ako magliligpit. Ayokong makisali sa usapang lalaki. Mula doon ay kita kong pangiti-ngiti lang si Xavi. Tumatawa sa mga sinasabi ni Jeremy. Walang kaibigan si Jeremy. Nawala na magmula noong maaksidente siya. Kahit ako. Wala na rin naman talaga akong kaibigan. Lalong nawala noong magkabaon-baon kami sa utang. Si Jeremy na lang ang kaibigan ko.

            Pero ngayon, kitang-kita ko kung paano makinig si Xavi sa bawat sinasabi ni Jeremy. Iniintindi niya lahat ang ikinukuwento ng asawa ko. First time kong nakita na may nagkainteres makipag-kaibigan kay Jeremy. Kung makikita sila ng tao, hindi talaga iisipin na boss si Xavi at empleyado si Jeremy. Tinatrato niyang kaibigan ang asawa ko. Tinatratong tao.

            Siguro nga nagkamali ako ng pagkakakilala kay Xavi. Baka mabait naman siya.

            Tingin ko ay enjoy na enjoy ang asawa ko. Naglabas pa ng videoke. Gusto ko na ngang sawayin. Alam ko naman hindi sanay sa ganitong kabaduyan si Xavi. Sa yaman ng lalaking iyon, hindi iyon papatol sa ganitong ka-cheapan. Natatawa ako kasi naririnig kong kumakanta si Jeremy. Hindi naman kumakanta. Nag-iingay na nga lang.

            Nagpatuloy na lang ako sa paghuhugas ng plato. Nagulat ako nang biglang may yumakap mula sa likuran ko tapos ay humalik sa pisngi ko. Napangiti ako dahil si Jeremy ang gumawa noon.

            "Happy birthday to me," bulong niya sa akin.

            "Happy birthday," natatawang sabi ko at humarap sa kanya. Nakita kong may hawak siyang maliit na baso at may lamang parang tubig at iniabot sa akin. "Ayaw mo namang maki-join sa amin kaya dinalhan na kita."

            "Jer, ayokong malasing. Walang magliligpit." Tumingin ako sa gawi ni Xavi at nakita kong nagpipipindot ito sa remote at nakatingin sa tv. "Ano 'yun? Naghahanap ng kanta?"

            Tumingin din si Jeremy sa gawin ni Xavi at natawa ito.

            "Hayaan mo. Minsan lang naman siyang magpakabaduy. Inumin mo na 'to. Birthday ko naman. Minsan lang tayo makatikim ng imported na alak," muli niyang iniabot ang baso sa akin.

            Kahit napipilitan ay kinuha ko na ang ibinibigay niya at ininom. Inubos ko ang laman kahit mapait. Tapos ay narinig kong ang piniling kanta ni Xavi sa videoke ay Can't take my eyes off you. Tapos ay nagsimulang kumanta.

            Tumingin sa akin si Jeremy at kahit nakasaklay ay sinimulan akong isayaw.

            "Bumalik ka na doon. Nakakahiya sa bisita mo," natatawang sabi ko sa kanya.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon