CHAPTER THIRTY - RED

13.1K 478 158
                                    

"Not all who wander are lost." - J.R.R. Tolkien

------------------------

Xavi's POV

            Natatarantang tumingin si mommy sa gawi ni Uncle Guido. Naiiyak na talaga siya.

            "Mommy, you are Mercedes?" Alam kong siya na iyon pero gusto kong marinig mismo ang sagot sa kanya.

            "X-Xavi, anak. I-I hope you would understand," mabilis na pinahid ni mommy ang mga luha niya. Tahimik lang si Uncle Guido na tahimik na nakatayo sa isang sulok.

            "Uncle! What the hell is this?" Sumasakit na ang ulo ko.

            Lumapit sa akin si mommy pero lumayo ako sa kanya. Itsurang nagmamakaawa si mommy.

            "Xavi, anak. Makinig ka naman. I love your Uncle. It's not my fault that I am in love him. Siya lang," umiiyak na sabi ni mommy.

            "Mom, pilit kong inintindi na may-ka-affair ka. But with Uncle?"

            Tumingin si mommy kay Uncle.

            "Xavi, I told you I am loving her for twenty years." Si Uncle ang nagsalita noon.

            "But she is married to your own brother! How could you do this? Maiintindihan ko kung babaeng may-asawa ang mahal mo. Pero asawa ng kapatid mo?"

            "I have known her first. I told you it was complicated."

            "At hindi ko alam na ganitong ka-kumplikado! This is fucked up! Galit na galit ako kay daddy dahil sa ginagawa niya sa akin pero mas nagagalit ako sa iyo. Niloloko mo ako? Pinaniwala mo ako na ikaw lang ang nakakaintindi sa akin dahil may gusto ka pa lang pagtakpan." Naiiyak na ako. Masakit na nga ang damdamin ko sa nangyari sa amin ni Kay, pagdating ba naman dito masasaktan pa rin ako. I felt betrayed by the person that I trusted the most.

            Napayuko si Uncle at napailing.

            "I love you like a son, Xavi."

            "But you are not my father!" Bulyaw ko sa kanya.

            "Xavier, iho, he is really your father." Umiiyak na singit ni mommy.

            Nakita kong nanlaki ang mata ni Uncle na tumingin kay mommy.

            "Susan, what are you talking about?" Nanginginig ang boses ni Uncle.

            "What?" Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni mommy.

            "I am so sorry, Guido. I didn't tell you. Ayoko ng madagdagan ang mga kasalanan ko kay Xanthus. Ayoko ng madagdagan ang mga kasalanan natin."

            Hindi ako makapagsalita. Gusto kong sugurin si Uncle Guido at bugbugin. Gusto kong pagsalitaan ng masasakit si mommy. Napaka-understanding kong tao. Lahat iintindihin ko. Naiintindihan ko nga na may ka-affair si mommy pero hindi ganito. Ayoko ng ganito.

            Wala na akong sinabi at lumabas na lang doon. Hindi ko na pinakinggan ang kung anuman na sasabihin nila. Hindi ko pinakinggan ang pagtawag ni mommy sa akin.

            They've been fooling around for twenty-nine years. Niloloko na nila ang mga tao sa paligid nila noon pa lang. Si daddy, si ate Xandra, ako. Pati ang grandparents ko niloloko na nila. Hindi ko akalaing magagawa iyon ng mga taong sobrang pinagkakatiwalaan ko. At ngayon ko pa talaga malalaman na kailangang-kailangan ko ng mga taong masasandalan dahil sa pinagdadaanan ko.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon