CHAPTER TWENTY NINE - AZURE

12.5K 512 115
                                    

"You were born an original so don't die a copy." - John Mason

--------------------------

Kay's POV

Hindi ko magawang gumalaw.

Hindi yata ako makahinga sa nagawa ko. Nanatili lang akong nakatalikod ng higa sa lalaking katabi ko sa kama. Ayokong maramdaman niyang gising ako. Hindi ko kayang humarap sa kanya.

Napapikit ako ng mariin sa tuwing maiisip ko kung anong nagawa ko. Ano ba ito? Bakit ko ba nagawa ito? Pinabayaan kong maglandas ang mga luha sa pisngi ko dahil sobrang nakukunsensiya ako sa nagawa kong pagtataksil kay Jeremy.

Hindi ako ganito. Mahal ko si Jeremy at siya lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako. Pero miss na miss ko na siya. Pakiramdam ko kalahating pagkatao ko ang nawala ng mamatay siya at si Xavi. Nandito. Umaalalay sa akin pero sinamantala ko.

Nahihiya ako sa nagawa kong pagtataksil sa asawa ko at nahihiya din akong humarap kay Xavi. Hindi ako ganitong klaseng babae. Si Jeremy kasi ang tingin ko sa kanya kanina at ng halikan ko siya, pakiramdam ko ibinalik ako noong gabi na unang beses uli kaming nagsiping ng asawa ko.

Napaka-pamilyar ng halik. Napaka-pamilyar ng bawat hawak. Katulad na katulad ng gabing iyon. Pero imposible. Imposibleng si Xavi iyon dahil nagising akong si Jeremy ang katabi ko. At hindi papayag si Jeremy na mahawakan ako ng iba at hindi rin naman gagawin ni Xavi ang magsamantala.

Nanigas ang katawan ko ng maramdaman kong gumalaw ang katabi ko sa kama. Rinig ko ang malalalim na paghinga.

"Kay," mahinang-mahina ang boses ni Xavi.

Hindi ako sumagot. Magkukunwa akong tulog o kung anuman para huwag na lang namin pag-usapan ang nangyaring ito.

"Kay, kung anuman ang-"

"Wala tayong pag-uusapan," putol ko sa sinasabi niya. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.

Napahinga ng malalim si Xavi.

"Alam kong masyado pang maaga pero-"

Mabilis akong humarap kay Xavi at nakita kong parang nalulungkot siyang nakatingin sa akin.

"Nagkamali ako. Hindi dapat nangyari ito." Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. "Mali ito. Nagkasala ako kay Jeremy." Hindi ko na napigil ang mga luha ko.

Hindi ko maintindihan pero parang nasaktan si Xavi sa mga sinabi ko.

"But Jeremy is dead. He won't be back."

Alam ko ang katotohanang iyon pero bakit napakasakit pa rin na marinig iyon sa ibang tao?

"And no one can replace him in my heart."

Hindi nakasagot si Xavi sa sinabi ko. Napalunok lang siya habang nakatingin sa akin.

Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa kagagahang nagawa ko ngayon.

"Miss na miss ko si Jer. Nangyari lang ito dahil nami-miss ko ang asawa ko. Nagkamali ako." Paulit-ulit ko iyong sinasabi.

"If this is a mistake then I don't want to make this right. Okay lang sa akin kung pagkakamali ako, Kay. I'll be with you. Even if you keep on calling me Jeremy. Okay lang," nakatitig sa mukha ko si Xavi.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito?
Bumuga ng hangin si Xavi na parang doon kumukuha ng lakas ng loob at mapait na ngumiti sa akin.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon